Chapter 36

13.4K 186 18
                                    

"Hi!"

Napatingin ako sa may pinto. May tao! Hello? Magkadikit pa din 'yung mga labi namin! Lalayo dapat ako kay Miggy pero hinawakan niya 'yung magkabila kong balikat.

"It's okay, just continue what you're doing. Hindi ako titingin, promise!"

Pumasok lang 'yung babae at naupo sa sofa. Mabuti na lang at umiyak si Gino. You're my life saver baby. Tinawag namin 'yung nurse at dinala na muna si baby nung nurse.

"Kuya Miggy? Ikaw 'yung nanganak?"

Nagmakeface lang si Miggy dun sa babae.

"She's Nics, my cousin."

Pagpapakilala ni Miggy dun sa babae. Pinsan pala niya. I offered my hand for a handshake.

"Hi, Nics. I'm Guil-"

"Guillianne, kilala na kita."

Putol niya sa pagpapakilala ko. Hindi niya pinansin 'yung kamay kong nakalahad, niyakap niya ako agad. Sweet.

"Ako?"

Naghiwalay kami ni Nics sa pagkakayakap at tinignan si Miggy na widely open ang mga braso. Natawa lang si Nics atsaka lumapit kay Miggy at niyakap ito.

Ang cute nilang magpinsan. Naupo ako sa sofa at pinanuod na lang silang dalawa mag usap.

"Ikaw a. Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit? I missed you."

Sabi ni Miggy habang pinipisil ang magkabilang pisngi ng pinsan niya.

"Ay ang sweet, nakakasuka."

Pagkasabi ni Nics nun ay lumayo agad siya sa kama. Agad ding tumayo si Miggy at hinuli ang pinsan niya. Para silang bata na halos maghabulan na sa loob ng kwarto at dahil maliit lang ang space agad nahuli ni Miggy si Nics binuhat niya ito na parang bagong kasal. Kung hindi lang sila magpinsan pagseselosan ko na yang si Nics.

Napansin ko na nagtataas baba ang mga balikat ni Nics. Bakit siya umiiyak? Agad akong lumapit. Baka nasaktan sa paghaharutan nila. Ibinaba ni Miggy si Nics sa may kama.

"Nakakainis ka talaga kuya!"

Tumawa lang si Miggy. Hinampas ko siya sa braso. Umiiyak na nga 'yung pinsan niya tinatawanan pa.

"Okay ka lang, Nics?" Tanong ko habang hinahagod 'yung likod niya.

"She's over acting"   Sinamaan ko ng tingin si Miggy pero parang walang talab sa kanya panay pa din ang tawa niya. Naupo na siya sa sofa.

"Nics? Ano bang masakit sayo?"

"Wala naman Guillianne, natakot lang ako. Takot ako sa heigths e."

Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Takot sa heights? Binuhat lang naman siya ni Miggy. Medyo OA nga.

Namalayan ko na lang na halos magwrestling na 'yung magpinsan sa may sofa. Ngayon ko lang nalaman na may playful side pala si Miggy madalas kasi ay masungit, tahimik at seryoso siya. But now with his cousin, ang saya niyang tignan. Patuloy pa din sila sa paghaharutan  Nahinto lang sila nang may pumasok na nurse.

"Ma'am may bisita po kayo"

Napaligon kaming lahat sa may glass window. Nabigla ako ng makita ko kung sino 'yung bisita ko. Mommy ni Jam.

Nagkatinginan kami ni Miggy. Umalis din kaagad 'yung nurse matapos naming magpasalamat. Nauna si Nics lumabas at sumunod naman kami ni Miggy na nakaalalay sa akin.

"Hi ninang"

Nagbeso sila tita at Nics. Sumunod si Miggy. Kapansin pansin ang seryosong mukha ni tita. Kinakabahan tuloy ako.

"Can I talk to Guillianne? Privately."

Umalis din naman agad sila Miggy at Nics.

Lumapit ako kay tita para makipagbeso pero bigla siyang naupo.

"Maupo ka."

Sinunod ko na lang ang sinabi ni tita. Ilang sandali rin kaming tahimik. Hindi ko magawang umimik dahil sa kabang nararamdaman ko. Wala rin naman akong maisip na sasabihin.

"Nanganak ka na pala. Kelan mo balak sabihin?"

"Tita hindi naman po sa gan-"

"What? Mabuti na lang at nalaman ni Abby. At least naipamalita niya sa amin, lalo na sa kapatid niya."

Wala akong idea kung paano nalaman ni Abby. Hindi naman sa ayaw kong sabihin, nahihirapan lang ako. Gusto kong itanong kung sino ang nagsabi kay Abby, pero mas minabuti ko na lang na manahimik.

"Si Miguel. Alam kong siya ang asawa mo, ang ama ng anak mo. Pero anong ginagawa niya dito?"

Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko magawang sumagot sa mga tanong ni Tita. Ni hindi ko rin magawang tumingin sa kanya dahil ramdam ko kung gaano katalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Alam mong matalik na mag kaibigan sila, Guillianne. Mula noon pa. Since they were kids. Pero anong nangyari? My son sacrificed their friendship para sayo. Sana alam mo din ang mga bagay na dapat mong isakripisyo. 'Wag mong gawing kabit ang anak ko. Hindi ko siya pinalaki at inalagaan para maging 2nd option ng isang babae, and I never wanted him to be."

Kinagat ko 'yung labi ko para walang ingay na makatakas dahil sa pag-iyak ko.

"I need to go."

Pagkasabi niya nun ay tumayo siya at nagsimula nang maglakad. Sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya saglit pero di niya ko hinarap.

"Anyway, maybe a week or two pa bago makabalik dito si Benjamin. He's busy with something."

Lumingon siya at nginitian ako. Ngiti na alam kong may ibig sabihin pero hindi ko alam kung ano.

"Or maybe with someone. We both don't know? But I guess that is MORE IMPORTANT"

After that I was left trying to stop my tears.

Alam kong mali lahat 'to. Pero ayokong mamili. Ayokong may masaktan. Ayokong may mawala. Not Miggy nor Jam. Parehas silang mahalaga sa akin.

--------

A/n: Hi! Thank you talaga sa reads and votes. And if ever na may gusto kayong sabihin about sa mga pangyayari dito sa Miguel. Feel free to comment :)

I love you all!!!!! :)

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon