"Kamusta? Kamusta kayo?" pag sisimula ko ng usap.

"Grabe kung makatanong parang hindi tayo araw-araw na mga nag uusap ka loka!" singhal ni Charls na ikinatawa namin.

"Uhh si Vio? Nakita niyo ba?" tanong ko na ikinatigil nila at nagkatingin pa sila bago may alangan na tingin na bumaling sa'kin.

"Oo, kanina sa room, kaso best nag mamadaling umalis," sagot ni Asenna na ikinabuntong hininga ko na lang.

Saglit kaming natahimik sa usapang 'yon. Inalis ko ang suot na shades,lumunok ako at saka tinignan silang dalawa.

"Bago ako umalis, inexpect ko na 'to.... na may magbabago, Pero ano ba ang karapatan ko na tumanggi? desisyon 'yon ng mga magulang ko, ni lola." tumingala ako para pigilan ang mga luha.

"Best."

"Aubry."

"Habang nandoon ako, Oo lagi kaming magkausap pero hindi nag tagal bigla na lang siyang nanlamig. Hindi ko alam kung bakit, may nagawa ba ako? Hindi ko alam basta pakiramdam ko ayaw niya na sa'kin. Simula pagkabata ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito katagal, kaya minsan iniisip ko na may tampo siya sa'kin. Pero usapan namin doon kami kaya nagtataka ako bakit hindi siya sumunod? Sabi niya may emergency tinanggap ko yung dahilan niya pero bakit hindi matanggap ng dito," turo ko sa dibdib, at pumikit na sinabayan ng pag-agos ng mga luha ko.

"Best naman e," angil ni Asenna at hinila ako payakap sa kaniya. Lumipat si Charls sa kabilang gilid ko at niyakap ako mula sa likod. Kung may makakakita siguro sa amin, iisipin na mga baliw kami dahil dito pa kami nag dadramahan.

"Girl kilala mo si Luhence, baka busy lang talaga siya. Intindihin mo na lang," sambit ni Charls mula sa likod ko na patuloy sa paghaplos sa likod ko.

"Kilala ko nga ba siya? Siguro noon, ngayon? hindi ko na alam," sambit ko na nakapag pahigpit sa yakap sa'kin ni Asenna.

Natahimik sila doon gayundin ako na nakakabawi na sa pag iyak. Kagabi pa ako panay iyak kailan ba ko mapapagod? Humiwalay sa akin si Asenna at hinawakan ang mga kamay ko.

"Aubry, kaibigan kita. Matagal ko ng pinag-isipan 'to—"

"Asenna!" pigil ni Charls

"Charlie naman! Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang makitang nagkakaganito si Aubry! Siguro noong nasa malayo siya nakaya ko pa. Pero ngayon? Hindi mo ba nakikita? Titigan mo muna siya bago mo ako pigilan. Kung kaya mo sige magpapapigil ako!" inis na sabi ni Asenna saka marahas na nagpunas ng mga luha.

"Letse naman kasi! Sige go!" sambit ni Charls

Naguguluhan ako sa inaasal nilang dalawa. Ano ba ang pinagtatalunan nila na ayaw nilang sabihin sa akin?

"A-ano.. ano ba 'yon?"

"Kasi best si Luhence, simula noong umalis ka nag bago na siya. Hindi na siya sumasama sa amin inisip na lang namin dahil nahihiya siya dahil wala ka pero si Luhence 'yon e makapal muka non. One day nag simula na siyang magloko palagi siyang late tapos tuwing uwian nagmamadali naman siya kaya nagtaka kami kung bakit naging ganoon siya. Tapos nalaman namin na..." pambibitin niya

Gulat man sa nalaman ay kusa na lang bumukas ang bibig ko upang magtanong.

"A-ano?"

Huminga siya ng malalim at seryoso akong tinignan, naramdaman ko din ang pag ayos ng upo ni Chars mula sa likod ko.

"N-nalaman namin na, may kinikita siyang ibang babae," sambit niya at yumuko.

Muli akong natigilan at parang namanhid sa nalaman. Babae? Sinong babae? Kaya ba nanlamig siya? Pero Vio akala ko nagkakaintindihan na tayo? Hindi ko man masabi alam kong alam mo dahil pinaparamdam ko naman. O baka naman balewala lang sayo dahil iniisip mo na mag kaibigan tayo? Mga tanong na namuo sa isip ko.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now