12 - The Chocolate Kiss Cafe

164 8 0
                                    

Hi, Dex!

May free time ka ba?

Puwede ba tayong mag-usap?

Gusto mo mag-dinner?

You missed a call from Larson
Mon at 6:36 PM

Kamusta, Dex?

Please lang, let's talk.

You missed a call from Larson
Sat at 4:52 PM

Deadma lang talaga ang ginawa ko nitong nagdaang mahigit isang taon. Pero matiyaga si Larson. Matagal ko na siyang na-unfriend sa Facebook, pero every week, sigurado akong may matatanggap sa Messenger na galing sa kanya. Sa isang banda ay umaasa akong balang araw ay susuko rin siya. Ngunit sa bawat pagkakataong nagme-message siya ay bumabalik lang ang alaala ng naranasan ko sa kanya. Makailang ulit na rin akong nagtungo sa Office of the Anti-Sexual Harrassment, ngunit sadyang laging may pumipigil sa akin. Hindi tuloy ako maka-move on.

Sige na, please?

Name your place, usap tayo.

You missed a call from Larson
Tues at 11:15 AM

Nakatitig lang ako sa cellphone ko habang sa harapan ko ay kumakain si Josh at may kinukuwento sa akin. Nasa CASAA kami noon, nagtatanghalian, ngunit kahit anong dami ng tao sa paligid at kahit anong ingay pa man ay wala akong pinagtutuunan ng pansin kundi ang aking Messenger.

"Nakikinig ka ba?"

"Ha? Sorry, ano uli ang sinabi mo?"

"Ang sabi ko, pumasa na si Jopet sa UPCAT! Industrial Engineering! Makikitira na siya sa condo ni Bodj this August."

"Ah, talaga? Ang galing! Riot na yan kung apat na tayo sa same condo building."

"Teka, ba't ka ba distracted? Sino ba yang ka-chat mo?"

"Wala lang."

"Anong wala?" At inagaw ni Josh ang phone ko. Tututol pa sana ako, ngunit in a way ay parang gusto ko na ring malaman niya. Nang mabasa niya ang chat sa Messenger, napangiwi siya. "Ba't hindi mo sinabi sa aking di ka pa rin tinatantanan ng kupal na 'to?"

"I can handle this. Di mo kailangang ma-involve."

"Anong hindi? Boyfriend mo kaya ako!"

Napangiti ako despite myself. Ang sarap talagang isiping boyfriend ko itong nasa harapan ko. "Alam ko naman. But this is something that I think I need to resolve. Hindi ito mawawala kung di ko lang papansinin."

"But I have to do something! Hindi kita puwedeng hayaan lang."

"Believe me, you're already doing something. Pinapatatag mo ako by just being there." Nang binalikan ko ang aking plato para magpatuloy sa aking kinakain, hindi ko na ito nakita. Ay, litsak! Na-ninja na naman ako ng CASAA staff!


Nagpasya ako sa wakas na paunlakan ang invitation ni Larson. Baka hindi niya kasi ako tantanan habang buhay. Nag-decide ako na mag-breakfast kami ng 9 AM sa Chocolate Kiss Cafe sa Bahay ng Alumni sa loob ng UP Diliman campus sa Sabado para kapwa kami walang hahabuling class. Hindi natuwa si Josh, at pinag-awayan pa namin ito, ngunit sa huli ay wala naman siyang nagawa kundi ihatid ako sa restaurant.

Sakto akong dumating sa oras, pero naroon na si Larson sa may open area sa ground floor at nakapagpa-reserve na ng isang table for two. Nag-alangan ako dahil nakasuot siya ng long-sleeved polo shirt at slacks habang ako naman ay maong na shorts at T-shirt lang. Nagmukha tuloy siyang abogado at ako naman ay indigent client.

Ang Kasarian ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now