Chapter Six

6 5 2
                                    


Cali's POV

Nasa school ako ngayon nakaupo sa lilim ng isang puno habang nakatingin sa malawak na field. Medyo makulimlim ang langit. Hulyo na kasi kaya madalas maulan.

Wala na namang kasama o kausap. Pero mas okay na 'yun. Tahimik at walang nanggugulo. Napatingin ako sa kalangitan naaalala ko na naman siya. Si Leina. Hindi ko alam pero nakangiti na pala ako. Kapag naaalala ko ang mukha niya,ang boses niya,ang mga panahong magkasama,ang mga matatamis niyang ngiti,ang tila nagniningning niyang mga mata na parang mga bituin sa kalangitan ay napapangiti ako. Hindi ko alam pero parang tumatalon sa saya ang puso ko kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon.

Si Leina. Siya lang ang tanging babae na nakapagparamdam sa akin ng ganito kahit na hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala. Parang may mga paru-paro sa ang tiyan.

Umiling na lamang ako.

Naalala ko bigla ang kasintahan ko,si Dorothy. I am cheating on her? Pero bakit parang hindi ko maramdaman na nagtataksil ako sa kaniya? Bakit hindi ko maramdaman na mahal ko siya?

Nabulabog ako sa aking pag-iisip nang biglang sumulpot ang isang nakakairitang babae.

"Hi Cali! Nandiyan ka lang pala.Hihi. Kanina pa kita hinahanap." Masayang sambit ni Beatrice.

She's so annoying.

" Pwede ba? Lubayan mo na ako." Sambit ko habang tumatayo.

Hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay hinila na niya agad ako upong umupong muli.Aish.

" Ano ba? Masakit yan ha!" Sigaw ko sa kaniya.

She pouted at nakakairita yun.

"Ihhh...Dito muna tayo! Let's talk. I want to know you more and I want you to know me more." Then she smiled sweetly.

"Tss...Hindi ako interesado sa'yo." At tumayo akong muli.

Kumapit naman siya sa braso ko.

" Please?" At nag-puppy eyes pa siya.

Tsk.Mukha siyang tuta. Kung hindi lang ito babae ay matagal ko na itong nasapak.

" Pwede ba,Beatrice? Tigilan mo na ako. Para kang stalker na sunod nang sunod sa akin. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Alam mo bang ang pangit tingnan?Na ikaw na babae ay sunod nang sunod sa akin? Baka akalain nila na inaalipin kita!Kaya,please...Nagmamakaawa ako.Lubuyan mo na ako.Humanap ka na lang ng ibang lalaki na lalandiin mo." At kinuha ko na ang bag ko.

Napatingin ako sa paligid. May ibang estudyante pala na nandito malapit sa amin. Nakatingin sila ngayon sa amin,sa akin.

" Ay! Ganiyan talaga siya 'no? Ang harsh niya sa babae..." Rinig kong bulong ng isang babae.

" Hindi ko talaga inakala na ganiyan siya ka sama..." Bulong din ng isa.

Tss.

Hindi ko na sila pinansin at idinapo ko ang aking tingin kay Beatrice.

Natigilan ako nang makita siyang umiiyak.

Tumingin siya sa akin habang humihikbi.Namumula ang kaniyang mukha.

"Oh!" At may hinagis siya sa mukha ko na isang card at agad ko naman itong nasalo. Pagkatapos ay tumakbo si Beatrice palayo sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Napatingin ako sa hawak kong card.

Ano 'to?Love letter?

Humupa na din ang bulong-bulungan at umupo ako pabalik sa lilim ng puno. Binuksan  ko ang card.

Starry,Starry Night [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon