"Bagsak na grado kapag hindi ka nag-aral at inuna mong poblemahin 'yang damit na susuotin mo." Sagot ni Michelle na may halong pananankot ang boses.

Napatigil si Vina sa pagngisi at napalitan ng pangamba ang mukha nito. "Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin e." Mahinang saad nito.

Natawa kami sa sinabi nito. She looked very excited for Christmas that she forgot the obstacles that will come up on her way before reaching the real happiness. Ako rin naman excited kasi favorite month ko 'yon dahil nakakatanggap ka ng presents from different persons, pero dito muna tayo sa exams. 

"Mich's right, we still need to take our exams. Stress muna bago saya." Gantong ni Millie.

Nawala ang mga ngiti at saya namin nang marinig ang mga iyon. Napanguso kami at nag iwas tingin.

"Pinaalala mo pa kasi Mich e." Reklamo ni Vina.

"What? I'm just reminding you." Mich shrugged and chuckled.

"Tama si Mich. At tsaka siguradong maraming gawain pa ang ibibigay ng mga profs natin sa mga susunod na araw lalo pa't bakasyon na." Dagdag ko.

Nagpatuloy na ulit kami sa pag aaral dahil pabilis nang pabilis ang takbo ng oras para sa susunod naming pasok. Hindi ko na mahagilap si Nate kaya nag-focus nalang ako sa pag aaral. Makikita ko nalang naman 'yon e kasi bigla bigla ko nalang 'yon makakasalubong.

"Class, I will give you another another task.  This will be the for the whole section."

Nakahinga kami nang maluwag nang malamang para sa lahat ang task, ngunit mayro'n din ibang nagreklamo na kesyo magulo raw.

"Prof, siguradong magulo po 'yan." Depende.

"Marami po ang hindi tutulong at aasa na lang." Bato bato sa langit, ang matamaan, 'wag magalit.

"Prof, by group nalang." Hmmm.

The room went noisy because of their complain and different reactions. Tahimik lang ako kasi wala namang problema sa 'kin kung by group or hindi basta alam kong tutulungan ako ng mga ka grupo ko, pero mas maganda pa rin kapag lahat para maraming katulong at mas masaya.

"Hay naku, siguradong magulo kapag lahat tayo ay pinag-isa ni prof." Mich whispered. Hindi pa naman sinabi ang task e kaya hindi pa ako nakaka pagdecide kung ano talaga ang mas mabuti.

"Prof, anong task po ba?" Tanong ni Jia.

Nilibot ni prof and tingin sa aming lahat bago sumagot. "We will be having a gallery walk. All courses will do it but you have different topics to choose for the content of your gallery."

Ano raw? 'Di ko gets. Even my blockmates were mumbling something because of confusion. Jia stood up to ask.

"Ahh 'yung mga topic po natin sa libro, 'yon po ang pagpipilian namin para sa content namin sa gallery. Gano'n po ba, Prof?" Pagkaklaro nito.

Nagliwanag naman ang mga mukha ng mga kaklase ko nang unti unting maklaro ang lahat. Palakas na palakas na ang mga boses nila na sumakop sa buong silid. Iba iba ng mga opinyon at mga ideya.

Jia stood up again to talk. "Kailangan pala nating makapili ng aralin sa lalong madaling panahon, para hindi maagawan ng ibang departments." Announce nito.

Tama. Konti lang ang nacocover namin ngayong sem kaya baka maunahan kami sa mga aralin lalo pa't marami kaming mga departments. At tsaka, mas mabuti nang makapili nang mas maaga, baka swertehin kapag maunahan. Marami pa ang dapat pag-planuhan at pag-isipan para sa gagawin din.

"Prof, sure ka po bang wala pang nakapili ang ibang departments? Baka mamaya 'yung mapili namin e nakuha na pala nila." Tanong ni Jas na agad na sinangayuan ng lahat.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now