Capitolo 6

105 34 16
                                    


"I told you we should just bring my car," pinanlisikan niya ako ng mata.

"You have to experience riding in a train Theo," she rolled her eyes.

"Naranasan ko na sa Pinas. And I'll tell you, that's my worst experience," I said.

"Nyenye. Nasa Italy ka po," she crossed her arms then after awhile she looked at her watch.

"It's here!" ani niya.

Pagkahinto ng tren ay sabay narin kaming pumasok sa loob. Tinignan ko ang kabuuan ng tren. Para kang nakasakay sa isang eroplano o sarili mong sasakyan. The seats were very comfortable. It makes you want to sleep and just live in here.

"Where are we going by the way?" I tilted my head to see her.

"Naples," she casually answered. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana habang may earphones ang tenga niya.

"Naples?" Napaisip ako sandali kung ano nga ba ang meron sa lugar na 'yon. "Oh, the vast city located on the Western Coast of Italy facing the Tyrrhenian Sea."

"Yes." she answered.

Tumahimik na lang din ako at naglaro sa cellphone ko, ilang minuto lang ay dinalaw din ako ng antok.

"HOY GISING!" Isang kamay ang tumatapik tapik sa mukha ko.

"Gising na 'ko. Tama na," ani ko dahil medyo namumula na ata ang mukha ko sa kakapalo niya.

"Ang soft ng pisngi mo. Sarap paluin. Isa pa," ilalapit na sana niya ang kamay niya ng mabilis akong tumayo at lumabas ng tren.

Para akong napaso sa ginawa niya. What the fuck.

"Tara na. Maglalakad pa tayo." Nilagpasan niya ako at nauna ng maglakad.

"Maglalakad?!" I hissed.

"Ay hindi, sige gumapang ka." sarkatisko niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yesh. 10 minutes lang naman tayong maglalakad papuntang Mount Vesuvius." ani niya.

"Don't tell me aakayatin natin 'yon?" gulat kong tanong dito.

"Tutal ikaw nakaisip, ikaw na lang." ani niya.

"Teka nga, bakit ba parang napakasungit mo ngayon?" tanong ko.

Napapansin ko lang na parang kanina pa siya walang gana o kung 'di naman, ayan nagsusungit.

"Nasa lahi na namin ang pagiging masungit," sagot niya.

Hinabol ko siya dahil sobrang bilis niyang maglakad. I looked at her face at para siyang angry birds sa sobrang pagkakakunot ng kilay.

"May ketchup ka ba ngayon ha?" tanong ko sa kaniya.

"Ketchup? Mukha ba akong magdadala ng ketchup papunta dito?" Naiinis niyang sagot.

"Ketchup! Yung ano!" napakamot tuloy ako sa batok ko.

"Yung? At teka! May tindahan ng burger do'n, hingi kita ng ketchup." ani niya. Akmang lalapit na siya sa tindahan ng mabilis kong hinatak ang kamay niya.

"Hindi naman kasi literal na ketchup," ani ko.

"Ano bang ketchup tinutukoy mo?" tanong niya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa 'kin.

"Mens," I shamefully whispered.

Isang malakas na tawa ang narinig ko galing sa kaniya.

"KETCHUP AMPUTA HAHAHAHAHHAHAHA!" pagtawa niya. "ANO YON HAHAHAHAHA PWEDE ISAWSAW SA BURGER HAHAHAHAHAHA!"

Take Me Back To Italy (Take Me Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon