5 - Sari-saring Ganap

220 16 3
                                    

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. It's probably the thousand little things that he does. The simple things. The seemingly random acts of kindness and generosity and attentiveness and honesty. At yung patawa at pang-aasar. All these years. For some reason ay tumatatak ang mga ito sa akin. Nung una, hindi ko pinapansin. Kasi ganun naman siya talaga. Natural sa kanya yun. Pero habang tumatagal, hindi ko na ma-imagine how my life would have turned out kung hindi ko siya nakilala nung first year high school. Lately, I've been trying to shrug it off. Baka masyado ko lang ina-analyze. Pero hindi.

Unti-unti nang nagbabago ang pagtingin ko kay Dudoy.


For example, nung magbukas ang bagong Korean samgyupsal restaurant sa may Malingap St. sa Teachers Village, inaya kami ni Bodj na subukan ito matapos niyang makapag present ng kanyang thesis proposal. Siyempre, siya ang taya para sumama kami.

"Bakit nga ba ang mahal ng buffet nila kung tayo rin naman ang magluluto?" ang minsang nasabi ni Dudoy sa gitna ng usok mula sa niluluto niyang karne.

"Kasama yan sa dining experience ng Korean food," paliwanag naman ni Bodj habang hinuhulog niya ang mga hipon, tahong, squid ball, mais, at gulay sa kumukulong hotpot bago ito tinakpan.

"Congrats pala, Bodj!" sabi ko naman. "Thesis defense na lang, tapos ka na!"

"Naku, matagal pa yan. Kailangan ko pang mag field work at maghanap ng plant specimens para sa phylogenetic study ko ng Moraceae. Punta ako ng Palawan starting next month at di ako titigil sa pagbalik hanggang makumpleto ko ang native figs doon."

Namangha si Dudoy. "Wow, ang galing naman! Kaya mo bang tapusin yan by next sem?"

"Yun ang gustong mangyari ng adviser ko. Pine-pressure din kami ng Director namin na matapos agad. Nakaka-stress nga. Buti na lang na-approve ang leave ko sa pagtuturo para maka-focus sa thesis. Paano nga pala kayo? Kamusta na ang mga thesis ninyo?"

Nagtinginan kami ni Dudoy. "Alam mo, kumain na lang tayo," sagot ko. "Nakakawala ng gana pag thesis ang pinag-uusapan." 

Natawa lang si Dudoy.

Nakailang subo na ako ng karne at lettuce nang maluto na rin ang hotpot. Nagsalok si Bodj sa bowls namin ni Dudoy. Nang sinilip ko ang laman ng aking bowl, nakita ko ang napakaraming hipon. I turned to Dudoy and grinned. "Dudoy, please?"

Sinilip din ni Dudoy ang bowl ko at napailing na lang. "Ang tanda-tanda mo na!" Pero kinuha pa rin niya ang bowl ko at isa-isang hinimay ang balat ng mga hipon. Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin ang bowl at sinimulang himayin ang mga hipon sa kanyang bowl.

All the while ay pinagmamasdan lang pala kami ni Bodj. "Magjowa na ba kayo?"

Natameme ako, pero natawa lang si Dudoy. "Hindi, alaga ko yan," sabay tingin sa akin. "Sheltered kasi." Pagkatapos ay inilagay din niya sa bowl ko ang mga nahimay niyang hipon mula sa kanyang bowl. "Ikaw, Bodj? Gusto mong paghimayin na rin kita?"

"Naku, huwag na! As a biologist, I think I can confidently remove the exoskeleton of a shrimp, thank you very much!"


"Tingnan mo, narito na sila," sabi ni Dudoy. Tumatawid kami ng Katipunan para pumunta sa UP Town Center at bumili sa Family Mart, ako ng distilled water para sa extraction protocol, at si Dudoy, well, kung ano mang pagkaing naroon dahil ginutom siya at gustong sumubok ng iba. Tinutukoy niya ang mga katutubong Aeta na nag-aabang sa may tabi ng kalsada, may karatulang bitbit at may nakasulat sa Tagalog na kesyo namamasko raw sila. May mga matatanda, may bata. Karamihan sa mga nanay at bata ay kumakatok sa bintana ng mga sasakyan kapag humihinto ang mga ito sa T-section ng Katipunan at C.P. Garcia habang ang iba ay nakaupo sa sidewalk ng Katipunan at nagtatago sa lilim ng mga puno ng akasya.

Ang Kasarian ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon