Chapter 7

17.9K 261 10
                                    

"F.uck. What happened?!" nagising ako sa sigaw na yun ni Miggy. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot iyon. 

"Iha. Cover yourself" nagulat ako sa sinabing iyon ni tita. Bakit siya andito. Tinakip niya sa akin yung malaking unan. Nakita kong itinapis ni Miggy yung kumot sa katawan niya. Shet we're both naked. What happened?

Pumasok sa cr si Miggy at padabog na isinara yung pinto ng cr. Narinig kong nagsisisigaw siya sa loob ng cr. Samantalang ako naiiyak na ako sa nangyayari.

"Iha. Yung hot sauce?" Tarantang tanong ni tita at hinahanap niya yung hot sauce. Oh my gosh. Naaalala ko na. Ako pala ang may gawa nito, yung kagabi, ako ang may gawa.

"Eto eto na. Wait" lumapit si tita sa kinauupuan ko. Minantsahan niya yung kobre kama gamit ang hot sauce. Nagmamasid lang ako sa galaw niya. Kinakabahan kasi ako, ni hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nakabihis na si Miggy nang lumabas siya sa cr.

"Ma. Ano bang ginagawa mo dito!" galit ang nakikita ko sa mukha ni Miggy. Galit siya, sobrang galit siya.

"Iho, I went here to visit you. Miggy anak, kelangan mong panagutan si Guillianne, you just got her-. Anak ano na lang sasabihin ni Mr. Andres. Kailangan niyong magpakasal" itinuro pa ni tita yung mantsa na nilagay niya sa kobre kama. Nagdilim lalo ang muka ni Miggy. Nakakuyom ang mga kamao niya.

"Ma, can you just leave us alone."

"Anak, we need to fix this, kailangan niyong magpakasa-"

"Fine ma. Kasal kung kasal. Push the wedding but please leave us ma. We need to talk. We alone."

Tinanguan ako ni tita bago siya lumabas ng pinto. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Miggy is just walking back and forth. At ako naman ni hindi ko pa magawang tumayo sa kinauupuan ko, nahihiya kasi ako kay Miggy.

"What happened?" mahinahon pero madiin ang bawat salita niya. Wala akong maisagot sa kanya. Napakagat na lang ako ng labi. I am tounge-tied.

"Ms. Andres. You know, whatever happened between us last night was just because we're both drunk. Don't think that I wanted that." naramdaman kong tumulo yung mga luha ko. Nasaktan ako sa mga sinabi niya, paano kaya kung may nangyari talaga sa amin kagabi. I can't spill even a single word, all I can manage to do is cry.

"Fine! I will marry you. But don't expect that I'll be a husband to you" pagkasabi niya nun ay agad siyang lumabas ng kwarto. And I was left there, crying.

---

"Miggy, baka may gusto ka pang idagdag sa guest list para sa kasal natin" iniabot ko sa kanya, yung ginawa kong guest list. Pero hindi niya ako pinapansin.

"Sa food? Ano bang gust-"

"Pwede ba! Guillianne! Tigilan mo nga ako. Planuhin mo magisa yang kasal na gusto mo. Kung gusto mo isama mo si mama, kayo naman parehas may gusto nito diba?"

Naupo na lang ako sa couch na nasa bandang gilid ng opisina niya, 2weeks lang ang preparation nitong kasal and 1 week na lang ikakasal na kami. After nung nangyari sa Zambales agad ng sinimulan tong pagpaplano ng kasal namin. Kasal namin, pero parang magisa akong ikakasal dahil ayaw ni Miggy magbigay man lang ng kahit kaunting idea or opinion niya about our wedding. Puro ako na lang. Kung sabagay di ko naman siya masisisi dahil sa aming dalawa ako lang naman ang may gusto ng kasal na ito. Napipilitan lang siya dahil iniisip niya na may pananagutan siya sakin, dahil ang alam niya may nangyari sa amin, pero wala naman talaga everything was just a show

Ginawa ko lang naman yun para makuha siya. I really love him. And now that I am having him, that he's going to marry me, I will not waste the chance, kahit mahirap kakayanin ko I know, matututunan niya rin akong mahalin one day. One day.

"Come on." tiningala ko si Miggy.

"Ha?" taka kong tanong sa kanya.

"Let's go to the caterer" Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Totoo ba to? Sasama siya sa caterer? Para sa pagkain sa kasal namin?

"Tara na" pagkasabi niya nun nauna na siya, agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko, at sumunod sa kanya. Baka magbago pa ang isip niya.

"Thank you Miggy" sabi ko nang naabutan ko siya sa paglalakad.

"It's my responsibility"

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon