11 - Ketchup Bottle

180 16 9
                                    

Mid-April na nung nagkaroon ako ng courage na itanong kay Dudoy ang isang bagay na matagal nang bumabagabag sa akin. Sabado nun, breakfast time. Nakahain ang tinapay, peanut butter, at siyempre brewed coffee.

"Duds, how does it feel ba yung-- you know?"

Sumusubo siya ng tinapay nang taasan niya ako ng kilay. "Depends kung ano yung 'you know' mo."

"I mean-- paano ko ba sabihin ito-- yung-- anal sex?"

"As top or bottom?"

Oo nga pala, two perspectives pala ito. "Well, as a top, hindi ba parang pareho lang sa heterosexual intercourse?"

"Ay, hindi ko alam. Never tried heterosexual intercourse."

"Ah, siya nga naman. Eh as bottom kaya?"

"Hindi ko rin alam. Never tried being the bottom."

Sinimangutan ko siya. "You're not very helpful."

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Gusto ko lang kasi maintindihan how it can be such a big deal for gay men."

"Newsflash: it's actually not a big deal for all gay men."

"Really?"

"Hindi naman kasi lahat trip yan."

"Ows? Talaga?"

"Yes. Yung iba nga, masaya na ang maging side."

"Side?"

"Yung foreplay lang ang trip. No need for penetration. Solb na sila sa laplapan, kantahan at ipitan haha!"

"Oh. Erm, ikaw, trip mo ba yung anal sex?"

Binaba ni Dudoy ang tinapay na kanyang kinakain. "Teka lang muna, ba't mo ba tinatanong?"

Di ako mapakali sa aking upuan. "Well, I don't know how to say it. Kasi-- I mean-- kung gusto mo lang naman, puwede ko namang isuko sa iyo ang aking-- Corregidor."

Nanlaki ang mga mata ni Dudoy, which made me uncomfortable, then bigla siyang tumawa, kaya parang nanliit ako. Nang mapansin niya ito, agad siyang tumayo, lumapit sa akin, at hinagkan ako. "Ay, grabe, yun na ang sweetest thing na nasabi mo sa akin!" Tapos binigyan niya ako ng kiss sa noo. "Pero hindi ko hihingiin sa iyo yun pag di bukal sa iyong kalooban. So don't feel obligated."

"Ah, okay." Pero imbes na ma-relieve ako ay parang feeling ko ay na-reject pa ako.

"Besides," dagdag niya pagbalik niya sa kanyang upuan, "hindi yan isang bagay na you can do at a spur of the moment."

"You can't?"

"Ano ka ba?! Yung rectum ang pinapasukan natin. Imbakan kaya yan ng feces. Kailangan mo munang linisin yan nang maayos before you have sex."

Bigla kong naramdamang pilit na nagsasara ang anal sphincter ko. "Linisin meaning-- like an enema?"

"Oo! Kasi kung hindi, disaster yun!"

"Hindi ko ma-imagine."

"Just imagine. After the deed, paghugot, peanut butter! At kung mamalasin ka, chunky peanut butter!"

"Yuck!" ang nabulalas ko. Pagkatapos ay nakita ko sa harapan ko ang kagagamit lang na bread knife na may tira pang peanut butter at nakapatong sa platito. I instinctively shoved them away from me. "Duds, that's disgusting!" At hindi ko na natapos ang almusal ko.

Several days later, nakaupo kami noon ni Bodj sa isang bench sa labas ng Mammalian Cell Culture Laboratory sa Biology. Napaaga ang dating ko noon kaya wala pa yung research staff na pagbibigyan ko sana ng semi-pure extracts ko na paggagamitan sa pag-test sa MCF7 cell line made up of human breast adenocarcinoma cells. Sinasamahan ako noon ni Bodj at nasa kalagitnaan kami ng discussion ng pag-explore ng iba pang halamang puwedeng pag-aralan for anti-cancer compounds nang iniba ko ang topic.

Ang Kasarian ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now