CHAPTER 8

1.4K 62 4
                                    

CHAPTER 8

Was I too much?

Napahawak si Solana sa magkabilang pisngi matapos niyang lumabas sa office ni Gavin. Baka isipin ni Gavin na masyado siyang nagengealam? Hindi naman siguro siya matatanggal sa trabaho diba? Hindi niya pa makikilala nang mabuti ang mga bata!

Naglakad si Solana pabalik sa kwarto niya. Papasok na sana siya sa sariling kuwarto nang mapansin niyang may sumisilip mula sa girls' room.

"Sino yan? Bakit gising ka pa, hmm?" Lumapit si Solana sa pinto. The door opened a bit more and Daenerys' cute little face came into view.

"Can't sleep. Want Daddy."

"But your Daddy is busy pa, Daenerys."

Ngumuso si Daenerys. "Want daddy..."

Binuhat ni Solana si Daenerys at pumasok sila sa kuwarto. Inihiga niya ito sa kama saka kinumutan. Hinaplos haplos niya ang buhok nito.

"I will sing you a song so you can sleep, okay?"

"What song?"

Nginitian ni Solana si Daenerys. "A song to help you sleep." Pinindot pa niya ang maliit na ilong nito bago sinimulang kumanta.

A dream is a wish your heart makes

When you're fast asleep

In dreams you will lose your heartaches

Whatever you wish for, you keep

Have faith in your dreams and someday

Your rainbow will come smiling through

No matter how your heart is grieving

If you keep on believing

The dream that you wish will come true

Pagkatapos ni Solana kumanta ay nakatulog din agad si Daenerys. Bago siya lumabas sa kwarto ay inayos niya muna ang pagkakahiga ni Aurelia. Nasa dulo na kasi ito ng sariling kama at malapit ng mahulog. Nilagyan niya rin ng unan ang magkabilang dulo ng kama upang hindi mahulog si Aurelia kung sakali mang gumulong na naman ito.

Ang likot pala matulog ng masungit na ito.

°°°

"Good morning, Aurelius! Beau!"

Hinawi ni Solana ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana upang makapasok ang araw sa kwarto. Nilapitan niya si Aurelius saka ito pinaupo, ganun din ang ginawa niya kay Beau.

"Wakey wakey na kayo, sige na!"

Pumasok si Solana sa walk-in-closet nila at kumuha ng uniform para sa dalawa. Inilapag niya ang nga uniform sa kama at minadali sina Aurelius at Beau papuntang banyo.

"Maligo na kayo. Aasikasuhin ko muna ang mga kapatid niyo kaya mag ready kayo ha? Kaya niyo naman diba?"

"Yes, I can do it."

"I'm still sleepy," kinukusot pa ni Beau ang mga mata habang matamlay na nakatayo sa harap ng banyo.

"But you need to get ready for school. Sige na, tawagin niyo nalang ako 'pag kailangan niyo ako, okay?"

Nang pumasok na sina Aurelius at Beau sa banyo para maligo ay pinuntahan niya naman sunod ang girls' room. Katulad ng ginawa niya kanina ay binuksan niya ang mga bintana at ginising ang mga bata.

"Good morning, Aurelia! Charlotte and Daenerys!"

"You're so loud, gosh." Mataray na komento ni Aurelia. Inirapan pa nito si Solana na nginitian lang siya.

Taming The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now