Pagbabalik

0 0 0
                                    

Binalikan ko ang aking mga piyesa
Tinignan ko ang mga butas
Kung saan ba ako nagkulang
At kung bakit dinaanan lang nila.

Binalikan ko ang aking mga piyesa
Para makita
Kung tama pa bang nandito ako
O baka pinipilit ko na lang.

Binalikan ko ang aking mga piyesa
Kasi palagay ko wala naman akong patutunguhan
Dahil hindi ko na muling makita
Ang mga dahilan kung bakit ako nagsimula.

Pile of WordsWhere stories live. Discover now