Episode 23

145 5 0
                                    

Episode 23:


FLAIR




"Ano ang pinag-usapan ninyong dalawa ni Jazzfer?"

Umismid naman ako. Hindi ko alam kung bakit palagi niyang tinanong ang bagay na ’yon.


"Inulit mo na naman, Charlotte. Sinabi ko na sa iyo." Ngumiti siya’t bahagyang yumuko para ipantay ang mukha sa akin kaya naman napalayo ako. "Oo na."



"Ross, mag usap tayo."Natigilan ako dahil nakita ko si Gregorio. ’Yong pinsan ni Wilbert.



"Tungkol naman saan ang pag uusapan na’tin?" Mahinahong tanong ko sa kanya.



"Tungkol kay Charlotte..."kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.


"What about her?" Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila.


Nakarating kami sa auditorium at tumayo siya ng tuwid sa harapan ko. Hinawi niya ang kanyang buhok at tiningnan ako ng seryoso.




"Hanggang kailan mo iiwasan si Charlotte?" Natigilan naman ako dahil sa tanong niya.



"What do you mean?" Maang maangang tanong ko sa kaniya.



"You're always avoiding her. Noong nakaraan hindi naman kayo gano’n. Mas close kayo, ano bang meron sa inyong dalawa? Hindi naman masasabing pagkakaibigan lang ang namamagitan sa inyong dalawa dahil nakita kong hinalikan ka niya." Kumabog naman ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Gusto ka ni Charlotte at alam ko na gusto mo rin siya—"



"Walang malisya ang paghalik niya sa akin." Tumaas ang kanyang mukha at gumuhit ang masungit na awra rito.


"Walang malisya? Gusto mo rin siya hindi ba? Gusto mo siya’t hindi mo kayang tanggapin sa sarili mo 'yon."


"She's confused."



"We kissed." Natigilan ako. "And I like her." Tinitigan ko siya. Halatang hindi siya nagbibiro kaya naman napalunok ako. "At kapag hindi mo pa sinabi ang nararamdaman mo para sa kanya baka ibang tao na ang magdesisyon para sa iyo." Pinag-krus niya ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "I will do anything to make her mine, to love me back. "


Bakit parang sa paraan ng pananalita niya siguradong sigurado siya na makukuha niya si Charlotte? As if naman makukuha niya sa akin si Charlotte.



"Do it." Matabang kong saad. Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay.




"Gusto mo siya hindi ba?" Umiwas ako ng tingin. "Ano natameme ka?" She grinned.



"Why should I? You know what nasasayang lang ang oras na’ting pareho. Aalis na ako." Masungit na sabi ko. Ayaw ko sa kanya. Nang akmang aalis na ako ay muli siyang nagsalita.



"Taliwas ang sinasabi ng iyong mga mata sa sinasabi ng iyong bibig, Flair." At bakit pati ang sinasabi ng aking mga mata alam na alam niya? Si Madam Auring ba ito? "Bakit hindi ka na lamang magpakatotoo d’yan sa nararamdaman mo? Hindi lang naman si Charlotte ang masasaktan sa ginagawa mo dahil kahit ikaw masasaktan din." I looked at her.



"Ano naman sa iyo kung meron nga akong nararamdaman para kay Charlotte?" Nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Ito naman ang gusto niyang maging sagot unang una pa lang kaya pagbibigyan ko siya.



"Inamin mo rin na gusto mo nga si Charlotte." Sinamaan ko siya ng tingin. "But hindi ibig sabihin no’n titigil na ako. Makukuha ko siya sa iyo, tandaan mo ’yan. May the best woman win," aniya pa.



She Owns My Lips || (Completed) ||Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz