Chapter 1

51 8 31
                                    

Chapter 1

"Oh my ghad! Sino kaya ang may gawa nun kay, Dane?"

"Kawawa naman si Dane."

"Nakakatakot, paano kung patayin din ako ng murderer na 'yun?"

"Napakawalang puso ng gumawa nun kay Dane."

Sari-saring opinyon ang naririnig ko sa bawat sulok ng silid. Hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang mga ito. Sino kaya ang nasa likod ng pagpatay kay Dane?

Muli kong inalala ang karumal-dumal na sinapit ni Dane sa kung sino mang walang pusong kumitil sa buhay niya.

*flashback*

"Euniz," pagtawag ng isang pamilyar na boses. "Oh, Hasper, anong meron?"

"Sumama ka sa akin," uutal-utal na saad nito ng dahil sa paghahabol ng kaniyang hininga dahil sa pagod. "Hoy! Hasper, dahan-dahan lang," saad ko dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang aking pulso at kinaladkad akon papunta sa kung saang lugar. Argh, what's with this guy? What do he think of me? A stroller?

Kahit hindi ko alam kung ano or kung saan kami pupunta ay sinundan ko na lang siya at tumakbo rin ng mabilis. Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa may makita akong kumpulan ng mga estudyante. May mga propesor na ring naroon na pilit pinapaalis ang mga estudyanteng pilit rin naman na pinagsisiksikan ang kanilang mga sarili sa commotion na iyon.

Ano ang nangyayari? Ito ba iyong pinaguusapan ng karamihan? Hindi ko napansin na natulala na pala ako kung hindi lang hinawakan ni Hasper ang pulsuhan ko at hinila ako upang makipagsiksikan din. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa harap basta ang alam ko napakawalang hiya mg gumawa nito sa biktima. Tadtad ng saksak ang babaeng nakahandusay sa harap ko. Halos hindi mo na rin makikilala ang mukha nito dahil animo'y pinaso ng kung ano.

"Shit! Who the hell do this to her? I will make sure he or she will fucking rot in jail," saad ko. I don't want to day bad words but the person who did this deserves the bad words I said.

"Dane! Dane!" paulot-ulit na sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay kaedaran lang namin. "Ang best friend ko! Dane!"

Walang tigil sa kakasigaw at kakaiyak ang babaeng iyon na sa tingin ko ay kaibigan ng babaeng pinatay. Dane pala ang pangalan ng biktima.

"Euniz, Hasper," pagtawag ng isang pamilyar na boses dahilan upang maagaw nito ang atensyon ko na kanina lamang ay naka-pokus sa nakahandusay na babae at sa best friend nito.

"Clynt," sambit ko sa pangalan nito.

"Ang pangalan ng babaeng nakahandusay ay Dane Marquez, a four year student. Nagtamo siya ng walong saksak sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Tatlo sa kaniyang sikmura, dalawa sa leeg, isa sa binti at dalawang saksak naman sa kaniyang sintido. The suspect also pour an acid on the victim's face that's why her face is unrecognizable," saad nito. Hindi makatarungan ang ginawa ng lintik na salarin na yan sa biktima. Wala siyang awa! The victim doesn't deserve this, nobody deserve this.

"Ang lahat ng iyon ay nakalap ko sa mga pulis. Sa mgayon wala pang suspect amg mga pulis kung sino ang gumawa nito sa biktima kaya pagkatapos na pagkatapos ng mga klase natin ay mag kita-kita tayo sa clubroom. Siguraduhin niyong walang mahuhuli sa inyo mamaya dahil mahalaga ang oras," saad nito at muling tinitigan ang karumal-dumal na sinapit ng babaeng nakahandusay na si Dane. Dane, I promise. We will do pur best to find the fucking psychopath who did this to you.

"Alam na ba nila Chelly at Dyle ang nangyaring ito," tanong ko.

"Oo, nalaman nila sa mga usap-usapan ngunit hindi pa nila ito nakikita," sagot nito na ipinagkibit ko na lamang ng balikat. Maybe they have an urgent to do in their class. Pinagmasdan kong mabuti ang crime scene. Wala na ang katawan ng biktima ngunit naroon pa rin ang dugo. In-examine ko ng maigi ang crime scene hanggang sa may napansin ako. Ang isang kamao ng biktima ay nakasarado animo'y may hinahawakan ito ngunit wala naman. May hinahawakan nga ba ang biktima bago ito mamatay? Kung oo, ano iyon? Hindi ko napansin na nag space out na naman ako ng dahil sa labis na pag-iisip, kung hindi lang nag salita si Clynt hindi pa ako mababalik sa reyalidad.

Leil's Murder CaseWhere stories live. Discover now