"Grabe ka talaga! lagi kang ganiyan sa'kin," reklamo niya.

Nang mabuksan ang gate ay nilingon ko siya. "Paano mo pala nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kaniya.

"Ako pa ba?" maangas niyang tanong

"Tsk, wala ka talagang kuwenta," sambit ko at saka akmang isasarado ang gate ng ipasok niya ang braso niya kaya naman gulat ako ng maipit siya.

"Fuck!"

"Ano ka ba! Hindi ka ba nag iisip?" singhal ko sa kaniya at saka binuksan ang gate, kinuha ko ang braso niya at nakitang namumula 'yon.

"Ouch!" reklamo niya ng humigpit ang hawak ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?" inis kong sabi

"Pagsasaraduhan mo kasi ako! Hindi mo man lang ako ayain pumasok!" ismid niya sakin.

Hindi makapaniwalang tinignan ko lang siya, nababaliw na ba siya? Muli akong napatingin sa braso niya, malakas kasi ang pagkakasara ko kaya sigurado na masakit 'yon. Naaawang tumingin ako sa kaniya at saka siya binitawan.

"Tara, pasok."

"Thanks, Marga," mabilis niyang sagot napapikit na lang ako sa tinawag niya sakin.

Nang makapasok sa loob ay siya na ang nagsara ng gate, hindi pa siya nakakahakbang ng harangan ko siya.

"Kapag tinawag mo pa ako sa pangalang 'yon papalayasin kita, naiintindihan mo?" seryosong tanong ko na ikinalunok niya pero tumango naman siya.

"Sumagot ka," usal ko.

"Oo na ng—" hindi niya na natuloy ang sasabihin ng makarinig kami ng tunog ng sasakyan sa labas ng gate.

Umalis ako sa harapan niya at sinilip 'yon at halos mapasinghap ako ng makilala ang kotseng 'yon kay Vio 'yon! Nagmamadaling bubuksan ko na sana ang gate ng matigilan, naalala ko na hindi na nga pala kami tulad ng dati. May girlfriend na siya, kailangan kong umiwas bilang respeto na rin sa relasyon nila.

Mabilis akong tumalikod mula doon at saka hinila si Smut sa braso papasok sa bahay. Nakasalubong ko si Manang Aida na nag aalis ng alikabok sa sofa.

"Manang, nandoon po si Vio sa labas," usal ko.

Mabilis niyang inihinto ang ginagawa, saglit siyang nahinto ng makitang may kasama ako.

"Teka, papapasukin ko." usal niya at naglakad papalabas, hindi pa siya nakakalayo ng tawagin ko siya.

"Manang, pakisabi wala ako dito. Paalisin niyo na lang po siya." mabigat ang loob na sabi ko at saka dumiretso sa sofa.

Umupo ako at inalis ang sapatos na suot at saka uminom. Napabaling ako kay Smut ng tahimik lang ito habang pinagmamasdan ako. Tinaasan ko siya ng kilay na ikina-iwas niya.

"Sino 'yon? Bakit mo siya iniiwasan?" kuryosong tanong niya.

"Hindi siya mahalaga," simpleng sabi ko at saka dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng Ice cubes na ibinalot sa panyo at saka ako bumalik sa sofa dala ang mga 'yon.

"Patingin ako," sabi ko at agad na kinuha ang braso niya at saka 'yon dinampian. Tahimik lang kami habang ginagawa 'yon ng marinig ko ang pagbaba nila mommy.

Tumayo ako at hinila si Smut papatayo upang ipakilala.

"Mom, si Sm—"

"Smut! Iho! kailan ka pa nakauwi?" tanong ni mommy at saka bumeso kay Smut gayundin si Daddy.

"Noong nakaraang araw pa po, ngayon lang ako nadalaw pasensiya na Tita," magalang na sagot nito.

Naguguluhang nakatingin lang ako sa kaniya at ng magtama ang paningin namin ni Smut ay kumindat pa siya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now