Chapter 1

24 4 3
                                    


[Chapter 1]

"What's up my shining star, welcome back to my YouTube channel. Kung Hindi ka pa nakakapagsubscribe ano pang ginagawa mo? Subscribe na" Yes Isa akong vloger pero hindi ako sikat I mean konti pa lang ang viewers and subscribers ko. Pero umaasa akong someday dadami din.

Papunta ako ngayon tabing dagat sa resort ng Tito ko katatapos Lang ng kasal ng kaniyang unica-hija. Actually hindi ako naniniwala sa kasal, halos lahat kasi ng kilala kong ikinakasal ay naghihiway din. Like my parents, ten years na silang kasal pero nauwi rin sa hiwalayan. Naalala ko pa ang pagaaway ni mommy at daddy bago si naghiwalay.

14 years old ako non. "Wala Kang kwentang asawa" Sabi ni mommy kay daddy nakasilip lang kami ng kuya sa pintuan ng kwarto nina daddy habang umiiyak "Ang sabihin mo may babae ka kaya lagi kang Wala dito" dagdag pa ni mommy, hindi umimik si daddy at hindi niya pinagtanggol Ang sarili niya kay mommy. Matagal na naming Alam na may Mahal na iba si mommy, at palagi silang magkasama kapag Wala siya dito. Alam din ito ni daddy pero ayaw niyang hiwalayan si mommy at ayaw niyang masira ang pamilya namin.

At nalaman na lang namin ni kuya kinaumagahan na naghiwalay na si daddy at mommy. Pero kahit minsan ay Hindi naghanap ng ibang babae si daddy pinanindigan niya pa rin Ang pagmamahal niya kay mommy.

And yes mayaman kami, seaman ang daddy ko pero broken family kami nga lang, minsan lang namin nakakasama si daddy kapag natapos na ang ilang years na kontrata niya ay umuuwi siya sa'min pero one month lang hindi siya nagtatagal kasi sayang daw Yung kikitain niya.

Habang si mommy naman ay matagal ng hindi nagpaparamdam kami sa'min. Sinubukan naming hanapin ni kuya pero hindi namin siya nahanap. By the way I'm Zean Avila, 18 years old, soon to be your wife. Haha I'm kidding.

Inoff ko muna Yung camera ko, hihintayin ko Lang na magsunset. Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay biglang na Lang may bumangga sakin dahilan para mahulog Yung camera ko. Napatingin ako sa bumangga sakin. Isang lalaking parang mayabang. Hinihintay Kong pulutin niya 'yon pero di niya ginawa.

Pinulot ko na Yung camera ko saka ako mabagal na naglakad "Napakapresko di man Lang magsorry" bulong sa hangin saka ko inikot ang mata ko. Napatigil na Lang ako ng magsalita siya "I heard you miss" taas kilay ko siyang liningon.

Well, he's not a gentleman sayang gwapo naman siya. "Bakit Naman ako magsosorry sayo?" tanong niya, sandali ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa "binangga mo lang Naman ako" mataray kong sagot.

Nakatitig lang siya sa mata ko "should I say sorry?" maatitude 'tong lalaking 'to.

"Malamang alangan naman na ako magsosorry" ngumisi lang siya.

"Matapang ka miss, nagawa mo akong tarayan"

"Sino kaba?" mataray ko pa ring tanong, well tinatarayan ko talaga lahat lalo na kapag may kasalanan ka.

Ngumisi lang siya ulit, Hindi ko na hinintay yung sagot niya, tumalikod na ako sabay lakad ng mabilis. Nakakainis di man lang nagsorry sakin. Ugh!

Mahilig akong manood ng sunset, 5pm na at papalubog na ang araw. Ang lamig ng hangin na humahalik sa balat ko, sariwang sariwa at nakakawala ng problema. "Ang hilig mo talaga sa sunset" narinig kong Sabi ni kuya john nanatili lang akong nakatitig sa araw na marahang lumulubog. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko.

Si kuya john, ang laging kasama ko. Laging sumusuporta sa'kin, sa lahat ng bagay na gusto kong gawin. Matangkad siya, katamtaman Lang ang puti niya, matangos ang kaniyang ilong at maganda ang built ng katawan Niya. 18 years old na siya. Turning 19. Kambal kami, kuya ang tawag ko sa kaniya dahil mas una daw siyang lumabas sa sinapupunan ni mommy.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Where stories live. Discover now