Napahawak siya sa dibdib niya at pinagkunotan ako ng noo. "Grabe Charls, nakakatakot siya."

Nalukot naman ang muka ko sa sinabi niya. Nakangusong nag angat ako ng tingin kay Smut at napansin na nakatitig lang ito kay Asenna. Kaya muli akong bumaling kay Asenna hindi nakalagpas sa'kin ang pag irap niya kay Smut.

"Girl tara na! Madaming gwapo doon!" pagmamadali ni Charls.

"Teka naman!" inis na sabi nito at saka bumaling kay Smut, nagtaas ito ng kilay bago magsalita.

"Ikaw!" dinuro niya si Smut. "Kapag may nangyari diyan sa kaibigan ko, patay ka sakin," pagbabanta niya na kinahagikgik ko.

"Ayy kaloka! Girl ano ka ba tara na nga!" at saka siya hinila ni Charls paalis.

Mahinang natawa si Smut dahil doon tinignan ko siya habang nakatingin pa rin siya sa dalawa na palayo.

"She's cool..." nakangising sabi niya kaya naman siniko ko siya ng malakas.

"Gago ka! Kaibigan ko 'yon tatamaan ka sa'kin," pagbabanta ko at saka tumayo, napahawak ako sa ulo ko ng umikot ang paningin ko.

"Oh! Saan ka pupunta?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad ilang tao pa ang nakabunggo ko bago makarating sa restroom.

"Ohh shit! Faster baby ohh...."

"Damn it, Sach. 'Wag kang maingay."

Natigilan ako ng sumalubong ang ingay na 'yon sa akin pagkapasok ko. Pamilyar ang dalawang boses na 'yon, pero hindi ako sigurado, napahawak ako sa bibig ko ng makaramdam ng pag ikot ng sikmura ko. Tumakbo ako papalapit sa sink at doon sumuka.

Nawala ang ingay na narinig ko. Nanlalatang nagmumog ako at naghilamos upang kahit papaano ay maibsan ang kalasingan. Lumabas ako ng restroom at bumalik sa table namin.

"Saan ka galing?" tanong ni Smut

Hindi ko siya sinagot at isinandal na lang ang sarili sa kaniya. Minassage niya ang ulo ko na nakapagbigay sa akin ng kaginhawaan hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako ng maramdaman na lumutang ako, dumilat ako at pilit na nagpababa sa buhat ni Smut.

"Kaya ko."

"Are you sure? Pinauna ko na sila Charlie dahil lasing din ang isa pang kaibigan niyo," paliwanag niya.

Inayos ko ang buhok ko na nagulo at saka tumingin sa kaniya na may pagtataka. "Si Asenna?"

Tumango siya. "Yup, let's go. Anong oras na at baka hinahanap ka na nila Tita."

Tumango ako at saka naglakad, hindi ko na pinansin ang kamay niya na nasa bewang ko para umalalay. Kahit papaano ay nabawasan ang kalasingan ko dahil nakaidlip na ako.
Mabagal kaming naglakad papunta sa exit ng makuha ang atensyon ko ng isang lalaki na lakad at takbo ang ginagawa papasok sa kabilang pinto.
Bumilis ang tibok ng puso ko at tumigil upang tignan 'yon.

"Vio..." usal ko ng makilala ang lalaki.

Kumalas ako sa hawak ni Smut na natigilan rin. Nagtatakang tumingin siya sa akin.

"Teka lang, may titignan lang ako," paalam ko at nilingon ulit si Vio.

Mahina akong natawa ng salubungin siya ni Sachie ng yakap. Nakatayo lang siya at panay lingon. Peste talaga! Malamang kahit sinong lalaki magmamadali na puntahan ang girlfriend niya kapag nalaman niyang nasa bar.

Inis akong nagpahid ng luha ng maramdaman ang pag-agos nito. Tanga ka talaga Marga! Pumihit ako patalikod at bumalik kay Smut na nag aalalang nakatingin sa akin. Peke akong ngumiti sa kaniya at saka humawak sa braso niya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz