Chapter 8

5 2 0
                                    

[Chapter 8]

(SAD SONG- by We the kings For this chapter plss:-)

NAKAUPO Lang ako dito sa sahig ng kwarto ni apollo habang tinititigan ko Ang mga pictures namin. Hindi ako makapaniwala na Wala na siya. Wala na talaga siya. Lagi Kong iniisip kung bakit bangyari 'to?

Naninikip ang dibdib ko kapag naalala ko ang mga masasayang alala na kasama siya bago siya nawala. Nanghihina ako, mas Lalo akong napaiyak ng makita ko ang huling video niya dito sa phone ko.

'Hey my queen, always remember I love you so much. Ikaw lang ang mamahalin ko kahit anong mangyari even in the afterlife'

Eto Yung huling video niya, ito na rin Yung huli kong alaala sa kaniya. Hindi ko kayang mawala siya, Hindi ko matanggap. Parang hiniwa ng pirapiraso ang puso ko, sobrang sakit, sobra akong nasasaktan ngayon.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang 'tong nararamdaman ko. "Zean Tara na gabi na. Uwi muna tayo" narinig Kong sabi ni kuya mula sa labas ng kwarto ni Apollo, tumayo ako at binuksan ang pinto.

"D-dito na lang ako matutulog kuya. Mauna ka na" sinara ko na Yung pinto at humiga sa kama ni apollo. Mugtong mugto na ang Mata ko, kagabi pa ako umiiyak.

"Sige dito na Lang din ako matutulog. May guess room Naman" sambit ni kuya, tumango ako kahit di niya nakita, Wala na rin akong lakas ng loob na magsalita, parang natuyo na Ang lalamunan ko.

Yinakap ko ang paboritong unan ni Apollo. Biglang tumunog yung laptop niya kaya kinalikot ko ito.

Tiningnan ko lahat ng laman, hanggang mapunta ako sa may video. May last video dito na Ang title ay 'My Proposal' plinay ko ito.

Patuloy Ang pagbagsak ng luha ko habang pinapanood ito. Sobrang naninikip ang dibdib ko parang pinipiga.

Sa video sinabi niya don lahat ng gusto niyang mangyari samin. Plinano niya ang future namin.

'Its our anniversary and balak Kong magpropose sa kaniya. Pakakasalan ko siya para hindi na maagaw ng iba. Hahah'

Ito Ang huli niyang sinabi bago matapos ang video. Napatakip na Lang ako ng bibig  ko, naglibot muna ako sa kwarto niya habang yakap yakap ko Ang unan niya, nakapadami Kong alaala sa kwartong ito, mga alaala na kailangan man ay hinding hindi Ko kakalimutan.

Napaupo na Lang ako sa sahig ng Makita ko ang paborito niyang damit, Yung bigay ko noong first monthsary namin. Lagi niyang sinusuot ang damit na iyan dahil Ang ganda daw.

Muli akong humiga sa kama niya. Pagod na ako sa kakaiyak. Umaasa akong bukas paggising ko, masisilayan ko Ang matamis niyang ngiti at Ang mapangasar niyang ngisi.

Umiyak Lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako.

KINABUKASAN tanghali na magising ako, hindi daw ako ginising ni kuya dahil Alam niyang pagod ako sa kakaiyak, inayos na nila kagabi ang burol ni apollo.

Linibot ko Ang buong bahay baka sakaling nandito na si Apollo, halos mapuntahan ko na lahat ng kwarto pero wala siya. Wala talaga siya. Muli akong napaiyak dahil Hindi ko matanggap bakit ganon?

"Ma'am zean ano pong gusto niyong kainin?" Tanong ng maid  Nina apollo, nasa kusina na ako ngayon, nagkakape, hindi ko mahanap si Apollo kaya bumaba muna. Hindi pa ako kumakain simula kagabi, wala akong ganang kumain kagabi.

"G-gusto ko po ng adobo. Ako na lang din po ang magluluto. Iprapare niyo na lang po Yung m-mga kakailangan ko" Sabi ko sa maid, tumango naman siya at naglakad papunta sa kusina.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Where stories live. Discover now