CHAPTER 9

1.6K 72 14
                                    

CHAPTER 9

Dahan dahang bumaba si Solana sa van habang buhat buhat ang natutulog na si Daenerys. Kakauwi lang nila mula sa school.

Beau ran past her towards the mansion entrance.

"Mimi! Just deliver my snacks at the study room!" sigaw ni Beau at masiglang umakyat sa hagdan.

Napangiti nalang si Solana sa kasiglahan ni Beau. Nagkasundo na kasi si Beau at Kalix kaya ganon nalang kasigla ang bata. Nakasabay din nila itong kumain sa school garden.

"Opo, young master," sagot naman ni Mimi saka lumapit sa kanya at kinuha ang bag ni Daenerys na nasa balikat niya. Kinuha din nito ang bag ni Charlotte na nasa tabi niya.

Nang makapasok sila sa kwarto ay dumiretso siya sa walk-in closet at kumuha ng dalawang damit para kay Charlotte at Daenerys. Nilapag ni Solana ang mga damit sa kama ni Deanerys at umupo.

"Charlotte, magbihis ka muna," tawag ni Solana kay Charlotte na nakadapa na sa sariling kama.

"I'm sleepy, Ate Lana..." matamlay na sagot Charlotte.

"I know, sweetie. Pero kailangan mo munang magbihis para komportable ka habang natutulog. Sige na..." inayos ni Solana ang pagkakaupo ng natutulog na si Daenerys sa hita niya.

"Okay..." tumayo si Charlotte at sinimulan ng maghubad ng uniform.

Sinimulan na rin ni Solana na palitan ng damit si Daenerys habang natutulog ito. Pagkatapos niyang bihisan si Daenerys ay tinanggalan niya naman ito ng sapatos at medyas saka inihaga nang maayos sa kama.

Nang matapos siya ay nakahiga na rin si Charlotte sa sariling kama at natutulog. Tinanggal ni Solana ang medyas at inayos ang pagkakahiga nito. Tinanggal niya rin ang mga hair clip sa buhok nila.

Niligpit niya ang mga uniform na nakakalat at inilagay sa laundry basket na nasa loob ng walk-in-closet. Inihanda rin ni Solana ang damit ni Aurelia at inilapag ito sa kama bago lumabas.

Pagkalabas niya ang girls room ay nakasalubong niya si Aurelia. Nginitian ni Solana si Aurelia.

"Aurelia, hinanda ko na doon ang damit mo," napanguso nalang si Solana nang hindi siya pinansin ni Aurelia at nilagpasan lang.

Why do you hate me, Aurelia?

°°°

Pagkababa ni Solana habang hawak-hawak sa kamay si Daenerys sa dining room ay nandoon na ang ibang magkakapatid. Oras na ng hapunan.

Pagkaupo nilang dalawa ay inihain naman ng mga maids ang mga pagkain. Napansin naman ni Solana na lahat ng ulam ay puro gulay.

Pagkakita sa mga pagkain ay agad na sumama ang mukha ng mga bata. Nang mailapag sa harap nila ang mga pagkain ay tinitigan lang nila ang mga ito inusog palayo sa mga sarili.

Kumunot ang noo ni Solana.

"What's the problem, kids? Ayaw niyo ba sa pagkain?"

"We don't like veggies." sagot ni Beau.

"I hate veggies!" sigaw naman ni Charlotte at nilayo pa sa sarili ang pagkain.

Tumayo naman si Solana at isa isang inilapit ulit sa mga bata ang mga pagkain nila pero inilayo lang nila ulit ito. Napabuntong hininga si Solana.

"Sige na, young masters at young miss, masarap yang mga niluto ko. Ibinilin pa naman ng Daddy niyo saakin na dapat maubos niyo ang mga 'yan. Tsaka veggies day ngayon diba?" mahinahon na sabi naman ni Aling Ines habang kinukumbinsi ang mga bata na kumain ng gulay.

"Daddy's not here naman po eh. So we don't have to eat this," sagot naman ni Aurelia habang tinutukoy pa ang ama na nasa ibang bansa para sa isang 2 week business trip.

"But you have to eat that so you will be healthy," sabi naman ni Solana.

"Well, I am healthy enough so I don't need this!" mas inilayo pa ni Beau ang pagkain sa kanya. "I'll just eat my chips!" dagdag pa nito.

"I want chocolates!" excited naman na sabi ni Daenerys.

"You really won't eat anything from Aling Ines' cooking?"

Tinignan lang siya ng mga bata saka sabay sabay na umiling maliban kay Aurelia na inirapan lang si Solana.

"Okay! Kung ayaw niyong kainin ang pagkaing nasa harap ninyo, wag na kayong kumain. Go to your rooms!" sigaw ni Solana at itinuro ang pinto palabas sa dining room.

Nanahimik naman ang lahat. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa siguro nakabukagta sa sahig si Solana. Napakasama ng tingin ni Aurelia sakanya. Ang kambal naman nito at ang mga nakababatang kapatid ay nakatitig lang sakanya.

The feeling of betrayal was evident in their eyes.

Solana stilled when she realized what she had done but still remained the firmness in her face. Isa isa namang bumaba mula sa kinauupuan ang magkakapatid at sabay sabay na umalis sa kusina.

"Hala, hija! Magagalit si Sir Gavin!" nag-aalala namang sabi sa kanya ni Aling Ines.

Nginitian lang ni Solana si Aling Ines.

"Wag po kayong mag-alala, Aling Ines. Hindi ko naman po hahayaang magutom ang mga bata noh, baka patayin pa ako ni Sir. Hahaha!"

Napanganga nalang si Aling Ines at ibang kasambahay nakatingin kay Solana.

°°°
Eto na po, opo! Hahaha! Happy reading! Salamat sa pag-aantay! 💞

Taming The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now