Chapter 35

13.8K 197 7
                                    

"Miggy?" Tinapik ko siya ng kaunti sa pisngi. Magdamag siyang nakahiga sa sofa kaya malamang masakit na ang katawan niya. Kawawa naman, umuuwi lang siya sa kanila para maligo. Infairness naman sa kanya full time sa pagbabantay. Nakakadagdag ng pogi points ah.

"Hmmm?" Sagot niya. Ang cute niyang tignan kasi isang mata lang niya 'yung nakamulat, halatang puyat siya.

"Dun ka muna sa hospital bed mahiga"

Bigla siyang napabalikwas ng bangon.

"Bakit ka tumayo? Baka mabinat ka."

Marahan niya akong itinulak paupo sa kama at pinindot 'yung emergency buzzer na nakakonekta sa nurse's station. Natawa naman ako sa inasal niya.

"Miggy, normal delivery ako. Hindi ako inooperahan kaya pwede akong tumayo at maglakad lakad."

"Sir? Anong pong problema?"

Tanong ng bagong pasok lang na nurse.

"Nurse, sorry. Masyado lang nagpapanic 'tong asawa ko."

"Nurse, pwede ba siyang tumayo sa kama? Is it safe for her condition"

Napangiti ang nurse nang magsink in sa kanya kung anong ikinababahala ni Miggy.

"Oo naman sir, maganda nga po 'yung medyo naglalakad lakad siya e."

"Are you sure? I'll sue you if anything bad happens to my wife."

"Hay naku, Miggy. Para kang baliw."

Singit ko sa usapan nilang dalawa. Masyado na niya kasing tinatakot 'yung nurse.

"Sige na nurse, pasensya na sa istorbo. Thank you din"

"Okay lang po ma'am, it's part of my job."

"Yeah, that's really a part of your job. Kaya siguraduhin mo lang. Baka masayang 'yung ilang taon mong pinagaralan."

Yinapos ko siya sa braso na may kasamang kurot. Ang kulit e.

"Ah hehe, ikaw talaga, Love. Ang over protective mo."

Halos pagtulakan ko na palabas ng kwarto 'yung nurse para hindi na siya sungitan ni Miggy.

"Sige na nurse. Sorry ulit and thanks. Bye!"

Agad kong isinara 'yung pinto nang makalabas na 'yung nurse.

Nakita ko si Miggy na nakaupo sa hospital bed habang kagat kagat 'yung labi niya at namumula pa 'yung tenga niya. Anong nangyayari sa lalaking 'yun?

"Okay ka lang?"

Tanong ko sa kanya habang chinecheck 'yung noo niya. Mukha nga siyang ewan na iniiwas 'yung mukha niya. Mukhang normal naman 'yung temperature niya. Hindi siya sumasagot kaya naupo na lang ako sa tabi niya.

"You're being rude."

Conversation starter ko.

"Kinikilig ata ako."  Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?! Don't tell me, crush mo 'yung nurse?"

"Of course not."

"E, bakit ka kinikilig?"

"Don't expect me to answer that."

Natatawa ako sa itsura ni Miggy. Ang sarap asarin.

"Uyyy, binata na siya. May crush na!"

Sinusundot ko pa 'yung tagiliran niya na para ba kaming highschool.

"You called me Love."

Nahinto ako sa pang aasar sa kanya kasi biglang nagseryoso 'yung mukha niya.

"Love? Naghahalucinate ka na ata Miggy. Kulang ka lang sa tulog."

Sabi ko sabay iwas ng tingin. Gosh. Napansin pala niya 'yun, nahiya tuloy ako bigla.

"But I heard it."

I faked a laugh dahil wala na kong maisagot sa kanya.

"Forget it. I guess you're right, I better sleep"

Pagkasabi niya nun agad siyang nahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Sleep well, Love."

Agad siyang naupo at nagtanggal ng talukbong.

"Am I dreaming?"

Sinampal ko siya ng mahina.

"Oh my god! You really called me Love."

Napakagat na naman siya ng labi.

"Kinikilig ako."

Kinikilig din ako, Miggy. Feeling highschool lang talaga ako ngayon. Hello, Guillianne? May anak ka na.

"Sht! Nakakabakla."

Humarap siya sa kabilang side ng kama, kaya lumipat ako para makaharap siya.

"Hindi naman, Miggy. Kinikilig din ako."

Para kaming mga teen ager na nag aaminan na crush namin ang isa't isa. Nakakaloka.

"I love you, Love"

Bago pa man ako makapagreact sa sinabi niya, I already felt his lips againts mine.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELWhere stories live. Discover now