Chapter 2

4 3 0
                                    

[Chapter 2]

(Warning: Grammatical errors ahead)

"MISS next time, magiingat ka at wag kang pupunta sa gitna ng kalsada Lalo na sa gabi. Dahil Hindi lahat ng pagkakataon may magliligtas sayo" saad Niya, natauhan naman ako at napaiwas ng tingin "at wag Kang tatanga tanga. Tsk" dagdag niya pa. Hindi ako umimik sa sinabi niya.

Wala Naman kasing sasakyan kanina, bigla bigla na lang silang sumusulpot. "Thank you" sambit ko saka ako ngumiti ng konti, Ang gwapo niyo pero may pagka-attitude din. Hayss.

Marahan syang tumalikod at naglakad palayo, grabe kinabahan talaga ako kanina akala ko mamamatay na ako. Napabungtong hininga ako "hey are you ok? Nasaktan kaba?" sunod sunod na tanong ni kuya payatot kaya napatingin ako sa kaniya. Tumango Naman ako.

Umakbay siya sakin habang naglalakad kami "gwapo nung nagligtas sayo ah" napatingin Naman ako kay kuya, nakatingin lang siya ng diretso sa daan "diba siya yung rider na nakita natin kaninang umaga?" dagdag ni kuya, bigla namang pumasok sa isipan ko yung rider kaninang umaga. Kaya pala parang familiar yung lalaki kanina, nakita ko na pala siya.

"Baka meant to be na magkita kayong dalawa" tawa ni kuya, sinipa ko naman siya sa pwet dahilan upang mapatakbo siya. Naghahabulan na kami ngayon dito sa kalsada, wala ring ibang maingay kundi kami Lang.

Nagunahan pa kami ni kuya na pumasok sa escalator..joke elevator pala :>

Halos mapunit na ang damit Niya at damit ko dahil sa paguunahan namin. Naalala ko naman yung mga pinamili ko na pinabantay ko sa isang staff dito kanina.

"Ay sandali kuya Yung mga pinamili ko, Hindi ko pa pala nakukuha" sabi ko Kay kuya, tinawanan niya lang ako halos sumakit na ang tiyan niya. Napakunot noo naman ako "byeee pandak maghagdan ka na Lang. Blehh" sigaw niya dahilan upang mapatingin samin Ang ibang mga tao na nandito, mabilis kong kinuha yung mga binili ko na pinabantay ko sa babae kanina saka ako humabol pero mabilis na nagsara ang elevator.

Kung minamalas nga Naman. Kaya pala tawa siya ng tawa may balak pala siyang pagtripan ako. Humanda ka sakin mamaya kuya!

Binilisan ko ang pagakyat sa hagdan, halos madapa na ako. Nagbi-blinks blinks kasi ang ilaw dito sa hagdan, parang may multo. Hindi Naman sa natatakot ako pero, nakakakilabot kasi. Wuahhhhhhh!

Pagbukas ko ng pinto sa 4th floor, nakapatay ang ilaw, hindi naman brown out ahh. Binagalan ko ang pagtakbo baka may mabangga ako or what. Inopen ko Ang flashlight ng cellphone ko para kahit paaano may Makita ko ang dinadaanan ko. Natanaw ko na ang kwarto namin kaya binilisan ko onti ang paglalakad ng biglang may tumambad sa harapan ko ang isang nakaputi.

Wuuuaaaaahhhhhhh!!!

Napasuntok ako dahil sa takot bago ako tumakbo papasok sa kwarto namin ni kuya. Narinig ko namang umaray siya, napalingon ako sa paligid, Wala si kuya dito kaya lumabas na ako saka ko binuksan ang ilaw sa pasilyo.

Nakita ko na lang si kuya payatot na nakaupo habang tumatawa. Ang lakas ng trip niya. Nakakainis!

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya saka ko siya dinaganan, alam kong hindi siya papatalo kapag nagre-wrestling kami pero hindi Niya ako linabanan sa halip ay tinawanan niya lang ako. Pinilipit ko ang isang tenga niya "arayyy, joke lang yun pandak. Promise Hindi ko na uulitin" sambit ni kuya saka niya tinaas Ang isa niyang kamay bilang tanda ng promise niya Kaya binitawan ko na siya.

"Ang lakas ng trip mo kuya" tumayo na ako at naglakad papasok saming kwarto "pinapasaya lang Kita" tugon ni kuya payatot saka pumasok sa kwarto, well he succeed napasaya niya ako at natakot pa.

"Matulog kana, maaga pa tayo bukas" Sabi ni kuya saka niya nilagay sa isang bag ang lahat ng pinamili namin. Humiga na ako sa kama ko, at nagtuklob ng kumot, nadali akong nakatulog dahil napagod ako sa katatakbo kanina.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon