Natawa naman ako sa sinabi niya ganoon din si Audrey habang si daddy ay katulad ni Mommy at seryoso lang. Ang advance naman kasi nila mag isip.

"Thank you kuya!" sabi ko kay kuya Arthur ng makababa, nagpahatid ako sa kaniya kila Vio dahil naiinip na ako sa bahay at gusto kong magliwaliw. Hindi kasi sumasagot sa mga text ko si Vio kaya ako na lang ang pupunta.

Agad akong pinapasok ng maid dahil kilala na rin naman nila ako. Sa sala ay napansin ko ang mga balikbayan box. Sino naman kaya ang dumating? Agad namilog ang mga mata ko at tumakbo sa taas upang siguraduhin ang hinala ko.

Hindi pa ako nakakakalahati sa hagdan ng makarinig ako ng malakas na tili.

"Oh my god! Aubry!!" muntik pa akong mahulog ng dambahin niya ako buti na lang ay agad akong nahawak kung hindi ay kanina pa kaming nasa babang dalawa.

"Fuck ate ano ba! Muntik na kayong mahulog!" agad na bumitaw sakin si Ate Via ng marinig ang boses ng kapatid niya.

Hindi niya 'yon pinansin at muli lang akong niyakap. "Sorry, namiss kasi kita! Ang laki mo na! May boyfriend ka na ba? May ipapakilala ako sayo—"

"Ate!" sigaw ni Vio na nakapag patahimik sa kaniya. Kunot ang noo ni Via na nilingon ang kapatid.

"Ano ba! Ang epal mo doon ka nga!" sigaw nito.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Parang hindi sila magkapatid kung mag bangayan.  Hindi siya pinansin ni Vio at hinatak ako mula sa ate niya. Hinila niya ako papasok sa kwarto niya bago 'yon ay narinig ko pa ang sigaw ni Ate Via.

"Napakagago mo talaga Vio! Mang aagaw!"

Natawa ako doon at bumitaw sa kaniya ng makapasok kami sa loob.

"Nag uusap pa kami bakit bigla ka na lang nanghihila?" tanong ko at saka umupo sa sofa.

"Tsk wag mong kakausapin 'yon wala namang kwenta kausap 'yon," inis na sabi niya at saka tumabi sakin. Hinampas ko siya sa braso dahil doon.

"Grabe ka ate mo 'yon!" sabi ko

"Ang sakit niya sa tainga!" reklamo niya.

"Kailan pa pala siya nakauwi? Hindi mo nabanggit sa'kin," tanong ko habang nasa tv ang paningin.

"Hindi naman siya mahalaga," simpleng sabi niya at saka sumandal sa sofa.

"Bakit nga pala hindi ka sumasagot sa text ko?" tanong ko ng maalala ang pagpunta ko rito. Mula sa gilid ng mata ay napansin ko ang pagkatigil niya. Bumuntong hininga siya saka nagsalita.

"Sorry, hindi ko lang napansin," dahilan niya saglit akong natigilan dahil ngayon ang unang beses na hindi niya napansin ang tungkol sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagtanong pa. Nanuod kami ng movie habang nag uubos ng oras. Nang maggagabi ay saka ako nagpaalam na uuwi na hinatid niya naman ako bago 'yob ay dumaan pa kami sa Ice cream shop pambawi niya daw na ikinatuwa ko.

Lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng pag alis ko. Inayos ko ang maleta na dadalhin at tsinek kung nandoon na lahat ng kailangan ko. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko mamimiss ko ang lugar na ito. Bumuntong hininga ako bago bumaba at nakita ang pamilya ko sa sala.

"Mag-iingat ka doon anak ha? Lagi kang tatawag," sabi ni Mommy ng makalapit ako pansin ko ang pamumula ng mga mata niya.

Yumakap ako sa kaniya at hinaplos ang likod niya. "Mommy, hindi naman ako mamamatay, bakit ka umiiyak? Mag aaral lang ako don," natatawang sabi ko.

Hinampas niya ako sa balikat. "Ikaw puro ka kalokohan!" at saka humiwalay sa akin.

Yumakap din ako kay Daddy pagkatapos kay Audrey na ayaw magpayakap dahil magugulo daw ang dress niya. Saglit pa akong nagpaalam sa kanila bago pumunta kay Kuya Arthur. Hindi ako pumayag na magpahatid sa kanila sa Airport dahil kilala ko si Mommy at baka mag iyakan lang kami doon.

"Mag iingat po kayo doon Ma'am."

Tinanguan ko lang at nginitian si Kuya Arthur, tinulungan niya ako sa pagbaba ng mga gamit ko. Bago ako nag paalam na mauuna na. Inilabas ko ang phone ko pagkaupo sa bench sa may airport. Bumuntong hininga ako ng makitang walang text si Vio doon. Sabay ang flight namin at ang usapan ay dito kami magkikita. Bakit wala pa siya?

Tinignan ko ang pambisig na relo. May 30 minutes pa, hihintayin ko na lang siya. Mga ilang minuto pa akong ganoon ng marinig ang tawag ng kung sino.

"Aubry!"

"Best!"

Tumayo ako at nilingon 'yon natawa ako ng makita ang mga kaibigan ko. Dinamba nila ako ng yakap habang naluluha.

"Grabe, mamimiss ka namin!" sabi ni Asenna.

"Bakla, 'wag mo kaming kakalimutan. Pasalubungan mo ako ng papsi ha? Gusto ko 'yong puti," bilin ni Charls.

"Grabe, wag niyo akong iyakan uuwi naman ako 'pag bakasyon at lagi tayong mag bivideo call," sabi ko.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan sa mga gagawin namin kapag umalis ako ng mag tanong si Charls.

"Nga pala si paps nasaan?" tanong ni Charls. Muli 'kong tinignan ang relo at nakitang 10 minutes na lang ay flight na namin. Pero wala pa din siya.

Vio nasaan ka na?

"Aubry!!" napalingon ako ng marinig ang boses ni Ate Via. Mabilis ang lakad niya papalapit sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon ang alis mo? Kung hindi pa ako bumisita sa inyo!" singhal niya sa akin ng makalapit.

"Sorry nawala sa isip ko, hindi rin kasi tayo nagkakatagpo."

"Hmp! Sige na mag iingat ka doon ah?" bilin niya na tinanguan ko at nginitian.

"Uhh Ate si Vio po ba?" mahina kong tanong. Natigilan siya at nalilitong tumingin sa akin.

"Si Vio? Hindi ko alam, hindi siya umuwi kagabi sa bahay at wala din sa condo niya dahil tumawag ako sa maid na naglilinis doon kanina."

Bumuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Humawak siya sa magkabilang balikat ko at tumingin.

"Gusto mo tawagan ko siya?" tanong niya

"Hindi na ate wag na," pag tanggi ko.

Bumigat ang pakiramdam ko dahil doon. Nag bago na ba ang isip niya? Hindi na siya sasama? Pero sana nag sabi siya at hindi niya ako binigla ng ganito.

Tipid na ngumiti na lang ako sa kanila at saka nag paalam ng tawagin na ang flight ko. Bagsak ang balikat na naglakad ako papalayo sa kaniya. Pagkasakay sa Eroplano ay kinuha ko ang phone ko ng tumunog 'yon.

Baby Damulag : I'm sorry hindi ako makakasama, nag ka emergency sa bahay.

Hindi ako makapaniwala sa text niya dahil kausap ko pa si Ate Via kanina at wala naman siyang nabanggit sa akin. Hindi rin siya umuwi so paanong nag ka emergency? Napailing na lang ako at pinatay 'yon.

Pagkaupo ay tumingin ako sa bintana at napabuntong hininga na lang. This is it. Walang Vio na kasama, kaya mo 'yan Marga! Pagpapalakas ko ng loob.

Sumandal ako at pumikit ramdam ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko na 'yon pinansin at naramdaman ko na lang ang pag angat ng Eroplano.

Itutuloy. . .

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now