Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart

Начните с самого начала
                                    

"Bakit? Para sa'n?" Walang emosyong tanong nito. "Wala naman tayong dapat pag usapan ah."


"Meron." Mabilis na sagot ni Helaena.

"Tsaka bakit mo pa'ko sinundan dito? Bakit hindi na lang si Bryant ang puntahan mo?"


"Don't be so childish."

Tumayo mula sa pagkaka upo niya si Brylle. "Ako pa ngayon 'tong childish? Nakita kita, kasama mo si Bryant. Sweet na nag uusap. Anong gusto mong isipin ko dun?"


"Alam mo? Hindi kita maintindihan. Ang labo mo!" Inis na sabi ni Helaena. "Ayaw mong nakikita akong kasama si Bryant, pinag babawalan mo'kong makausap siya. Bakit? Eh hindi naman tayo." Prangkang sabi nito. "Tsaka pano naman tayo magkakaro'n ng relasyon kung hindi mo naman ako niligawan at lalong hindi mo pa sinabi sa'kin na mahal mo'ko." Malakas na sabi niya sa huling linya.


"Mahal kita!" Mabilis na sabi ni Brylle.

Kapwa yata sila nabigla sa sinabi ni Brylle at natahimik na lang sila bigla at nag tinginan na lang.

"Ma—mahal mo'ko?" Nauutal pang sabi ni Helaena.

"Noon ko pa pinaparamdam sa'yong gusto kita, na mahal kita. Pero bakit tila hindi mo maramdaman 'yon?" May pang hinanakit na sabi ni Brylle. "O matagal mo ng nararamdaman pero binabalewala mo lang dahil nandiyan si Bryant? Dahil siya naman talaga ang gusto mo."


Hindi makapag salita si Helaena at bigla na lang may luhang tumulo sa mga mata niya. At tuloy-tuloy na ngang dumaloy ang mga luha sa pisngi niya. Hindi siya makapag salita, patuloy lang siya sa pagluha. Hanggang sa tinalikuran at iniwanan na siya ni Brylle.

Lasing ng umuwi sa kanila si Brylle nang gabing 'yon. Papanhik na sana siya sa kanilang grand staircase nang makita niya si Bryant na galing sa direksyon ng kanilang kitchen. Bigla niya itong nilapitan at tinignan ng masama.

"Kasalanan mo ang lahat. Lahat na lang inagaw mo sa'kin." Galit na sabi ni Brylle sa kapatid.

"Ayokong makipag talo sa'yo." Ani Bryant. "Lasing ka, matulog kana lang." Nakaka isang hakbang pa lamang siya nang tinulak siya pabalik ng kapatid.

"Alam mo ba ang pakiramdam ng laging kinukumpara sa'yo? Na sa lahat na lang ng bagay ikaw ang magaling, ikaw ang matalino, ikaw ang mabait na anak." Hinanakit na sabi ni Bryant. "At ako ano? Ako ang masamang anak, ang walang kwenta, ang mahina." Gusto ng tumulo ang luha sa kanyang pisngi, pero pinipigilan lang niya. "Simula pa pagkabata, na sa'yo na lahat ng atensyon. Ikaw ang paboritong anak. Ikaw ang gusto ni Dad. Kaya hindi mo'ko masisisi kung bakit ganito ako ngayon sa'yo."

"Brylle, kapatid kita, at kahit kailan hindi ko inisip na magka kompitensya tayo sa lahat ng bagay. Buong buhay ko inintindi kita, tiniis ko lahat ng ginagawa mo. Umaasa na balang araw magkaka ayos tayo at mag iba ang trato mo sa'kin."


Umiling si Brylle sa mga sinabi ni Bryant. "Kahit kailan hindi mangyayari ang gusto mo. Inagaw mo sa'kin ang lahat. Si Dad, si Venice at ngayon ano? Gusto mong agawin sa'kin si Helaena? Bakit? Para walang matira sa'kin? Para ipamukha sa'kin na habang buhay ay talunan ako?"


"Wala akong inaagaw sa'yo. Ikaw lang ang nag iisip niyan." Depensa ni Bryant sa kanyang sarili. "Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nililigawan si Venice? Dahil ayokong masaktan ka, dahil alam kong mahal mo siya at masakit sa'yo kapag naging kami. Noon pa ikaw na ang iniisip at pinoprotektahan ko, pero tila hindi mo makita yun dahil binubulag ka ng sarili mong galit sa'kin."


"Oo hindi mo nga siya niligawan dahil si Helaena naman ngayon ang balak mong ligawan. Bakit ba lahat na lang gusto mong kunin sa'kin?" Napapalakas na ang kanyang boses. "Kung totoong iniisip mo ang kapakanan ko, dapat pinapabayaan mo kami ni Helaena. Pabayaan mo'kong maging masaya sa kanya. Pero hindi, dahil magsimula nang malaman mong mahal ko siya, pilit kang dumidikit, pilit kang sumisingit para makuha ang atensyon at pagmamahal niya."


"Alam mo, Brylle? Sawang sawa na'ko diyan sa kakitiran ng utak mo. Sige, kung pinipilit mong inagaw ko sa'yo lahat, bahala ka. Wala kayong relasyon ni Helaena diba? Mag hintay ka, baka sa susunod na araw siya na ang ipakilala kong girlfriend sa'yo. At wala kang ibang gagawin kundi panoorin kaming magmahalan."


Napuno na ng tuluyan si Brylle sa kapatid, lalo na sa mga huling sinabi nito kay Helaena kaya agad na dumapo ang kamao niya sa mukha ng kapatid.

"Hindi mo siya makukuha sa'kin. Hindi." At sinuntok niya ulit ang kapatid.

"Tama na, Brylle. Tama na." Awat nito sa kapatid. Hangga't maaari, ayaw niya itong patulan. "Tumigil kana." At tinulak niya ito palayo sa kanya. Sabay punas sa dugo sa may labi niya na napuruhan nang suntukin siya ng kpatid.


"Lumaban ka. Suntukin mo din ako." At pilit siyang lumalapit ulit sa kapatid, pilit din naman siyang tinutulak nito. "Bakit ayaw mong lumaban ha? Bakit? Natatakot ka kay Dad? Natatakot kang malaman niya na ang mabait at paborito niyang anak ay kayang makipag away at makipag suntukan sa tarantadong kapatid niya? Ha?!"


"Tumigil kana. Tama na."


"Ayaw mo'kong suntukin dahil gusto mong ikaw lang ang mag mukhang kawawa sa lahat. At ako na naman syempre ang may kasalanan."


"Huwag mo'kong bigyan ng dahilan para labanan nga kita."


"Duwag ka. Nagatatago ka lang sa anino ni Dad. Ginagawa mo ang lahat hindi para sa saril mo o para sa'kin, ginagawa mo lahat para ma please si Dad. Ayaw mong magkamali, dahil natatakot ka sa kanya."


"Tumigil kana, Brylle." Sigaw ni Bryant sa kapatid.


"Ayaw mong marinig ang katotohanan? You're not really the goody-good-guy that everyone knows. You're a fake. You're a big fake, Bryant!"


Pati si Bryant ay napuno nadin sa kapatid kaya sinugod na niya ito at sinuntok na din. At dun na nga nagsimula ang malaking away sa pagitan nila. Halos magising na ang lahat ng tao sa bahay nila sa ingay nila. Linapitan sila ng mga katulong at bodyguards para awatin, pero syempre walang magagawa ang mga katulong.

Nang bigla na lang may nahulog na vase sa living room mula sa 2nd floor ng bahay.

"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa. Kayo ang ihuhulog ko at ipapatapon sa labas ng mansion na'to." Biglang sigaw ng nakatatandang Samaniego na nasa 2nd floor malapit sa grand staircase na siya palang nag hulog ng vase.


Tumigil sa pag aaway ang dalawa na kapwa may pasa ang mukha at may dugo sa mga labi nila. Agad na nilapitan ni Mrs. Samaniego ang dalawa niyang anak. Siya rin ang pagbaba ni Mr. Samaniego.


"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Alalang tanong ng kanilang Mommy.


"Nakakahiya kayo pareho." Galit na sabi ni Mr. Samaniego. "Hindi niyo na ginalang ang pamamahay ko. Kung ano man yang pinag aawayan niyo, itigil niyo na." Utos nito sa dalawa.


"Sorry, Dad." Ani Bryant,


"Ano ba kasing pinag awayan niyo? Ha"? Tanong naman ng Mom nila. Hindi nito alam kung sinong mukha ang hahaplusin. Palipat lipat siya kay Brylle at Bryant. Alalang alala sa mga nangyari.

"Tanungin niyo yang magaling niyong anak." Pabalang na sagot ni Brylle tsaka na siya humakbang papunta sa hagdanan nila.


"Brylle!" Galit na tawag ng Dad nito.


"Kasalanan ko ang mga nangyari. Kasalanan ko kung bakit kami nagsuntukan. At walang kasalanan si Bryant. Mabait yan eh." Sarkastikong sabi nito. "Siya naman talaga ang mabait niyong anak. At ako ang masamang anak, hindi ba? Kaya isisi niyo sa'kin ang lahat."Dugtong pa nito tsaka na siya pumanhik sa taas.


Hindi sumagot si Mr. Samaniego at hinayaan na lang niya ang anak niyang si Brylle.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN: Been watching Papal Visit while doing this chapter. Bienvenido Pope. I feel so blessed, we all feel so blessed. His smile was so sincere. We love you Pope Francis.

My Guardian DevilМесто, где живут истории. Откройте их для себя