Chapter 38

12.4K 172 10
                                    

"Guillianne, andito na si Jam"

Pagkasabi nun ni Travis, nakita ko din agad si Jam na nasa may likuran niya. Lumapit si Jam sa akin at hinalikan ako sa noo.

"I miss you, Sweetheart"

Nginitian ko lang siya sa sinabi niyang 'yun.

"So... What do you want for lunch? I'm going out, baka may gusto kayong ipabili."

"Ah, Trav. Sa labas na lang kami kakain ni Jam"

"What? Gusto ko munang makalaro ang baby boy natin, Sweetheart."

Angal ni Jam habang hinihimas si baby Gino.

"Ayaw mo ba kong makasama?"

After saying that hinarap niya ko at nginitian.

"Are you jealous? Pati ba naman si Baby pinagseselosan mo?"

Ngumuso lang ako sa sinabi niyang 'yun. You don't understand Jam. Nagulat ako nang halikan niya ko. Naging malikot ang mga labi niya na parang humahalik sa estatwa.

Nagpekeng ubo si Travis. Doon lang humiwalay si Jam sa akin.

"Sorry, Pre"

Natatawang sabi niya. Tinignan ko lang si Travis at tinanguan niya ko. Maya maya lang ay nagpqalam na kami kay Travis at nagprisinta naman siya na siya muna ang bahala sa hospital.

"Namiss mo talaga ako, noh?"

Tanong ni Jam, habang kinakabit niya 'yung seatbelt ko. Naguiguilty ako, ang bait bait sa akin ni Jam. Namalayan ko na lang na pinunasan niya ang magkabila kong pisngi, umiiyak na pala ako. Ang traydor naman ng luha ko, ni hindi ko nagawang pigilan.

"What's wrong?"

I composed my self bago ako magsalita.

"Nagugutom na ko, gusto ko ng bulalo."

Natawa siya bigla at iniling iling ang ulo.

"Last time, you're crying because of your fruits, and now, dahil nagugutom ka na at gusto mo ng bulalo? You're really a cutie, Sweetheart."


Ngumuso lang ako. Naalala pa pala niya 'yun.

"Saan ba may masarap na bulalo?"

"Tagaytay"

Nagulat siya sa sagot ko. At bago pa man siya magsalita ulit inunahan ko na siya.

"Please..."

"Fine. You missed me that much, huh?"

Inayos na din niya 'yung seatbelt niya bago binuhay 'yung engine ng sasakyan.

Ilang minuto rin kaming tahimik habang nakikinig sa mga instrumental song sa player ni Jam.

"Thank you for everything, Jam."

Hininaan ni Jam 'yung music bago siya nagsalita.

"I'm sorry. What are you saying?"

"Sabi ko, thank you"

"For what?"

"Ahm... Kasi... Pumayag ka na sa Tagaytay tayo kakain."

Nginitian niya lang ako at nilakasan na ulit 'yung music ng sasakyan.

"Sweetheart?"

Nagising ako sa tawag ni Jam habang tinatapik 'yung pisngi ko. Nakatulog pala ako.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon