Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano?" Tanong ni Helaena na tila ba pinapa ulit ang sinabi ni Bryant.


"May relasyon ba kayo ng kapatid ko?" Ulit na tanong ni Bryant.


Hindi agad nakasagot si Helaena sa tanong ni Bryant. Tinignan niya din si Brylle. At bakas sa mukha nito na nag hihintay din siya ng sagot mula sa kanya.


"Wa—wala. Wala kaming.... relasyon ni—ni Brylle." Tsaka siya nag iwas ng tingin kay Brylle. At naramdaman na lang niyang unti-unting binibitawan nito ang pagkaka hawak sa braso niya.

Parang na dismaya si Brylle sa naging sagot ni Helaena at para din siyang napahiya kay Bryant kaya bigla na lang siyang umalis at nag walk out.

Nilingon ni Helaena ang papalayong si Brylle. Gusto niya itong pigilan at sundan. Nang biglang pumasok na lang sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Cahli.


"Alam mo, kayo ni Brylle kapwa in-denial. Nag hihintayan kung sino ang unang aamin. Halata namang gustong-gusto niyo ang isa't-isa, hindi pa kayo mag aminan. Kung ayaw mong mawala si Brylle sa'yo, gumawa kana ng paraan. Bahala ka, minsan lang dumating sa buhay ng tao ang true love. Kapag pinakawalan mo pa yan. Naku! Baka mag end-up ka sa maling relasyon and worst baka tumandang dalaga ka."


At parang isang sirang plaka ang mga sinabi ni Cahli at pa ulit-ulit 'yung pumasok sa utak ni Helaena. At bigla ding pumasok sa isip at puso niya ang mga away-bati na eksena nila ni Brylle pati na din yung oras na muntikan na silang mamatay.


"Elle?" Tawag ni Bryant nang mapansin nitong tila may problema.

"I'm sorry, Bryant, pero kailangan kong sundan si Brylle." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Bryant at mabilis na siyang naglakad palayo para sundan si Brylle.

Agad na hinanap ng mga mata ni Helaena si Brylle. Kung saan ito nagtungo matapos na mag walk-out siya kanina. Agad siyang nagtungo sa pool area nang may nakapagsabi sa kanyang nakita nilang pumunta doon si Brylle.


Pagdating sa may pool area nakita niyang pinalilibutan ng swimming team na babae si Brylle. Naka swimsuit pa man din ang mga ito at tila katatapos lang ng praktis nila. Humawak si Helaena sa may bandang chest niya, tila may kakaiba siyang naramdaman ng makitang may kasamang mga babae si Brylle. Selos. Tama, nagseselos siya.


Agad siyang lumapit kung nasa'n si Brylle. "Brylle Lauren Samaniego." Malakas na banggit nito sa buong pangalan ni Brylle. "Mag usap tayo."

"Oh! No. The bitch is here." Sabi nung isang babae na narinig naman ni Helaena pero binalewala na lang niya 'yun, dahil si Brylle ang pakay niya.


"Don't mind her." Sabi ni Brylle na nakaupo sa beach chair kung saan siya pinapalibutan ng mga babaeng swimmer. "Ano na nga ba ang sinasabi mo?" Tanong nito sa isang babae. "Let's go on a date tonight? All of us?" Dugtong pa nito.


Parang biglang nag init ang dugo ni Helaena pagkarinig sa mga sinabi ni Brylle. "Hoy, mga babaeng haliparot!" Sigaw nito. "Umalis kayo dito ngayon, kung ayaw niyong isa-isa ko kayong paglulunurin dito sa pool." Pananakot nito sa mga swimmers.

"Duh! We're swimmers." Sabi naman nung isang babae at ini-snob niya si Helaena at nagtawanan sila ng kanilang mga kasama.


"And I'm a slut killer." Ganting sabi ni Helaena. "Alis!" Sigaw nito na ikinabigla ng mga swimmers.

"Tara na nga, girls." Yaya nito sa mga kasama. "Panira 'to ng moment eh. Tss" At umalis na nga sila don at iniwan sina Brylle at Helaena.

"Brylle, kailangan nating mag usap."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon