CHAPTER 17

1.2K 75 18
                                    

CHAPTER 17

Matapos punasan ni Lana ang mga mukha nina Aurelius and Beau ay sabay-sabay silang bumaba patungo sa dining room ng mansyon.

Nang makapasok sila sa dining room ay nakita ni Lana na nakaupo na si Gavin sa kabisera ng mahabang dining table at sa kaliwa nito ay isang maganda at eleganteng babae na nakasuot ng silver tube dress.

Tumatawa pa ang babae dahil sa kung ano mang pinag-uusapan nila Gavin nang lumingon ito sa kanila. Ngumiti ito ang binati ang mga bata.

"Good evening, kiddos!"

Hindi naman pinansin ng mga bata ang babae at isa-isa silang umupo sa dining table. Umupo si Lana kasama ang mga bata sa kanang side ni Gavin at pinagigitnaan siya nina Charlotte at Daenerys.

Ilang sandali lang ay isa-isa nang inihain ng mga kasambahay ang mga pagkain. Habang hinahain pa ang mga pagkain ay nakatingin lamang si Lana kay Kyline. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging pamilyar kay Lana ang babae.

"I heard you all took exams last week. Did you do well, Daenerys?" Kyline asked as soon as they started eating.

"Ate Lana helped me with studying so I almost perfected my exams! And please don't talk to me, Ms. Kyline. I don't like you," sagot naman ni Daenerys na nagpagulat kay Lana. Agad niya namang pinagsabihan ang alaga.

"Daenerys, that's rude. You shouldn't do that, hmm?"

Ngumuso naman si Daenerys. "But I don't like her, Ate Lana."

"Even if you don't like her, you should not be rude. She asked you nicely, so you should answer her nicely too. Let's apologize, shall we?" Tumango naman si Daenerys at agad na humingi ng tawad kay Kyline.

"I'm sorry that I was rude even though you spoke to me nicely. You are allowed to talk to me but I still don't like you, okay?" Nakahinga naman ng maluwag si Lana nang tanggapin rin kaagad ni Kyline ng paumanhin ni Daenerys.

"This is quite surprising. You all listen well to your nanny now?" may bahid ng pagkamangha ang boses ni Kyline.

Wala nanamang pumansin kay Kyline sa mga bata at tumahimik ang paligid. Ang tanging maririnig lang sa silid ay ang tunog ng pagkalansing ng mga pinggan ang kutsara.

To cut the awkward atmosphere inside the room, si Gavin na ang sumagot kay Kyline at iniba na ang usapan.

"I heard you will be opening your clothing line and release new products for your cosmetics line. How's everything?" From then on, Gavin and Kyline conversed about each other's companies.

Palihim namang nakikinig si Lana sa usapan ng dalawa habang kumakain at inaasikaso ang mga bata.

Cosmetics and clothing lines? Napasinghap si Lana at napatingin kay Kyline na nakikipag-usap pa rin kay Gavin. Could she be  Kyline Montenegro of Kyline Cosmetics?! Napakurap-kurap ang mga mata ni Lana sa napagtanto.

Kyline Montenegro is a world-wide known supermodel. She is also known for being one of the youngest self-made billionaire at the age of 26 a year after she started Kyline Cosmetics.

Lana knows her by name but she don't know how she look like because she only hears about Kyline from her bestfriend, Lyric.

Tapos nang kumain ang mga bata at ang natitira na lamang sa mahabang lamesa ay sila Lana, Gavin at Kyline.

"Lana, right?" napatuwid naman ng upo si Lana nang tawagin siya ni Kyline.

"Ah, opo. Lana po," magalang naman tugon ni Lana at ngumiti nang hilaw.

"How long have you been working here?"

"Three weeks po."

Tumaas ang isang kilay ni Kyline. "Three weeks? And you already managed to make those kids listen to you? What did you do?" sunod-sunod ang naging mga tanong ni Kyline.

"Uhm, wala naman po. I just talked with the kids about their misunderstandings regarding nannies and I also told them that I have a clear intention towards them," paliwanag naman ni Lana kay Kyline.

"Oh," tumango tango ang babae at nilingon si Gavin. "You found a good nanny this time, Hon," malambing na sabi ni Kyline kay Gavin at hinawakan pa ang kamay nito.

Hindi naman sumagot si Gavin. Tinignan at hinayaan lamang si Kyline sa ginagawa.

Bigla ay nakaramdam ng kaunting kirot si Lana mula sa puso niya. Unti-unti ring umusbong ang inis sa kanya.

"When will your contract end? I hope you'll still stay here when we get married! As you see, the kids won't listen to me and they don't like me. It would be nice if you could help me be close with them!" Magiliw na sabi ni Kyline sa kanya.

Napatulala naman si Lana sa narinig at napatitig sa mukha ni Kyline.  She did her best not to let her forehead crease.

Yumuko si Lana at tinuloy ulit ang pagkain. What is she saying? Hindi ba dapat siya at si Gavin ang ikakasal? Ibig sabihin ba, girlfriend ni Gavin si Kyline at pinangakuan niya na ito ng kasal? But he already agreed to be married with Lana?

Napuno ng mga pangamba ang isip at puso ni Lana.

°°°°°
Eyyyyyy! Hahahaha! I miss you all! Laters nalang yung isa ah! Love you all! Don't forget to leave a comment and vote! (灬º‿º灬)♡

Taming The Billionaire's ChildrenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