Chapter 21: Pogi Problems

Magsimula sa umpisa
                                    

Idi-nial ko na ang number niya. Hindi ko alam kung naka-save ba ang number ko sa phone niya, pero mas malaking advantage siguro kung hindi naka-save para sagutin niya. Haha! Pero syempre kung naka-save edi kilig-kilig ako (yuck ang bading lang pakinggan!), mamaya kasi sobrang ganda ng pangalan ko dun sa contacts niya e.

Ang tagal talagang sumagot ng babaeng to kahit kailan. Makailang ring pa ayun sinagot niya ang tawag. Yes! Ibig sabihin may pag-asang maging kami! Magbunyi. Magpapa-party ako.

Pinaghandaan ko talaga ang sasabihin ko sa kanya bago ko siya tawagan. Kaya lang hindi ko din alam kung bakit ko siya kinantahan ng ubebe i love your way ni James Reid. Pambading p*t@! Alam kong corny, e ano ngayon? Pagdating naman sa pag-ibig walang pinipili yan eh.

~~

Sa school

Nandito ako ngayon sa may hallway medyo malayo sa classroom namin. Habang pinagmamasdan ang siraulong papalapit sa akin. Kung makalapit sa mga babae feeling niya siya ang heartthrob ng campus namin. Mabatukan nga ng isa ng matauhan sa pagiging mahangin.

"Yow wazzup dude?" lakas ng topak nitong bestfriend ko na to eh, palibhasa M.U. na sila ni Trish niya e.

"Kadiri ka dude para kang tambay sa kanto dahil sa 'Yow Wazzup dude' mo na yan. Eeew! Get lost." pagbibiro ko sa kanya, napa-poker face naman siya. Hahaha!

"Tumigil ka nga diyan. Bitter ka lang e. Kasi kami ni Trish KO may progress. E kayo ni my labs mo? Bwahahaha--ARAY!" binatukan ko nga ang ingay-ingay kalalaking tao e

"Manahimik ka nga. Kung maka 'TRISH KO' ka naman diyan feeling mo kayo na? Bakit sinagot ka na ba? Hindi pa naman di ba? Di ba? Kumag na to. Huwag kang masyadong ilusyunado diyan baka mamaya busted-in ka din niyan sa huli. BWAHAHAHA!" tinawanan ko nga ng pagkalakas-lakas, maasar lang siya.

Napatigil naman ako sa pagtawa ng bigla siyang ngumisi. Tumingin ako sa likod ko, dun kasi siya nakatingin. So.. kaya pala, sila Lexinne at ang dalawa niyang alipores lang pala. Kung sino si Lexinne? Si Precious Lexinne Fortillano lang naman ang numero uno kong die-hard fan, ultimate na may crush sa akin, president ng club kung saan ako ang iniidolo ng club na iyon, maldita, mataray, prangka at higit sa lahat ang ultimate basher ng mga babaeng nali-link sa akin.

(See picture at the right side ^__^ ----->)

Kaya hindi na ako magtataka kung i-bash man nila si Lexa at Trish dahil parehong nali-link sa akin yung dalawa. Well, si Trish kababata ko kasi at si Lexa ay ang fake girlfriend ko. Ang pagkakaalam ko wala si Lexinne dito ng halos one month din dahil sa school works. Yeah, kahit maldita ang babaeng yan may katungkulan pa din siya sa school. Kasama siya sa mga Journalizing students dito sa school namin.

"Well, well, well.. kamusta naman ang boyfriend/girlfriend RELATIONTRIP niyo ni Alexa Mae Fuentes Buenaventura?" grabe talaga ang galamay nitong babaeng ito, pati full name ni Lexa alam niya ha? Ni hindi ko nga alam ang middle name niya eh. At ano daw? RELATIONTRIP?

"It's none of your business." masungit kong sagot na ikina-ngisi naman ni Matthew

"Tsk. Tsk. Tsk. Baby naman one month lang akong nawala may iba ka na agad?" sabay hawak niya sa braso ko

"Ano ba bitiwan mo nga ako! And watch your words. Ano ba kita para ipaalam ko sayo kung may girlfriend na ako o wala? Nanay ba kita, ha?" kitang-kita mo ang inis sa mukha niya dahil sa pamumula. Napatawa naman ng pagkalakas si Matthew kaya't napatingin si Lexinne dito

"Why are you laughing?! Do I look like a clown for you to laugh?" malditang tanong niya

Nag-act naman si Matthew na isi-zip na parang zipper ang bibig niya pero ngumingisi pa din ang loko. Hindi din naman kasi kayang patulan ni Lexinne si Matthew, takot na lang niya sa pinsan niyang yan. Haha! Eh simula pagkabata binu-bully na niya si Lexinne kaya hanggang pagtataray lang siya diyan e.

