Chapter Seven

8 5 4
                                    

Paul Aaron's POV

" Manong, diyan lang sa may coffee shop." I said to the tricycle driver.

Ipinara na niya ang tricycle at bumaba na ako. Hindi na ako nagpasundo sa driver namin.

Today, I am going to meet Dorothy Bruce,my childhood friend. It's been months since hindi kami nagkita,after that incident. Hay,nakakalungkot isipin.

Pumasok na ako sa coffee shop. We have lots of memories in this place. Naaalala ko pa ang mga kwentuhan namin,ang mga tawa niya na hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na maririnig ko 'yun.

Umiling na lang ako. Lumingon-lingon ako sa paligid at naghanap ng mauupuan. Sabi ni Dorothy, she's going to be late.

After half an hour,nakapag-order na ako't lahat,wala pa din si Dorothy. I looked at my watch. It's already 1:35 pm. Where is she?

Then after a while, the door of the coffee shop opened. And I saw her,wearing a red dress. Damn! She's really beautiful and sexy.

Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Tila nawala ako sa huwesiyo.

" Oh...Baka matunaw ako niyan,Paul." Then she chuckled.

Umiling lang ako at tumawa. " Parang ilang taon tayong hindi nagkita ah? You look blooming."

" As always..." Pabirong sabi niya but it's really true,palagi naman siyang maganda.

"So...Bakit mo ba ako gustong makita?" Tanong ni Dorothy.

"Hindi ba kita pwedeng makita?Hindi ko ba pwedeng makita ang 'friend' ko?" May diin kong sabi.

Tumawa lang siya. " Sabihin mo  na ang gusto mong sabihin,Mr. Gomez." Pormal niyang sabi.

Sumeryoso naman ako.

" Kumusta si Cali? Nagkita na ba kayo?" Diretsahan kong tanong.

" Well,he's okay now.And yeah...nagkita na kami." Sagot niya.

" Gusto ko siyang makita.Samahan mo ako sa kaniya." Sambit ko habang nakatingin sa mga mata ni Dorothy.

" Nasa school siya. And...Ayaw kong makita niya tayong magkasama." Sagot ni Dorothy na hindi makatingin sa akin.

" And why?Natatakot ka? Natatakot ka bang sabihin ko ang totoo?" I smirked.

" Hindi ako natatakot na sabihin mo ang totoo kay Cali. May kasalanan ka din,Paul.Hindi lang ako.Kaya kung sasabihin mo ang katotohanan,madadamay ka." Matapang niyang sabi pero bakas pa din ang takot sa kaniyang mga mata.

Sasagot pa sana ako nang may magsalita sa likuran ko.

" Dorothy? Ba't ka nandito?" Tinig ng isang lalaki.

Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Dorothy.
" At sino itong kasama mo?" Dagdag pang sabi nung lalaki.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Cali?

Nanginginig ako. Halu-halo ang aking nararamdaman,masaya na guilty na natatakot. Parang di ko kayang harapin siya at kausapin.

Bumalot ang katahimikan sa aming tatlo. Kami lang kasi ang customer dito.

"Hindi ba kayo...magsasalita?" Sa wakas ay nagsalita si Cali.

Tumingin siya sa akin. " Sino ka?" Tanong niya na ikinabigla ko.

"S-sino ak-ako? C-Cali, hindi m-mo ba ak-ako nakikilala?" Utal kong tanong.

" Magtatanong ba ako kung kilala kita? At bakit alam mo ang pangalan ko?" Tanong ni Cali.

Starry,Starry Night [On-Going]Where stories live. Discover now