Chapter 6

3 2 0
                                    

[Chapter 6]

"WHAT do you want to eat?" tanong sakin ni Apollo, nasa restaurant nila kami and this is our second date. Almost seven months na simula noong nagkaaminan kami, and yet kami na. Wala kaming callsign mas panatag ako kapag Apollo Lang ang tawag ko sa kaniya.

"Kahit ano" sagot ko, habang naglalaro ako ng mincraft sa phone niya. Matanda na ako pero naglalaro pa rin ako nito.

Habang kumakain kami, di ko maiwasang di siya titigan. Kinaiinisan ko lang noon, jowa ko na ngayon.

"Why are you staring me like that?"

"Nothing"

Naging sweet na rin siya ngayon, pero sempre hindi pa rin niya ako maiwasang inisin. Gaya ng dati wala namang masyadong nagbago sa kaniya, naging sweet lang siya.

Lagi niya pinaparamdam sa'kin na special ako sa lahat, na mahalaga ako. Lagi rin niyang sinasabi Mahal na Mahal niya ako kahit halata Naman.

"Three months na lang anniversary na natin. Where do you want to go? Out of country?" tanong niya sakin. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na umabot kami ng ganito.

Nakaabot kami ng seven months. Seven months na puno ng asaran, kulitan. Minsan nagva-vlog din ako kasama siya, marami na rin akong napasyalang lugar with apollo, like sa bataan, batangas, cebu atbp.

Minsan napapaisip ako, what if isang araw maghiway kami? What if magsawa siya sakin? What if di na niya ako mahal?

Mga What if's na ayaw Kong mangyari kahit kailan.

NAKAHIGA Lang ako sa kama ni apollo, habang busy siya na laptop niya. Wala naman akong magawa dito, walang games yung phone ko at wala rin akong movie. Tulog na lang talaga ang choice ko ngayon.

"Apollo, matagal ka pa ba jan? Ilang oras ka ng nakatutuk Jan eh. Wala ka ng time sakin" nagtatampong tanong ko, Alam Kong makokonsenya siya kapag di niya ako pinansin. Naging soft hearted na siya simula nung naging kami, konting tampo ko lang sinusuyo na niya agad ako. Serep se feeleng. Haha

"Uhm, matatapos na ako dito. Wait a minute ok?" yinakap ko na lang yung favorite pillow niya, hinihingi ko 'to sa kaniya pero ayaw niya dahil bigay daw ng mommy niya. At mahalagang mahalaga ito sa kaniya.

Naalala ko pa 'non na kinuwento niya sakin na namatay yung mommy siya dahil sa disease at pinangako niya sa mommy niya na kapag nagmahal siya ng babae, aalagaan niya ito ng sobra at mamahalin. Kaya todo alaga siya sakin.

Lahat Naman ng bagay ay mahalaga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito. Paggising ko, chineck ko muna yung phone ko 8pm na. Gabi na.

Hinanap ko si Apollo sa loob ng kwarto niya pero wala siya kaya bumaba na lang ako baka sakaling nanonood siya sa sala nila.

"Good evening sweet zean of mine. Food is ready" lambing ni apollo sabay yakap mula sa likod ko at humalik sa pisngi ko. "Sorry nakatulog ako" sambit ko sabay hawak sa kamay niya.

"No. Sorry wala akong time sayo kanina" yinakap niya muli ako, naglakad na kami papunta sa kusina nila.

"Where's Tito?" tanong ko, saka ko nilibot ang mata ko sa loob ng bahay. Nandito siya kanina nung dumating ako dito sa bahay nila "may inaasikaso siya" pinaupo niya ako sa upuan at umupo rin siya sa harap ko.

May mga maids sila dito kaya ok lang kahit wala si Tito chadlier. Wala namang malisya dahil magjowa naman kami ni apollo. "Tikman mo 'to niluto ko yan for you my queen" ngiti niya saka niya nilagyan ng ulam ang plato ko.

Swerte ko naman sa kaniya, marunong siyang magluto. Siguro kung titira kami sa isang bahay ng kami Lang, hindi niya ako hahayaang magtrabaho.

Tinikman ko na yung niluto niya, masarap ito, katamtaman Lang ang lasa hindi masyadong maalat 'tong adobo "Ang alat" pangaasar ko, agad nya ako inabutan ng isang bagong tubig saka niya ako sinamaan ng tingin. Kapag pinagluluto niya ako laging maalat ang sinasabi ko kahit di naman totoo "I'm kidding, taste good" ngiti ko sabay thumbs up, umaliwalas na ang hitsura niya kumapara kanina.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Where stories live. Discover now