"Hmp! You're so nakakainis naman kasi Kuya Matthew eh! Why are you so ganyan ba? Don't you know I'm hurt now? Your bestfriend is hurting my precious heart!" loka-lokang babae talaga. Kay tali-talino e napaka-conyo

"Hey hey! You stop nga sa ka-conyohan mo. You're like maldita kapag nagsasalita ng ganyan. Hahaha!" isa pa tong siraulo e, gayahin ba daw ang ka-conyohan ng pinsan niya

"I know right. I'm maldita, always maldita and will always be maldita Kuya."

Sabay hampas ni Lexinne sa braso ni Matthew, kaya sige ang aray niya. Haha! Loko loko kasi pinagtri-tripan ang pinsan niya.

Maya-maya bigla naman pumulupot sa braso ko si Lexinne, Junior student lang siya dito sa campus namin kaya mas matanda kami sa kanya.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at tumikda saka ako niyakap ng sobrang higpit. Papatayin yata ako ng babaeng ito eh. Hanep makasakal, este makayakap. Nakababatang kapatid lang ang tingin ko sa kanya kaya walang malisya sakin yung yakap niyang yun.

Pero ng may biglang umubo sa may bandang unahan namin, napatingin ako at napalayo ng mabilis kay Lexinne na siyang ikinatumba niya sa sahig.

"Ouchyyy! Ano ba baby? Why did you tulak-tulak me? My pwet is ouchy tuloy!" reklamo niya pero hindi ko siya pinansin. Sa direksyon niya lang ako nakatingin. Sa direksyon ng babaeng mahal ko. Sa direksyon kung saan kitang-kita ko ang blank expression ng kanyang mukha.

Ni hindi manlang siya naapektuhan sa yakap ni Lexinne? Sabagay hindi naman niya kilala si Lexinne. Ugh!

Pero bakit gano'n yung hitsura ni Trish, parang nagsasabi na ihanda ko na daw ang shield ko or di kaya eh magbigti na ako, or worse tumalon na ang ako sa bangin na puno ng maraming bubog at matatalim na bagay. Weird.

Biglang naglakad palayo si Lexa saka sumunod si Trish. Padabog ang hakbang ni Lexa? Bakit kaya? Naku naman, may nagawa na naman ba akong mali?

Ang hirap talagang maging pogi. Tsk!

Tinapik ako ni Matthew at saka sinabing, "Pogi problems dude. Hahaha!" sabay lakad niya palayo sa pwesto namin ni Lexinne at ng mga alipores niya. Susundan na naman nito si Trish. Mukha na siyang Trish. Nagiging magkamukha na nga sila dahil lagi ba naman magkasama.

But what the heck?! Anong problema ni Lexa? Ang hirap talagang espelingin ng mga babae. Sakit sa ulo. Parang laging nakikipag-gyera. Moody. Ang daming echos sa buhay. Tsk! Buti pa kamng mga lalaki, puro kagwapuhan lang ang pinoproblema. Tulad ko, yun na lang palagi ang pinoproblema ko. Hay, hirap maging pogi.

"She's pretty... but I'm prettier than her. Bye baby. See you later!" sabay flying kiss ni Lexinne sakin, umiwas nga ako sasakto sa labi ko yung flying kiss niya e. Eh paralang kay Lexa yun.

Umismid siya saka naglakad palayo kasama ang mga alipores niya.

Naiwan ako dito habang nag-iisip ng magandang pansuyo kay Lexa. Siraulong babae kasi yun eh, pahamak.

=============================================

Hello! Hello! Hello! :)) Yeheey parteeeh parteeeh! 2k na ang reads nitong story ko ^___^ salamat po ♥

Ayun after a decade, nakapag-update din. XD Jusme! Sa tinagal-tagal ng panahon ngayon lang ako nagka-oras na gumawa ng update. Kung may nagbabasa man nito, sorry kung ngayon lang na-update :( wala kasi akong pasok bukas, at sa susnod na bukas kaya eto nag-update na ako :)

Sorry din kung padami ng padami ang epal, chos ang character sa story na to. Sabi nga di ba, the more, the merrier! :D Sana nagustuhan/magustuhan niyo. Mwaa :* hihi. Votes and comments are highly appreciated guys! :) ♥♥♥

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon