Chapter 27

1.2K 112 10
                                    

DEFEND

Eira Ysabelle's POV

Inilibot ko ang paningin sa paligid ko at wala sa sariling napangiti nang makita ang maaamo nilang mukha habang natutulog. We decided to spend the night here at the rooftop of our dormitory. Pinagmasdan ko ang kalangitan kung saan nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Unti-unti nang nawawala ang pagkakapinta ng mga bituin sa ulap at napapalitan na ito ng maliwanag at malamlam na sikat ng araw. It's the start of a new day.

Today, I hope I can find even just a little clue about the incident three years ago.

Tumayo ako at nilapitan si Luna. Kinuha ko ang kumot ko at ipinatong ito sa kanya. Alam kong nilalamig na siya dahil nakabaluktot na ito na parang fetus.

I sighed. Seeing them like this makes me really happy. Last night will be one of those memories I will keep, so that, when the time comes, I will have some good moments to reminisce.

Napabuntong-hininga ako. Nagdadalawang-isip na naman ako kung ilalapit ko bang lalo ang sarili ko sa kanila o kung sisimulan ko na ang umiwas. Kapag mas inilapit ko pa ang sarili sa kanila, mas mahihirapan akong umalis, mas masakit ang magiging epekto nito. Kung iiwas naman ako, sa tingin ko rin ay mahihirapan pa rin ako.

Sa pangalawang pagkakataon, nagpakawala akong muli ng isang buntonghininga. Kahit anong mangyari, alam ko namang mawawala rin ang lahat ng ito. Alam kong darating ang araw na babalik ang buhay ko sa dati, ang buhay ko kung saan walang mahika at kung saan walang royals and guardians. Kaya mas maganda siguro kung ie-enjoy ko na lamang ang lahat ng ito.

Bubuksan ko na sana ang pinto para makababa na nang may dalawang brasong pumulupot sa aking baywang. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko upang pakalmahin ang puso kong nagwawala. Ysa, umagang-umaga ka.

I'm sure I know who this person is. Siya lamang naman ang nakapagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang mainit niyang yakap. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng pagbabalik niya.

'Clyde?'

'Hmm' he hummed in a sleepy tone. I can't help but blush whenever I hear his morning voice as it was husky and...sexy.

'Let's cook breakfast?'

"Can we just stay like this for a minute?" inaantok pa rin na sabi niya. Nagulat ako nang iharap niya ako sa kanya at tsaka ako ikinulong sa isang mas mahigpit na yakap. 'I've missed you.'

'Me too. I missed myself,' natatawang sambit ko sa aking isipan. Kumalas siya sa yakap at padabog na bumaba. He's like a seven-year old kid having tantrums this early in the morning.

Tumawa ako at tsaka binagtas ang daan papunta sa kusina. 'Alright, alright. I've missed you too, Ignei.'

Tumigil siya sa pagbaba ng hagdan at tumingin sa akin na tila nang-aasar.

"What are you staring at?"

"I knew it!" masiglang sabi nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako na kahit nagbago ang halos lahat sa kanya ay ganoon pa rin ang ugali niya.

Tahimik lamang kami hanggang sa marating namin ang kusina.

"Anong lulutuin natin?" tanong nito habang humihikab na umupo sa lamesa.

"Clyde! Baka masira 'yang lamesa! May upuan naman."

"Ang sungit mo. Para kang nanay na nagsesermon kahit sobrang aga pa," reklamo nito.

"Whatever. We're cooking pancakes, bacon, hotdogs, eggs, and whatever you want to cook."

Binuksan nito ang fridge at inilabas ang bacon, hotdogs, at ang ilang piraso ng itlog.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon