Chapter Ten

2 1 0
                                    

Cali's POV

It was a fine day. Tanaw na tanaw ko ang napakalawak na karagatan. Ang lamig ng simoy ng hangin. Dinig na dinig ko ang tunog ng mga alon at ang mga huni ng ibon sa paligid. And there she is,sitting on  a rock. She's wearing a white dress. Nakalugay ang kaniyang buhok na sumasayaw sa ihip ng hangin. Bagay na bagay sa kaniya. Nakaharap siya sa maalong dagat,nakatalikod sa akin. Tirik na tirik ang araw. Parang ang gaan ng pakiramdam ko habang tanaw siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Humakbang ako ng kaunti palapit sa kaniya. Nakayapak lang ako at damang-dama ko ang mga buhangin at maliliit na bato sa aking paa. Napatigil ako. Hindi ako makagalaw.

" Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo~ "

Nagulat ako sa kaniyang pagkanta. Kay ganda ng kaniyang tinig. Tila isang anghel na umaawit.

Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya~"

Pero...damang dama ko ang sakit at pighati sa bawat pagkanta niya. Sumusikip ang dibdib.

Nagkaroon ako ng lakas para humakbang pang muli.

Isa...
Dalawa...
Tatlo...

Sa bawat paghakbang ko ay tila lalong sumisikip ang aking dibdib. Napahawak ako doon.

Ilang hakbang na lang...

Pero napatigil ako dahil unti-unti siyang lumingon...

Ngunit natatakpan ng sinag ng araw ang mukha niya kaya hindi ko makita.

" Calypso..."

May tumatawag sa pangalan ko.

" CALYPSO!ANAK!GUMISING KA!"

Gulat akong dumilat at agad napabangon. Hinahabol ko ang aking hininga.

" Cali, okay ka lang?" May pag-aalalang tinig ni  mama.

Napahawak ako sa aking dibdib. Panaginip. Panaginip na naman. At...'yung babae na naman.

Inabutan ako ng isang basong tubig ni mama at agaran ko iyong kinuha at uminom.

" Binabangungot ka ata kaya ginising kita. Mabuti na lang at naisipan kong puntahan ka sa iyong kuwarto. Okay ka lang ba?" Bakas pa din ang pag-aalala sa boses ni mama.

" Okay lang ako,ma. Don't worry. Panaginip lang...masamang panaginip." Sabi ko.

Pero masamang panaginip nga ba iyon? Bakit pakiramdam ko isa 'yung...napakagandang panaginip?

" Hala sige. Bumangon ka na diyan at handa na ang agahan. Baka ma-late ka pa sa school mo. Sumunod ka na lamang sa'kin." Sabi ni mama at tumango lamang ako.

Hind parin ako maka-get over sa panaginip kong 'yun. Ang bigat parin ng dibdib ko.

Ang malaking tanong ko ay 'Sino ba talaga ang babaeng iyon at palagi siyang nasa panaginip ko?'

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon