Salamat

9 3 0
                                    

Naglalakad ka sa isang madilim na lugar

Hanggang sa makakita ka ng liwanag sa bandang dulo ng lugar na iyon,

Napunta ka sa mapunong hardin,

Puno ito ng iba't ibang kulay ng rosas,

Mayayabong ang mga berdeng halaman,

Tinitigan mo lang sila habang malaya silang sumasabay sa lipad ng hangin,

Inikot mo ang iyong paningin,

At napansin mong ikaw lang mag-isa sa lugar na iyon,

Napaisip ka,

Sa ganda ng lugar na iyon wala 'man lang katao-tao,

Ang payapa ng simoy ng hangin,

Ngunit wala 'man lang nagnais na puntahan,

Siguro dahil sa dilim na balot nito sa labas,

Kaya walang naglalakas loob na pasukin ito.


Para rin palang ikaw ang hardin na ito,

Walang gustong pumasok sa buhay mo,

Dahil sa dilim ng iyong nakaraan,

Walang gustong umalalay sayo,

'Yong mga inaasahan mo,

Sila pa ang unang lumayo,

Maski ang salitang "salamat" ay hindi mo narinig bago sila tumakbo palayo.


Imbis na "salamat,"

Naging "patawad,"

Imbis na "salamat"

Naging "paalam"

Imbis na "salamat"

Naging "wala kang kwenta"


Salamat hardin, ha?

Kasi kahit papaano pinakita mo sa akin na hindi ako nag-iisa,

Kahit papaano naramdaman ko na may karamay ako,

Kaya lakas-loob kong sasabihin sa kanila na,

"Sige, patawad, paalam at salamat na lang sa lahat."

Pile of WordsWhere stories live. Discover now