Chapter 41

1K 94 5
                                    

SUSPICIONS

Eira Ysabelle's POV

Dahil masyado nang malalim ang gabi, wala kaming ibang nagawa kundi pabalikin sila sa dorm. They need to rest also. But of course, all of them have their guards, without them knowing. Luna and Jiro were the lookouts for Andrei and Andrew. Drac, Sandra, and Khiera were assigned to look at Sue. Lauren, Isaiah, and Giea for Gina. Of course, Clyde and I for Mr. Julius Aran.

Staff room number 11 is on the third floor so we have no choice but to climb on a tall tree behind the building. As of now, Sir Julius is reading something from a piece of paper. He looks mad and anxious.

'Look. He's going out of his room.'

'Let's follow him, quick!'

Tumakbo kami papunta sa gilid ng staff building at hinintay ang paglabas ng professor. Dalawang minuto lamang ang lumipas ay nakababa na ito. He's wearing his black cloak and its hood is covering his head. Tumakbo siya papunta sa lugar na kinaroroonan namin kaya't nagtago kami sa isang malapad na punong pinakamalapit sa amin. Lumingon-lingon muna ito sa paligid na tila iniinspeksyon kung mayroon bang tao o wala bago siya tumakbo papunta sa loob ng gubat.

Magagaan lamang ang mga yapak na ginagawa namin habang sinusundan ang guro upang hindi niya mapansin na mayroong sumusunod sa kanya. There's no doubt, he will go the falls of Evanea. Napatigil kami at nagkatinginan nang mawala sa paningin namin ang propesor. I'm a hundred percent sure that he is in front of us seconds ago. Luckily, gumagana ang ability ko. The professor and one other person is on the left side of the forest.

'Clyde, left.'

Tumango lamang ito at tsaka tumakbo.

'How did he vanish from our sight?' tanong ko.

'A black smoke ate him.'

Tumigil kami sa pagtabo nang makita ang professor na nakatalikod. A black portal is open and whoever Sir Julius is talking to is going inside. Nakakuyom ang kamao ng guro habang papalabas ng gubat.

Tumakbo si Clyde at sinundan ang guro.

'Go! Susunod ako.'

'Take care.'

I quickly made a bow made up of water and pulled its string. An arrow made up of ice formed in my hands. I aimed it at that person's arm and released it before the portal closed completely. It's a hit. I'm sure.

'Where are you?' I reached out to Clyde.

'Back part of the staff room. The professor is back in his room. Go back to the dorm. He's preparing to sleep.'

'Alright.' Umiba ako ng direksyon at tinungo ang daan papunta sa dorm. Nang marating ko ang back door ay tumigil ako nang makaramdam ng isang presensya. Not far from here, a pair of intense black eyes are intently looking at me.

Napasimangot nalang ako nang mawala ito pagkurap ko. Who's that? Isinawalang-bahala ko na lamang ito at tuluyan nang pumasok sa loob.

Nadatnan ko ang iba na pagod na nakaupo sa living room. Pupungay-pungay ang mata ni Luna na nakasandal sa sofa. Sa tabi niya ay si Sandra na nakatulala at si Khiera na nakasandal sa kanya. Nakahilig naman sa sandalan ng kabilang sofa si Isaiah habang mahinang humihilik. Si Jiro ay nakasandal at nakapatong ang braso sa mata. Si Lauren at Drac ay parehong nakahalukipkip—ang isa ay nakapikit, ang isa naman ay wala sa sariling nakatitig kay Khiera. Each and everyone of them looks cute. Maaamo ang mga mukha nila at napakakalmadong pagmasdan.

"Nakabalik ka na pala."

Lumabas mula sa kusina si Giea na may dalang isang pitsel ng kape at mga mug na nakalagay sa isang tray. She's changed her clothes already and she looks clean.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon