"Ate!"

Nangiti ako ng makita si Audrey na bumaba sa sasakyan at saka ako sinalubong ng yakap. Ang laki na ng kapatid ko. Nilingon ko din sila Mommy at Daddy na naglalakad papalapit sa amin.

"Mom, Dad.." usal ko at bumeso

"Nakakatuwa naman at sa wakas umuwi ka din, wag ka na ulit aalis. Magtatampo na ako!" pag dadrama ni Mommy na ikinatawa namin.

"I'm not yet sure Mom," sambit ko na nginusuan lang niya.

Bumaling ako kay Daddy at ngumiti. "Dad.."

Yumakap siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "Welcome back anak."

Nag-aya ng umalis si Mommy kaya naman sumakay na kami upang makauwi. Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa may labas ng bintana. Halos 8 taon na rin ang nakalilipas at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na bumalik dito sa pilipinas.

Mapait akong nangiti ng maalala siya, ang tagal na rin kamusta na kaya siya? May pamilya na kaya siya? Siguro sila pa din ni Sachie, kung ganoon masaya ako dahil kahit papaano ay nag bunga ang pag-iwas ko sa kanila.

Nang makarating sa bahay ay ang gaan ng pakiramdam ko, nagkuwentuhan kami saglit sa may sala pero agad din akong nagpaalam dahil may jetlag pa ako. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko, binuksan ko 'yon at napangiti ng makita ang caller.

[Girl! Kamusta ang biyahe? I'm sorry, hindi na kita nahatid.]

"It's okay, Charls, alam ko naman na naka straight duty ka," nakangiti kong usal at tumayo upang magpunta sa bathroom. Tumayo ako sa harap ng salamin, ni-loudspeaker ko ang phone ko at saka nagsuot ng headband.

[Yeah right, tumawag lang talaga ako baka nagtatampo ka na sa'kin.]

Natawa ako sa sinabi niya "Baliw."

[Basta tumawag ka, siguro mga next month makauwi na rin ak— Doc, pinapatawag po kayo sa ER.]

Malakas akong natawa, nang marinig ang boses ng nurse sa kabilang linya. Kinuha ko ang toothbrush at nilagyan ng toothpaste. Nawala saglit si charls sa linya kaya nag sipilyo muna ako. Hindi rin nag tagal ay nagsalita siya.

[Kaloka! Mababaliw na talaga ako! Sige na madami pa akong pasyente.]

Nagmumog ako saglit "Sige na, ingat," paalam ko at saka niya pinutol ang tawag.

One year simula nung umalis ako ay nagulat ako ng makita si Charls sa med school na pinapasukan ko. Katulad ko ay doon na rin siya nag stay dahil hindi niya na makayanan na mag stay dito sa Pinas. Nakakatuwa na sabay naming inabot ang mga pangarap namin, nakakalungkot lang dahil kulang kami. Madaming nangyari sa mga nagdaang taon, hindi ko akalain na malalagpasan namin 'yon.

"Mom, alam niyong wala akong hilig diyan.." sambit ko habang naka upo sa may sofa.

Tumabi sa akin si Mommy at saka humawak sa akin. "Anak naman pagbigyan mo na kami, maayos na ulit ang kumpanya natin isasabay natin ang pag se-celebrate sa pagbalik mo," pangungulit niya

Nilingon ko si Dad na nakaupo sa may kabilang sofa katabi si Audrey na nag a-Ipod. Tumingin ako sa kaniya na para bang nanghihingi ng tulong pero nagkibit balikat lang siya sa akin, sinasabi na wala siyang magagawa sa gusto ni Mommy.

Nilingon ko si Mommy. "Mom ayoko po, puwede naman tayo mag celebrate na tayo-tayo lang hindi na kailangan ng maraming bisita."

Ayokong mag celebrate, ayoko ng bisita dahil sigurado ako na darating siya. At isa 'yon sa ayaw kong mangyari, ang makita siya. Kahit taon na ang dumaan ay hindi pa rin ako sigurado na nakalimot na ako sa nararamdaman ko sa kaniya, gusto ko siyang makita pero natatakot ako. Paano... paano kung may nararamdaman pa din ako sa kaniya? Natatakot ako na mangyari 'yon kaya talagang iwas ako sa kaniya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now