"Hindi pa po, nasaan po ba siya?"

"Nasa taas at akyatin mo na lang hindi pa rin 'yon bumababa."

"Sige po," nag paalam muna ako bago umakyat, mabilis kong nahanap ang kwarto ni Vio at kumatok.

Ilang ulit pa akong kumatok ng walang magbukas non. Pinihit ko ang sedura at ng makitang hindi yon nakalock ay pumasok na ako. Gusto kong batuhin na lang bigla si Vio sa ayos niya. Parang hindi siya ang may birthday at prente lang siyang nakadapa sa kama niya habang nakasuot ng headphone at naglalaro sa cellphone niya. Inilapag ko sa sofa ang paper bag na may laman na gift ko.

Lumapit ako at kumuha ng unan at saka 'yon binato sa kaniya. Gulat siyang tumingin sa'kin.

"Aba magaling ka talaga! Ang daming naghihintay sa'yo sa baba tapos nandito ka lang at naglalaro! Tumayo ka diyan bilis!" sermon ko at binato ulit siya ng unan.

"Ano ba!"

"Anong ano ba? tumayo ka diyan at bumaba ka na don!" sabi ko at saka siya hinila patayo.

"Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang at saka bakit bigla ka na lang nawala kanina?" masungit niyang tanong.

Tinanggal ko ang headphone niya at saka inayos ang suot niyang polo, pinagpag ko 'yon para mawala ang gusot.

"Kasi nga kailangan kong bumili ng regalo."

"Sabi ko naman, kahit 'wag na tsk," arte niya.

"Sus, talaga? Sige edi hindi ko na ibibigay," nakangiti kong sabi at saka inayos ang buhok niya.

"Ibigay mo na! nakabili ka na, e," nakanguso niyang sabi. Marahan ko siyang tinampal at saka kinuha sa sofa ang regalo ko. Iniabot ko 'yon sa kaniya.

"Happy birthday, baby damulag ko," sabi ko at saka pinisil ang pisngi niya.

Wala siyang imik at nakatingin lang sa regalo ko. Natawa ako at saka siya pinaupo.

"Ano pa ang hinihintay mo? Buksan mo na," sabi ko

"Tsk, mas excited ka pa sa'kin."

"Baliw! para ka kasing tanga diyan at nakatitig lang."

"Wow! Makatanga siya! baka birthday ko diba? Tsk," sarcastic niyang sabi na ikinatawa ko lang.

Inilabas niya ang kahon at kinuha ang card doon, akmang bubuksan niya 'yon ng hawakan ko ang kamay niya.

"Oopss mamaya mo na 'yan basahin pag mag-isa ka na lang."

"Ang daming alam," sabi niya. Panira talaga siya kahit kailan.

Nanuod lang ako sa kaniya habang binubuksan niya ang box, hinawi niya ang telang nagtatakip sa loob na yon at saglit siyang natigilan ng makita ang loob niyon.

"Bakit box na naman?" tanong niya

"Sira! style yan!"

"May pa tela ka pang nalalaman tapos box lang pala tinatakpan!" sabi niya habang natatawa.

"Panira ka! buksan mo na lang dami mo pang sinasabi."

Tinanggal niya ang naunang box at saka binuksan ang pangalawa napatingin siya sakin ng makakita ulit ng tela akala niya yata ay binibiro ko lang siya kaya sinenyasan ko siya na ituloy lang. Nang mahawi ang tela ay natigilan siya ng bumungad ang photo album doon. Hindi nakaligtas sakin ang pagpipigil niyang ngumiti, inilabas niya yon at saka tinignan ang cover bago ang loob.

Seryoso lang siya habang tinitignan ang pictures niya doon at saka ang pictures naming dalawa sa may bandang dulo. Tahimik lang ako at nanunuod sa bawat galaw niya. Matapos 'yon ay binuksan niya ang ikatlong box at kinuha ang maliit na box mula doon binuksan niya 'yon at bumungad ang keychain kasama ang card na may nakasulat na My Coffee Addict. Mahina siyang natawa doon.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora