Chapter 11

5 2 2
                                    

Chapter 11

"Euniz," pagtawag sa akin ng pamilyar na boses. Inangat ko ang ulo ko upang makita kung sino 'yon ngunit laking gulat ko ng makitang nasa akin ang atensyon nilang lahat. "Ayos ka lang ba? Are you tired, hungry or what?" sunod-sunod na tanong ni Clynth. Mahahalata mo ang labis na pag-aalala nito sa akin. Naalala ko na naman tuloy 'yung sinabi ni Kuya Deanth kagabi. Ano nga ba ang rason niya? Bakit siya nag seselos? At kaano-ano niya ang totoo kong mga magulang?

"A-ahh wala, ayos lang ako," sagot ko at ngumiti ng tipid. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Clynth na animo'y hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Ayos lang talaga ako, ipagpatuloy na natin 'tong meeting," dagdag ko pa at tinanguan si Clynth. Bago niya pinagpatuloy 'yung sinasabi niya kanina, lumapit muna siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Eh? Bat ganyan siya? Bakit simula nang gabing iyon, gabing una niya akong tinawag na Agi.

"So back to the dilemma, Chelly's classmate have a stalker and she's asking for our help. She's scared of that stalker because the stalker keeps sending pictures of her while taking a shower." What the hell! That stalker is creepy.

"For now, let's focus on this. We will pause for the meantime the Leil's murder case if it's alright for the all of you," he said. Tinignan kami nito isa't isa na animo'y sinisiguro kung ayos nga lang ba kami sa gusto niya.

"So... I guess all of you want it. So here is the plan..."

——————

"Euniz, ok ka lang? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Deanth. Gusto ko man sabihin sa kaniya ang lahat ngunit hindi ko magawa. Gusto ko munang makita at makilala ang totoo kong pamilya bago ito ipagsabi sa iba. "Ok lang ako, Kuya. Iniisip ko lang naman 'yung plano natin." Ngumiti na lamang ako ng matipid para mapaniwala siya. Ngunit, sadyang kilalang-kilala na nga ata ako. Hindi siya na niwala sa sinabi kong iyon. Akmang hahawakan niya ang ang pisngi ko ng biglang may tumabig nito.

"Hahaha. Chill lang! Hindi naman kita inaagawan ng kapatid," saad nito at tinaas ang dalawang kamay. Hindi naman kita inaagawan ng kapatid?

May nabuo na sa isipan ko pero pinagsawalang bahala ko iyon. Gusto kong marinig mismo sa kaniya ang totoo. Gusto kong marinig mismo sa bibig nila ang katotohanan na pinagkait nilang ipaalam sa akin.

Walang sabi-sabi niya akong hinila at pinapasok sa kotse niya. Agad siya umikot at sumakay sa driver's seat. Nabalot kami ng katahimikan. Kating-kati na akong mag tanong pero pinipigilan ko ang sarili ko. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit hindi pa rin siya nag sasalita. Hindi pa ba siya handa na ipaalam sa'kin ang totoo? Ayaw niya bang malaman ko ang totoo? Hindi niya ba gustong maging kapatid ako?

Akmang lalabas na ako ng kotse niya ng hawakan niya ang braso ko at tinanong ako ng katagang gustong- gusto kong marinig mula sa kanila.

"Gusto mo bang mag dinner kasama kami?" tanong niya. Gustong-gusto ko. Matagal na. "Gusto ko. Gustong-gusto," halos pabulong ko ng sagot sa kaniya. Mula sa peripheral vision ko, nakita kong napangiti siya ng sagot kong iyon. Hindi nawala ang matamis na ngiti niyang iyon habang nag mamaneho.

Pumasok kami sa isang village. Hindi ito nalalayo sa pinapasukan namin ngunit hondi ito pamilyar sa akin. Dahan-dahan na bumakas ang gate ng makalapit ang sasakyan ni Clynt sa tapat noon. May hindi kalakihan na fountain sa harap ng mansyon na nakikita ko. Ito na ba ang bahay nila Clynt?

"We're here. Welcome hom, Agi," saad nito at lumabas ng kotse upang pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa ako nitong makababa.

"Kanina pa nila tayo hinihintay. Mom and Dad, waited for this day to come. They were patiently waiting for this day to come," saad nito na may matamis na ngiti sa mga labi. Alam ko, ramdam ko na masaya rin siya na alam ko na ang totoo.

