Gusto Kong magluto ng adobo. Eto Yung una at huling potahe na itinuro niya sakin.

Habang nagluluto ako, umiiyak ko. Naalala ko yung araw na prinank ko siya. Pinilit niya pa ring kumain kasi luto ko Yun, ayaw niyang magalit or magtampo ako. Kahit pangit Ang lasa tinikman Niya pa rin ko.

Nahahaluan na ng luha 'tong niluluto ko, sinabihan ako ng mga kasambahay dito na sila na lang ang magluluto pero umayaw ako. Gusto ko ako.

Habang kumakain ako, bumabagsak pa Rin ang luha. Kahit anong gawin kong pagpigil ayaw pa rin maawat.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na sana hindi totoo ang lahat ng ito. Na sana nasa loob lang ako ng napakasamang bangungot.

Pero kahit sampalin ko at saktan ko Ang sarili ko. Hindi pa rin ako nagigising sa masamang bangungot na 'to.

Napatingin ako sa salas nila habang Isa isang pumapasok sa utak ko ang mga alaala na naganap sa salas nila. Mga asaran, kulitan, hampasan, habulan.

Mga pangyayari na ngayon ay alaala na lang at hindi na mangyayari kahit pagbaligbaligtarin man ang mundo.

Nakita Kong lumabas si Tito chadlier sa kwarto niya, maging siya ay mugtong mugto rin ang mata dahil sa kakaiyak. Wala na Ang asawa niya, Wala na rin si Apollo, nagiisa na Lang siya ngayon.

"K-kain na po...t-tito" tawag ko, agad Naman siyang napatingin sakin at naglakad ng mabilis. Umupo na siya sa harapan ko.

"P-pupunta ka na ba mamaya sa burol ni apollo?" tanong sakin ni Tito chadlier, Alam Kong naiiyak siya pero pinipigilan niya ito. Ngunit ako hindi ko kayang pigilan.

"O-opo" sagot ko, tumango lang siya. Limang araw lang ang magiging burol ni apollo, dadating na mamaya Ang mga kamaganak niya galing sa Ibat ibang bahagi ng mundo.

Tahimik lang akong kumakain habang bumagasak ang luha ko. "Kailangan nating tanggapin na wala na siya, Hindi na siya babalik. Mas masasaktan Lang tayo Kung iisipin nating Isa itong bangungot" mas lalo akong napaiyak sa sanabi ni Tito Chad Lalo na yung huli niyang sinsabi.

'Mas Lalo tayong masasaktan Kung iisipin nating Isa itong bangungot'

May point siya, mas Lalo Lang akong masasaktan kapag Hindi ko tinanggap na wala na talaga siya.

May mga damit ako dito sa bahay Nina apollo, dinala ni kuya kaninang umaga bago siya tumuloy sa burol. Sinuot ko ang couple shirt namin. Gusto ko 'tong isuot ngayon dahil Alam Kong matutuwa siya, Alam ko ring nandito Lang siya sa tabi ko ngayon binabantayan niya ako.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas na ako at nanghintay ng taxi. Walang masyadong dumadaan dito na taxi dahil alas tres na ng hapon. Naisipan Kong tawagan si kuya para sunduin niya ako.

Ilang sandali pa, dumating na siya. Tulala lang ako habang nakatitig ako sa daan, tiningnan ko saglit Yung phone ko baka sakaling magtext siya or tumawag at sabing IZAAAA PRANKKK!!

Ilang minuto akong naghintay pero wala. Traffic kaya wala kaming magawa, baka matatagalan kaming pumunta sa burol ni apollo. Malapit sa cemetery siya binurol, nandon din sina daddy, Tito chad, at si Kyle at Yung gf niya. Nandoon na din si ate tereese.

Napatingin ako sa blue na kotse na katapat namin, parang Yung kotse lang din ni Apollo. Napatingin ako sa driver, Parang siya Apollo ka. Kamukhang kamuha niya ito.

Mabilis Kong binuksan ang bintana ng kotse ni kuya, pinigilan niya pa ako pero hindi ako nagpaawat. "Apollo!" Sigaw ko, "Apollo!" Ulit ko pa, napatingin sakin Yung driver ng blue na kotse. Ngumiti Lang ito at nagpatuloy na sa pagda-drive. Humupa na Ang traffic.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Where stories live. Discover now