Apat na Bahagi

9 2 0
                                    

MYRMIDON

Isinugo ka ng kalawakan,

Bilang isang alapaap mula sa kalangitan,

Alilang puno ng katapatan,

Kama'y ibabaon sa hukay para sa Perlas na Sinilangan.


DUGO

Walang tutumbas sa pulang likido na bumubuo sa tao,

Sa tahanang binubuo ng nanay, tatay, anak,

Kahit gaano pa kalayo ang pagitan,

Puso'y sisikdo sa daloy ng koneksyon.


ZITHER

Tatlumpu o apatnapu 'man ang humadlang sa atin,

Magagawa ko ring sumunod sa tono mo,

Hirap 'man akong abutin ka,

Hindi ako susuko hanggang sa matapos ko ang kwerdas ng paghihirap.


MAHIKA

Tila napapalibutan ako ng liwanag na dala mo, 

Hinihila ako nito papalapit sa iyo, 

Hawak ang kamay ko ng mahigpit,

Gamit ang mahika ng iyong ngiti,

Ako'y napunta sa iyong bisig.




Pile of WordsWhere stories live. Discover now