"Again, welcome home, Agi. Welcome back, kapatid ko," saas nito na dahilan upang mapangiti rin ako ng kapatid. Matagal ko ng gustong may timawag sa akin ng kapatid at masaya ako dahil may tatawag na sa akin nito. Ang matagal kong pangarap na magka-kuya ay natupad na. God gave me Clynt, Kuya Clynt. I will love him the way he loves me. I will love my Kuya even if we've been apart with each other.

"Good afternoon, Clynt," saad ng babae na may edad na. Sa tingin ko siya ang mayordoma dahil sa naiiba nitong uniporme. Napadako ang tingin nito sa akin, nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Nang makabawi ay agad itong ngumiti ng napakatamis at binati ako. "Maligayang pagbabali,  Ma'am Agiara," pagbati nito.

"Good afternoon, Ate Malou," pagbati nito pabalik. Matipid na ngiti naman ang sinukli ko sa pagbati nito. "Nasaan po sila mom and dad?" tanong nito. Napatingin ako sa malawak na ngiti ni Cly— err Kuya Clynth, mahahalata mong umaapaw ang kasiyahan na nadarama nito sa pagbabalik ko. Napangiti rin ako ng dahil doon.

"Nasa loob sila ng kanilang kwarto. Sandali at ipapaalam ko sa kanila ito, " saad nito at nagmamadaling pinuntahan ang mga magulang namin. Kinabahan ako ng ma-realized ko na makikita at makakausap ko na sila. Nasasabik kaya silang makasama ako tulad ng pananabik ko na makasama at mayakap sila?

"Kinakabahan ka ba,  Agi?" tanong nito. Siguro napansin nito at pagkabalisa ko. "'Wag ka mag alala. Hindi naman nakakatakot ang mga magulang natin at natitiyak ko na nasasabik din silang muli kang makasama," dagdag nito at iniabot ang kamay ko at pinisil ito. Nakaramdam ako ng pagkapayapa ng ginawa niya iyon.

Nakarinig ako ng mga yabag, mas dumoble ang kaba ko ng dahil doon. Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko. Nangilid ang mga luha ko ng makita ko ang isang napakagandang babae na umiiyak kasunod ang napakagwapong lalaki. Nang makababa na sila ng tuluyan na silang makalapit sa amin ay agad na sunod-sunod na tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.  Agad akong niyakap ng babae,  ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin sa pagyakap niyang iyon. Agad ko siyang niyakap pabalik, kasing higpit ng pagyakap niya sa akin. Kahit na nanlalabo ang aking mga mata dahil sa luha,  hindi nakawala sa paningin ko ang pagtulo ng luha ng dalawang lalaking mamahalin ko ng lubos.

Kumalas ang babae sa pagkaka-akap sa akin. Itinaas nito ang kaniyang kamay na nanginginig, hinaplos niyo ang mukha ko. "N-napakasaya ko. Napakasaya ko dahil sa wakas ay makakasama ka na namin. Matagal kong hinintay ang araw na ito,  anak. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi ka sunduin sa mga Alvarez. Alam kong napamahal na sila sa'yo kaya hinayaan namin sila na makasama ka pa ng matagal. Hinayaan din namin na sila ang mag sabi sa'yong katotohanan. Alam kong hirap na hirap silang sabihin sa'yo ang totoo. Bilib ako sa katatagan nila dahil na sabi nila sa'yo ang katotohanan, " saad nito na patuloy pa rin na hinahaplos ang mukha ko.

"Ahh,  Mom?" pag singit ni Cly—Kuya Clynt. "Let's eat dinner first," dagdag pa nito na mahonang ikinatawa namin ni Mom.

"Let's go?" tanong ni Mom. "Let's go, Mom," saad ko dahilan upang muling tumilo ang mga luha nito. "Mom,  stop crying. Don't worry, hindi na po ako mawawala sa tabi niyo," saad ko. Ipinalibot0nito ang mga braso sa baywang ko na animo'y nakayakap pa rin sa akin. Iginiya ako nito sa hapag-kainan. Ipinaghila ako ng upuan ni dad. "Thank you,  dad," saad ko. Inakap ako nito at hinalikan sa noo. "Welcome back,  my princess," saad nito.
Pinagsilbihan nila akong tatlo na animo'y prinsesa. Masaya ako at sa wakas ay nakasama ko na sila. Pinagmasdan ko silang tatlo na may matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Ramdam na ramdam ko ang nag uumapaw na pagmamahal nila sa akin.

I'm finally home... I'm finally with my family...  I'm happy, and I promise to love them to the fullest. And I promise to make them safe amd away from pain.

I love them, I love my family even though I just met them.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leil's Murder CaseWhere stories live. Discover now