16

543 31 106
                                    


"Baby,"


Nagising ako nang marinig ang boses ni Wave. Agad akong umupo at kinusot ang mata ko.


"Good morning," he greeted me with his sweet smile. He leaned towards me and kissed me on the forehead. "Did you sleep well?" he asked me.


Tumango naman ako agad. I covered my mouth, "I'll brush my teeth muna," sabi ko at agad na tumakbo papunta sa bathroom narinig ko pa na tumawa si Wave nang dahil sa sinabi ko.


Pagpasok ko nang banyo ay kinuha ko na agad ang toothbrush ko at agad na nagsipilyo. I saw Wave from the mirror, he was staring at me so I turned to him. "What?" I asked him.


"You look cute," nakangiting sabi niya habang nakasandal sa pinto nang bathroom habang pinapanood ako na magtoothbrush. Nailing nalang ako at agad na tinapos na ang pagtotoothbrush ko. I also washed my face before going out.


"I cooked parmesan pork chops with pappardelle and sauce," sabi niya at nilagyan ako nang kanin sa plate. Ano daw? Tinaasan ko siya nang kilay, "What? That's delicious," natatawang sabi niya at inabot sa akin ang plato ko. Umupo siya sa tapat ko.



"Ano ulit 'to?" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa niluto niya.


"Parmesan pork chops with pappardelle and sauce," nakangiting sagot niya. "I want you to taste that," sabi niya pa kaya agad namang akong kumuha at agad na kumain. Natigilan pa ako saglit kase sobrang sarap. Tangina, sobrang sarap talaga.


"This is delicious," sabi ko pa habang kumakain nung pork chop ek-ek na niluto niya. "Ang galing mo magluto 'no? Sanaol," sabi ko pa.


"Why? You can't cook?" he asked me.


"I can cook naman," sabi ko, "Pancit canton, noodles, fried foods, corned beef ayon" sabi ko pa at ngumiti. "Wala na akong ipapakain sa asawa ko puro processed food nalang," naiiling na sabi ko.


He smiled, "I'm willing to eat processed food," biglang banat niya. "Or IF I can be your husband, I'm the one that will cook for you everyday" sabi niya pa. "IF only,"pahabol niya pa. Heret nemen.


Natapos na kami kumain, nagvolunteer ako na maghugas pero sabi ni Wave siya nalang daw. Hindi na ako nakipagtalo pa, kahit anong gawin ko 'e wala naman akong laban kay Alon. Pagkatapos namin kumain ay nag-ayos na din kami at agad na lumabas nang suite para maglog-in for attendance.



"Hi, Cash!" bati agad sa akin ni Asher.


"Hello," sabi ko naman, "Bakit wala masyadong tao?" tanong ko. Wala kasing masyadong tao sa hall kung saan kami nag-aattendance nakakapanibago.


"May mga assigned tasks na sila 'e," sagot naman ni Asher. "'E tayo night watch pa," sabi niya pa. Umupo ako sa tapat ni Asher agad namang tumabi sa akin si Wave.


"Are you still sleepy?" tanong ni Wave sa akin, agad naman akong umiling. He put the few strands of my hair on the side of my ear and smiled.


"Hala!" biglang sabi ni Asher kaya napatingin kami sa kanya, "Bati na kayo?" tanong niya pa na parang gulat. "Ay, wala nga palang kayo," sabi niya pa at tumawa. "Sorry na dude," sabi niya agad nang ambahan siya ni Wave.


"Shut up," sabi naman ni Wave at nailing.


"Okay, shut up na" sabi naman ni Asher at kunwari pang zinipper ang kanyang bibig. Humarap sa akin si Wave muli akong nginitian. "Kapag kay Cash lagi kang nakangiti pag sa akin nang aaway ka lagi, I hate you dude" pag-iinarte ni Asher.


Fair Winds, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon