Super P

30 1 2
                                    

Theme: Superhero

Required WC: 1k-2k words

Entry for SBC Submissions(pero hindi nakapasa hahaha)

            Isang masaganang luha ang lumandas sa pisngi ng kinse anyos na si Pol habang paulit-ulit na kumakampana sa kanyang mga tainga ang mga panlalait ng kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang pango na ilong. Bukod kasi sa may katabaan na nga siya ay sobrang pango pa ng ilong nito—tila isang patag na bagay na tinubuan lamang ng dalawang butas. 

         Sa araw-araw na inilalagi niya sa eskuwelahan ay wala na lang ibang bukambibig ang kaniyang mga kaklase kungdi ang mga panunudyo ng mga ito sa kanyang sobrang pango na ilong. Hindi naman lumalaban si Pol bagkus ay hinahayaan na lamang niya ang mga ito dahil ayaw niyang lalo pa siyang asarin kapag pinatulan pa niya ang mga ito. Wala rin naman siyang lakas-loob na magsumbong sa kanilang mga guro at maging sa kanyang Tiyo Pablo na siyang nag-iisang tumaguyod kay Pol magmula nang maulila siya sa kanyang mga magulang dahil sa isang malagim na aksidente.

       Kasalukuyang nakaupo sa lilom ng puno ng mangga si Pol habang tahimik na umiiyak. Hindi na kasi niya nakayanan ang bigat ng kalooban niya dala ng mga panlalait ng kanyang mga kaklase kaya naman iniiyak na lamang niya ito.

        "Sana hindi na lamang naging ganito ang ilong ko para 'di ako nahihirapan ngayon," hikbi niya kasabay ang pagyugyog ng kaniyang mga balikat.

        Kasabay ng kaniyang pagtangis ay ang pagdampi naman ng isang mabining hangin sa kaniyang paligid. Nagsimula nang lumatag ang dilim sa kulay kahel na kalangitan. Habang pinagmamasdan niya ang pagdilim ng kalangitan ay biglang may kung anong bagay ang tumama sa kaniyang ilong; may katigasan ito na siyang ikinasinghal niya sa sakit.

        "Aray! Sa lahat ba naman ng puwedeng pagtamaan, bakit sa ilong ko pa?!" asik niya habang sapo-sapo ang ilong. Nang tignan niya kung ano ang bagay na tumama sa kaniyang ilong ay kumunot ang noo niya—Vicks Vapor Rub?!

      "Pinaglalaruan na yata ako ng mga mata ko!" ani niya at kinusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata upang kumpirmahin kung tama ba ang nakita niya.

           Nang makumpirma niya na hindi nga siya namamalik-mata ay gumuhit ang inis sa kaniyang mukha kasabay ng panunulis ng kaniyang nguso.

          Sobra-sobra nang pang-aasar ito ng tadhana!

      Sino naman ang babato sa kaniya rito sa liblib na lugar nila ng Vicks Vapor Rub sa ganoong kalayo na distansya? Gayung mangilan-ngilan lamang ang naninirahan sa nayon nila at halos magkakalayo pa ang agwat ng mga kabahayan. 'Di kaya'y minamaligno na siya?

       Nagugulumihan man siya sa nangyari ay binuksan niya ang takip ng Vicks at isang nakakasilaw na asul at puting liwanang ang sumambulat sa kaniya.

     "Mula ngayon, magbabago na ang kapalaran mo. Dahil isa kang bata na may ginintuang puso, bibiyayaan kita ng kapangyarihan. Isang kapangyarihan na magagamit mo sa pagtulong sa iyong kapwa." Wika ng isang malamyos na tinig.

       "S-sino ka?!" nanghihilakbot na tanong ni Paul nang tumambad sa kaniya ang babaeng nakasuot ng asul at puti na kasuotan na kumikintab-kintab pa.

      "Saksi ako sa iyong paghihinagpis dahil diyan sa ilong mo. Ngayon Pol, 'wag ka nang manangis dahil ang ilong na 'yan na nilalait nila ang siyang magiging daan para makatulong ka sa nangangailangan," wika ng diwata at nagpatuloy, "Ipahid mo lang ang Vicks na ito sa iyong ilong. May taglay na kapangyarihan ang Vicks na ito kumpara sa karaniwang ginagamit ng mga tao. Sa oras na pinahiran mo na ang ilong mo nito, pagkakalooban ka nito ng napakatalas na pang-amoy na siyang magagamit mo sa oras ng pangangailangan."

UNRAVEL: A Collection of ShortiesWhere stories live. Discover now