Special Espasol

20 0 0
                                    

                 "Pagod na pagod na akong i-articulate 'yang mga nararamdaman mo!" Asik ni Roks kay Daks.

                "At sino bang may sabi sa'yo na i-articulate mo mga nararamdaman ko? Tanga ka pala e, ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo!" Naiinis na bwelta ni Daks.

              "Tangina Daks, matapos lahat ng ginawa ko para sa'yo? Siguro nga tanga ako, pero mas tanga ka!" Ani Roks habang tinatapunan niya ito ng masamang tingin.

         "Oh mga pare tama na 'yang l.q niyo, performance level dapat tayo mamaya ha." Sabat ni Jhong at nagsimula nang magmake-up.

           "Tangina kasi 'tong si Roks, may topak kung anu-ano sinasabi, brrrrt ka sa akin mamaya!" Naiinis na turan ni Daks at kapagdaka'y kinuha na rin ang kanyang make-up kit at clown costume.

        "'Di mo rin naman masisisi 'yang si Roks, laging siya ang taga-toothbrush niyang mga lumalabas sa bunganga mo." Wika ni Jhong.

        Bubuwelta na sana ulit si Daks nang biglang may kumatok sa pintuan.

          "Pasok!" Koro nilang tatlo.

            "Excuse me po, special espasol delivery po for Jhong, Roks and Daks." Bungad ng delivery boy ng Food Panda.

           Nagkatinginan ang tatlong lalaki sa dressing room—tila nagtatanong kung sino sa kanilang tatlo ang um-order ng espasol. Wala sa kanila ang may hilig ng nasabing pagkain. Tila nabasa naman ng delivery boy ang pagtatataka sa kanilang mukha.

         "Regalo po ng isang lalaking nagpakilalang fan ninyong tatlo. Hindi na po niya sinabi pangalan niya dahil nahihiya siya. May note rin po siyang ipinabigay sa inyo." Iminuwestra ng delivery boy ang maliit na papel kasama ang tatlong balot ng espasol. Napatigalgal na lamang ang tatlo habang tinanggap ang mga iyon.

       "S-sige, salamat!" Wika ni Roks at kapagdaka'y umalis na ang delivery boy.

           Salamat sa compassion ninyo mga idol. Keep on making us happy <3 Sana magustuhan niyo espasol na'to.

           Iyon ang nakasaad sa sulat ng misteryosong fan ng tatlo.

          "Aww, katouch, first time nating makatangap ng gift from anonymous sender ha. Akalain mo 'yun may nakaka-appreciate ng mga effort natin sa pagpapasaya sa madla." Emosyonal na turan ni Roks.

         "Tsk, baka may lason 'to? Ano'ng malay natin, marami pa namang tarantado ngayon." Hirit ni Daks habang matamang iniinspeksyon ang packaging ng espasol.

             "Dami niyong sinasabi, wala naman sigurong may masamang motibo sa atin, hala bira!" Wika ni Jhong at binuksan na ang kanyang espasol. Nakigaya na rin ang dalawa at ninamnam ang espasol.

          "Sandali...parang may mali sa lasa ng harina." Nakasimangot na puna ni Daks.

           "Oo nga... tangina bakit parang lasang lupa?"

           "Lasang...buhangin!!!" Koro nilang tatlo at sabay-sabay nilang iniluwa ang special espasol.

             Lingid sa kaalaman ng tatlong payaso ay may mga kamerang nakatutok at tuwang-tuwang pinagpipiyestahan ang reaksyon nilang tatlo sa special espasol.

          Click.

          Click.

            Click.

             Flash. Flash. Flash.

               Padami nang padami ang mga taong dumadagsa sa may pintuan ng dressing room ng tatlong payaso sa bawat pagduwal nila.

UNRAVEL: A Collection of ShortiesWhere stories live. Discover now