Chapter 7: Assuming

1.1K 44 1
                                    


Mexi PoV!

"Tracy Evans!" Usal ni Eunice.

Si Tracy nga!! Akala ko uuwi na siya hindi pa pala. Akala ko lang pala!

"Hi! Ako nga pala ang magto-tour sa inyo dito sa Evans Academy." nakangiting saad niya pagkalapit sa amin.

"So it's you! Hello! Bye the way I'm Diana Eunice Laurel. Eunice na lang itawag mo sa akin. I'm Mexi's bestfriend" nakangiting pakilala ni Eunice at naglahad ng kamay kay Tracy. Agad nang nakipagkamay si Tracy sa aking bestfriend.

Yah! Tama kayo nang pagkakabasa Eunice is my bestfriend since we were kids.

"Oh, Ikaw pala ang bestfriend ni Mexi." tumingin siya sa akin saglit balik uli kay Eunice.

"It's nice to meeting you, Eunice!" nakangiti nyang saad.

"Me too!" - Eunice

"Tracy! Akala ko uuwi ka na nung lumabas ka kanina kasama yong dalawa mong bestfriend" napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Ahh, 'yon? Nagpaalam lang ako sa kanilang dalawa na hindi muna ako uuwi kasi naatasan akong i-tour kayo dito sa Evans ngayong araw." paliwanag nya.

Napatango na lang ako.

"Kung ganoon simulan na natin ang paglilibot dito sa Evans habang maaga pa." presenta ni Eunice. Naikinatango namin ni Tracy bilang tugon.

Nagsimula na kaming maglibot. Una naming pinuntahan ang field kung saan matatagpuan ang soccer field, track and field, volleyball field, baseball field, golf field, basketball court at marami pang iba. Sunod naming pinuntahan ang iba't ibang mga school clubs ng Evans. Linibot din namin ang mga classrooms simula junior high to senior high. Pinuntahan din namin ang Evans Garden nagselfie-selfie nga kaming tatlo doon. May bagong akong pam-profile mamaya haha!!

Nagiikot-ikot pa kami kahit saan.

Ang huli naming pinuntahan ang rooftop ng pinakamalaki at pinakamataas na building sa buong campus ng Evans.

"Wow! Ang ganda ng view dito kitang-kita ang buong campus." saad ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng Evans Academy mula rito sa taas ng building.

"Oo nga!" sang-ayon ni Eunice. At biglang niyang linabas ang cellphone.

"Mexi! Selfie tayo!" saad nya. Ngumiti naman ako. Nagselfie kami ng ilang ulit sa iba-ibang anggolo. Ang gulo noh!! Hehehe!!!

"Ang ganda talaga dito." commento ni Eunice habang tinitingnan ang mga selfies namin sa phone nya.

"Hoy! Eunice! Send mo sa akin sa messager yong mga pics." Saad ko sa kanya.

"Sige! Mamaya na!" napangiti na lang ako sa kaibigan at napalingon ako kay Tracy na kanina pa nakatingin sa amin habang nakangiti. Linapitan ko siya.

"Ahm, Tracy! Pasensyahan mo na kami madali kasi kaming humanga sa mga magagandang tanawin tulad nang nakikita namin ngayon."

"Ayos lang!" tugon niya sabay ngiti at unti-unti siyang lumapit sa akin umaatras naman ako. Teka ano bang trip nya bakit lumalapit siya sa akin? Nang ilang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa nakaramadam na ako ng kaba.

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Where stories live. Discover now