"Calm her down, please."

Sabi ni Abby sa nurse and on cue may itinurok kay tita 'yung nurse that really made her calm down. Unti unti siyang nanghihina at nakakatulog but she didn't waste every second she's awake to tell me what kind of sht I am.

Nailabas na si tita ng hospital room at sumunod din naman si Abby.

I worriedly asked the nurse kung kamusta ang baby ko and she told me na nasa nursery and anak ko.

May lumapit sa akin na nurse na may dala dalang medicine kit. She started to heal my wounds and scratches. I wish she could heal my wounds inside.

Nang matapos akong gamutin lumabas na siya at ibinalik na rin si baby Gino sa crib niya.

I faced the mirror and then I saw how bad I look. Maga ang magkabila kong pisngi, I even have a wound on the left corner of my lips, and countless nail scratches.

I really deserve this.

Nabigla ako nang makita ko sa salamin si Abby. I turned around to face her.

"I'm sorry." Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

"Sue my Mom. Physical injury. Hindi kita masisisi."

Sabi niya without moving, ni hindi siya umalis sa may pintuan.

"I'm sorry" Again.

"Pero hindi ko din naman masisisi si Mommy."

"Sorry, Abby, sorry."

That's all I can manage to say. Sorry.

"Even a million sorry wouldn't change everything. You hurt Jam. Expect my Mom to act like that. Sue her. It's fine. Really fine."

After saying that she left.

Can someone sue me for hurting Jam's heart? Emotional injury o di kaya murder for killing his heart and for ruining his life. Sana meron nun. I'll accept a life sentence.

Sobrang galit si Miggy pagkadating niya kinagabihan. He even want to have revenge, an equal revenge. Hindi ko alam na maiisip niya 'yun sa nanay ng bestfriend niya na halos nanay na din niya.

Mabuti na lang at nadaan ko pa din siya sa pakiusap. Napakahabang pakiusapan.

I left the hospital after dinner. Nahirapan akong sumakay ng taxi so I decided to ride an fx rather.

After few minutes nakarating na din ako sa harap ng village namin. I decided to walk my way home.

I felt scared nang nakita ko na naman 'yung Ferrari na nakita ko kaninang umaga. I felt a bit nervous. I'm trying to convince myself na nagdadriving lesson lang 'yung sakay ng sasakyan na 'yun. But who am I kidding? Sinong matinong tao ang mag aaral magdrive gamit ang mamahaling sasakyan?

I reached our gate calling all saints I know.

Agad akong pinagbuksan ng gwardiya. Bumusina 'yung ferrari na kanina pa sumusunod sa akin. It caught my attention. Bumukas 'yung bintana ng sasakyan. And it took me seconds bago ko nakilala kung sino 'yung nagdadrive nun.

I hurriedly ran to him. Bumaba siya ng sasakyan and hugged me so tight.

We've been in that position for a couple of minute pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Jam..."

"I can't! I can't!" He screamed. Garalgal ang boses niya dahil na rin sa pagiyak.

"Jam. Go home. Hinahanap ka na ni Tita."

"No. I can't... Until... Until I have you back."

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin and tried to held my face, napaiwas ako dahil sa sakit.

"Who did this?"

"Wala, wala. Aksidente lang."

"My mom? Tell me... Siya ba?"

"No, no. It's not her."

Ilang 'no' pa ang kailangan kong sabihin just to convince him na hindi mommy niya ang may gawa niyo.

I don't want to act like a kid na nagsusumbong sa kanya.

"Come on. Let's run away."

Nabigla ako sa sinabing 'yun ni Jam. He looks so desperate... And wasted.

"Please... Run away with me. Let's go somewhere else."

Hinihigit ni Jam ang braso ko at pilit na hinahatak papalapit sa sasakyan niya.

"Jam! Ano ba!"

I shouted out of frustration. Doon lang siya tumigil sa paghatak sakin. Naguilty naman ako bigla nang makita ko 'yung reaction ni Jam.

"I'm sorry. Pero Jam, may anak ako.."

"Let's bring him with us."

"You don't get it Jam.."

"It's Miguel... That fcking sht, Miguel!"

Nagdabog siya sa bubungan ng sasakyan niya before he continue.

"You really love that sht! But I loved you more than he ever did!"

I can't spill a word. Hindi ako sanay na ganito ka frustrated at deperado si Jam. Alam ko dahil ito sa akin.

He shuts for a few minutes. Then held my face carefully. Iniingatan niyang 'wag akong masaktan. Why can't I do the same way?

"You loved me. Diba? Kahit konti. Kahit katiting, minahal mo ako. Tell me. You have feelings for me. Mahal mo din ako. That's enough. Even a bit is enough. That's fine with me. Kahit kaunti lang... Kahit kaunti lang."

"Jam I-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Hia kisses are gentle. Pero nung nagsimula na akong pumalag, it became harsh. Naging madiin ang pagkakahawak niya sa mga pisngi ko. Naging masakit din 'yun pagkakahalik niya sa mga labi ko.

Nang ayaw niya akong tigilan ginamit ko na lahat ng lakas ko para itulak siya at nagtagumpay naman ako doon. He was about to held me again but I stopped him with a slapped on his face.

"Jam! Tama na, pwede ba?! Hindi kita minahal! I never did! Ginamit lang kita! Hindi mo ba naiintindihan 'yun? I need someone to accompany me abroad kaya ako sumama sayo! That's it. Nothing more. Kaya pwede ba tigilan mo na ako. Bumalik ka na lang sa Paris and get busy with your own life! Stop running after me! Nagmumukha ka nang aso. Maawa ka naman sa sarili mo."

Pagkatapos kong sabihin 'yun agad na akong pumasok sa loob ng bahay at dumerecho sa kwarto ko. I poured my everything there. Galit ko, lungkot ko, sakit at pagod lahat iniiyak ko sa loob ng kwarto.

Hindi totoo lahat ng sinabi ko kay Jam. I just did that para tumigil na siya. He doesn't deserve me.

Oo minahal ko siya pero bilang kaibigan lang.

Kahit masakit para sa akin I throw him those words para matauhan na siya na hindi ako para sa kanya. Na may iba pang babae na kayang suklian lahat ng pagmamahal niya at hindi ako 'yun and I will never be.

Halos dalawang oras din akong nagkulong sa kwarto bago ako lumabas para silipin si daddy sa kwarto niya.

He's asleep. Mabuti iyon. I don't want him to see me looking like a sht. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko doon si Jam. Sitting beside his car. Walang bakas ng lakas akong nakikita sa kanya. And that stabbed me straight to the heart.

That's because of me.

I killed the Jam I used to know.

I'm sorry... I really am.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon