Chapter 24

16.2K 252 8
                                    

We had the whole ride very silently.

Hindi na muling nagsalita si Jam, at hindi ko na din siya kinulit kasi halatang halata naman sa itsura niya na hiyang hiya na siya, at ayoko namang ipahiya siya lalo, wala naman sa ugali ko ang ganoon. Pero natutuwa ako sa idea na gagamit siya ng mga strawberry scented products just to please me. Napakababaw, pero I should admit it, I'm liking every little thing he is doing. Tulad nga ng sinabi ko noon, feeling ko special ako dahil sa mga pinaggagawa niya. At sa loob ng mahigit na dalawang linggo na magkasama kami, tinotoo niya yung sinabi niya na sabihin ko lang daw kung anong mali sa kanya at pipilitin niya baguhin iyon or at least iimprove iyon. Such an effort.

At dahil doon naging maayos na ang samahan naming dalawa. Hindi na ako naiinis lagi sa kanya, in fact, we're always having a good time in my unit, hindi lang kaming dalawa, of course with his sister, si Abby. Nakikita ko din kung gaano siya kabait na kuya kay Abby, he's so caring and sweet kaya siguro siya gentleman and such a nice man kasi may kapatid siyang babae di tulad ni Miggy.

Ghad. Where the hell in my mind did I get his name. I thought his hundred percent forgotten. Pero kung sabagay, sinong niloloko ko? Imposible iyon. Paano ko siya makakalimutan ng ganoon kabilis? Wala pa ngang isang buwang matapos akong umalis ng Las Beritas at iwan siya. Tapos makakalimutan ko kaagad siya? Hindi siya madaling kalimutan. I can't just forget what I feel for him in that short period of time. Minsan nga hinihiling ko na maaksindente ako para mauntog 'tong ulo ko at magkaamnesia ako ng makalimutam ko na lahat ng ito.

Mahirap kalimutan, but I guess a single Sorry would be enough, para mapatawad ko siya, maybe that's the magic of love, ghad I hate this Montenegro effect on me.

Before I noticed it, nakalahad na ang kamay ni Jam sa akin, para alalayan akong bumaba ng sasakyan. I gladly accepted his hand.

"Napapadalas ata ang pagiisip mo ah. Don't stress yourself"

Nginitian ko na lang siya at hindi na sinagot pa because the place gets my attention. Maganda itong Victoria park, but I never thought na may igaganda pa ito, napaka festive ng itsura. Maraming mga ilaw at may tumutugtog na pop music. Nakakatuwa din yung mga tao na mukhang masayang masaya, mas marami ang tao ngayon compare sa ordinaryong araw, so it must be a special day.

"Do you like it?"

"Ahuh!" Iyon lang ang isinagot ko sakanya dahil busy ako sa paglinga linga sa paligid.

I faced him just to know na nakatitig pala siya sa mukha ko. Na concious naman ako bigla. May dumi ba sa mukha ko?

"Ano bang meron dito? Mukhang may fiesta?"  Tanong ko para mawala ang pagkailang ko.

"It's really a feast"

"Talaga?" Mangha kong tanong. It's my first time na makifiesta dito sa London, sa isang European place.

He nodded and smiled. He roamed his eyes, para namang nag twinkle ang mga mata niya, as if he's reminiscing a sweet memory.

"It's called Lovebox" He stated.

"It's a two day music and dance festival."  He continued.

"So... Babalik pa tayo dito bukas?"

"Exactly. Pero depende pa din sayo kung gusto mo. But sigurado ako na gugustuhin mong bumalik. You'll see circus performers, cabaret, and fringe acts. They also play indie, rock, world, and pop music tulad nitong tumutugtog, and of course mayroon ding orchestra"

Nakaramdam naman ako ng excitement dahil sa mga pinagsasabi ni Jam. Madalas kaming nagpupunta dito sa Victoria park para manuod ng mga outdoor music and theater play dahil parehas kami ni Jam na may interes sa mga ganitong bagay, theater, orchestra, etc. Pero sa lahat ng outdoor play dito sa Victoria park, ito yung pinaka bongga kung tawagin. Kaya nakakaexcite talaga.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon