14

505 28 59
                                    



"Ayoko na!"


Nailing nalang ako nang sumigaw si Cazzie at agad na sumubsob sa desk niya. Binigyan na naman kasi kami nang project sa DRAW or 'yung Marine Drawing and Diagrams at meron din kaming exam sa Electro. Sasampa na ulit kami sa barko bukas, so I need to finish 'yung sa DRAW if not sa barko ko nalang gagawin.



"Cash," pagtawag sa akin ni Cazzie at agad na kumapit sa braso ko. "Drawingan mo 'ko," agad na reuest niya habang nagpapacute.


Umirap ako, "Hindi pa nga ako tapos," agad namang sabi ko.



Ngumuso siya, "Dali na, Cash" sabi niya pa. "Bayaran kita," sabi niya.



Tumingin ako sa kanya, "Hindi ako bayarang babae," natatawang sabi ko. Ngumuso siya lalo, "Magkano ba?" tanong ko.



"1500," sabi niya. "Dali na,"


Umiling ako, "Hirap kaya no'n, ayoko" sabi ko at agad na tumayo. "Uwi na ako, bye" nakngising sabi ko at agad na nagpunta sa parking kung saan nakapark ang Ferrari ko na ngayon ko na lang ulit nagamit dahil ngayon lang ako nagkaroon nang pang gas.



"Hi, kuya" bati ko sa guard nang school namin. "Musta?" bati ko pa.


"Ngayon lang ulit kita nakita dito ah," nakangiting sabi niya naman. "Absent ka nang absent ha," sabi niya pa habang naiiling.



"Hindi ako na-absent kuya, nag-iintern ako sa barko" pagpapaliwanag ko sa maissueng si Kuya Guard.



"Ay, hindi ba kapatid mo 'yung gwapong bata na taga Psycho?" tanong niya kaya agad naman akong tumango. "Ganda ang chics niya ah," sabi niya pa.


Nagsalubong agad ang kilay ko, "Chics?" takang tanong ko. "Sino?" tanong ko. Tanginang Pay 'yon.



"Hindi ko alam ang pangalan 'e, pero parang hindi dito nag-aaral 'e" pagsusumbong niya pa. "May babae na naghihintay sa kanya nung isang araw 'e,"



"Kuya, kapag makita mo ulit picture-ran mo ha."


Tumango naman siya, "Sige," simpleng sagot niya. Nagthumbs-up lang ako at agad na pinaandar ang sasakyan ko paalis. Dumaan muna ako sa OCC para bumili nang illustration board, doon kasi kami magdodraw.


Pagpasok ko sa tindahan na binibilhan ko ay agad akong naghanap nang illustration board.


"Montage,"


Agad naman akong tumingin kung saan nanggaling ang boses ni Neo. Nakangiti siya sa akin habang may hawak na folder.


"Tol," pagtawag ko sa kanya at tinapik ko pa ang balikat niya, "Ano meron?" kaswal na tanong ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkuha nang illustration board. Umupo siya sa tabi ko para tulungan ako.


"How was your trip to Bahamas?" biglang tanong niya.



"Fine," simpleng sagot ko naman.


"Hmm," simpleng sabi niya, "You're with him?" tanong niya pa, bahagya pa siyang umubo matapos niya magtanong.



"Hmm," sagot ko naman at tumayo na, kaya tumayo na din siya.


"Is he your boyfriend?" seryosong tanong niya. I sighed and shook my head. "You seem disappointed," sabi niya.


"No, I'm not" sagot ko naman at agad na naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang mga pencils.


Fair Winds, My LoveWhere stories live. Discover now