Chapter 39

14.7K 196 16
                                    

"Just contact me, whenever you need anything, ah"

"Yes ma'am"

Sagot ng private nurse ni Daddy. Nakalabas na siya ng hospital pero hindi pa siya ganun kalakas, kaya he needs some professional care kahit nandito na siya sa bahay.

Pagkatapos kong pagbilinan 'yung nurse at mga kasambahay lumabas na ako para pumunta sa hospital.

Naglalakad ako palabas ng village dahil sa may gate pa 'yung pilahan ng taxi. May napansin akong ferrari na mabagal ang takbo. Sobrang tinted 'yung mga salamin ng sasakyan kaya di ko maaninag 'yung loob nun. Nakaramdam ako ng kaba, para kasing sinusundan ako nung sasakyan.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit na may kaba akong nararamdaman. Alam ko naman na secured ako sa lugar namin.

Nakarating ako ng gate ng village na halos kasabay ko 'yung sasakyan. Agad akong sumakay sa taxi na nakita ko. Sinabi ko ang pangalan ng hospital at agad din kaming umalis.

Mga dalawang kanto pa ang nadaanan namin bago nagiba ng way 'yung sasakyan. Doon ako nakahinga ng maluwag. Pinadaan ko muna 'yung taxi sa isang resto para magtake out ng lunch para sa amin ni Miggy.

Pagkarating ko sa hospital na abutan ko si Miggy na nagbabasa sa couch. Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi. Nilapitan ko naman si baby Gino na mahimbing na natutulog.

Inayos ko 'yung dala kong pagkain. Nagsabay na kaming kumain ni Miggy.

After eating lunch agad na rin siyang umalis. He needs to attend an important meeting. Bilib naman din ako sa kanya, on how he manages his time. Kulang na nga lang hatiin niya 'yung katawan niya. Shifting kaminh dalawa sa pagbabantay kay baby Gino. Actually mas mahaba pa nga 'yung oras niya kaysa sa akin e. Basta ako simula lunch time hanggang after dinner. Pinakamatagal ko nang stay is before midnight. And the rest of the day siya na ang bahala.

Nang magising si baby Gino I called a nurse to help me in breastfeeding. Hindi pa kasi ako ganun kacomfortable magpabreastfeed. And most of the time bina-bottle feed namin si baby pero breastmilk ko pa din naman iyon.

After making baby Gino burp I had some cuddling time with him bago siya nakatulog.

I was kinda bored so I get the newspaper and read it.

I didn't even noticed that I feel asleep at the sofa.

After some time, nagising ako sa kalabog ng pinto. Agad akong napatayo dahil umiyak si baby Gino malamang ay nagulat siya sa pagbagsak ng pinto pero bumalik rin ako sa pagkakaupo dahil sa malakas na sampal na dumapo sa pisngi ko.

"You btch! Hayop ka! I can't find my son because of you! Evil!"

Ilang sampal pa ang natanggap ko bago may pumasok na nurse sa kwarto.

"Just take my baby out of here."

I managed to say kahit na halos mahalikan ko na 'yung sofa. Agad din namang sumunod 'yung nurse. Bago pa man mailabas ang baby ko dito sa kwarto dumating din si Abby.

I felt scared for my baby dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Abby was trying to make her mom calm down. Pero parang di 'yun sapat. Tinatanggap ko lahat ng sampal, sabunot at kalmot ni tita. Tinanggap ko lahat ng masasakit na salita niya. I don't want to protect my self from her. I know I deserve this. I deserve much of this. Pero kahit alam kong deserving akong saktan I can't keep my self from crying.

Nalayo lang sa akin si tita nang may dumating na lady guard at dalawa pang nurse. Pilit pa din niya akong inaabot kahit na hawak na siya ng lady guard at isa pang nurse.

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon