Ang sabi ko noon
Gusto kong makilala ng mga tao
Hindi dahil sa kung anong mayroon ako
Kundi dahil sa kakayahang dala ko.Pinilit ko ang sarili ko sa marami
Pero walang lumingon ni isa.
Tumingin ako sa kanan.
Tumingin ako sa kaliwa
Bumalik ako sa harap
Hinuli ko ang likodNilalakaran lang nila ako na parang isang abandunadong bahay
Takot pumasok dahil baka may biglang lumabas na multo
Multo ng takot
At anino ng nakaraanIlang beses ko silang tinawag
Pero dire-diretso lang ang lakad nila
Sinubukan ko silang habulin
Pero tila nakadikit ang sapatos ko sa sahigUnti-unti kong naramdaman ang init s aking paa
Nakatapak lang pala ako
Hindi pala sapatos ko ang nakadikit
Kundi ang talampakan kong napudpod na sa kalyo
Mahila lamang sila pabalik
At mapansin akong muli.
YOU ARE READING
Pile of Words
RandomThese are my collection of poems and story since I started writing. Random ideas of mine every time my mind and hands are itchy to write. I hope it will be your inspiration and strength and lesson in life. It is just my opinions and views in life...