Chapter Four

8 5 2
                                    


Cali's POV

Weeks later, gabi-gabi parin kaming nagkikita ni Leina sa lumang bahay. I don't know why but I admit it, she's fun to be with. Pero hindi ko iyon pinapahalata sa kaniya na masaya ako 'pag kasama ko siya.

At ngayon nasa lilim kami ng isang puno katabi ng bahay nila,nakaupo.

" Ang dali lang ng oras ,'noh? End of June na." Sabi ni Leina habang nakatingin sa malawak na lupain.

"Oo nga. " Dugtong ko.

"Ang ginaw na dito. Umuwi ka na kaya sa inyo? Anong oras na ba?" Kinuha niya ang braso ko at tiningnan ang relo ko.

Naramdaman ko na ang ginaw na ng kaniyang mga kamay.

" Pinapaalis mo na ba ako?" Pagbibiro ko.

" 9 pm na pala! Hindi na natin namalayan ang oras! Baka hinahanap ka na sa inyo. Galing ka sa school tapos dumiretso ka dito. Hindi ka pa nagmeryenda at naghapunan. Hindi ka ba nagugutom?" Pagbabaliwala niya sa tanong ko.

Tiningnan ko siya sa mata. God! That beautiful eyes!

" Ikaw na nga eh, hindi pa nakapagbihis. Naka-uniform ka parin. And, hindi ka din naman nagdinner ah? " Tanong ko pabalik sa kaniya.

Tumawa siya.

" Hindi na ako nakapagbihis dahil kakaupo ko lang ay dumating ka," tumawa pa siya,"at saka kumain na ako bago ako umuwi ng bahay."

" Lumalalim na nga ang gabi. Mabuti pa'y pumasok ka na sa bahay niyo at uuwi na din ako. At para makapagbihis at makapagdinner ka na. Bukas na lang ulit." Pagpapa-alam ko sa kaniya.

" Mabuti nga. Baka nag-aalala na ang pamilya mo sa'yo. " Wika niya.

Kumaway ako sa kaniya at tumalikod na. Napag-alaman ko noong una na may shortcut pala papuntang likuran nang hindi pumapasok sa loob ng bahay , sa sirang bakod.

Hindi pa ako nakakaabot sa bakod ay may biglang humintong kotse. Unang lumabas mula sa sasakyan ay si...mama. Tiyak na nag-aalala na ito.

Kumaripas agad siya ng takbo papunta sa akin at hinawakan ako sa mukha.

" Are you okay? May masakit ba sa'yo? Ano ba'ng ginagawa mo dito,anak? Did someone kidnapped you? Hey...magsalita ka. " Bakas na bakas ang pag-aalala sa boses ni mama.

" Ma, I'm okay,okay? Don't worry. Nothing happened. Nagpapahangin lang ako. You're so OA. " Umiiling-iling kong sagot.

Akma ko siyang lalampasan nang  bigla niya akong hilahin at biglang lumagapak ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Napatigil ako.

" How dare you act like that! Umaakto kang walang nangyari tapos kami dito...kami dito ay nag-aalala na sa'yo! Parang never mo kaming inisip! You never thought about our feelings! About MY feelings!" At tuluyan nang humagulhol si mama. Bigla akong nanlambot nang nakita ko siyang umiiyak.

I'm speechless.

" Ma... Pumasok na kayo sa kotse." Usal ni Kuya Titan at saka tumingin sa akin. " Sumakay ka na din,bro."

Para akong naestatwa. Hindi ako makagalaw. Bigla kong naramdaman na...sumasakit ang aking ulo. Nahihilo ako na parang nasusuka. Wala akong makapitan.

" Bro, halika na." Dinig kong sabi ni Kuya Titan. Pero sumasakit talaga ang ulo ko. Napahawak ako dito. Shit.

"Calypso? Anong nangyayari sa'yo?! Sumasakit ba ang ulo mo?!" Tinig iyon ni mama.

Napapikit na lang ako hanggang sa naramdaman kong may maginaw na hangin na dumampi sa aking balat.

" Mahal na mahal kita. Iyan ang lagi mong tandaan. Mahal na mahal kita, Calypso Apollo. You will always be my sun and my moon, my light. I'm always here...for you." Tinig iyon ng isang babae.

" I love you so much, E---"

At bigla akong nagising. Panaginip.Panaginip na naman. Napanaginipan ko na naman ang  babaeng iyon. Ano nga pala ang pangalan niya? Hindi ko na matandaan. Aish.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa kwarto ko pala ako. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Sinampal ako ni mama at nawalan ako ng malay.

Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nu'n si mama. Parang ayokong harapin siya.

" Anak, kumain ka na. Nagluto ako ng sopas para sa'yo. Alam kong paborito mo 'to. At huwag ka na palang pumasok sa school kung hindi ka pa okay. Inumin mo na din ang gamot mo. Sige,anak. Lalabas na muna ako. Tawagin mo na lang ako 'pag may kailangan ka." Malumanay na sabi ni mama.

"Ma..." Usal ko.

" Bakit, nak?" Lumingon siya sa akin.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama kaharap siya.

Hinila ko ang isang stool chair malapit sa side table gamit ang aking paa. Nginuso ko iyon, tanda na pinapaupo ko siya doon. Ngumiti naman si mama at naintindihan kaagad ang gusto kong sabihin.

" Ma, alam kong hindi ako naging isang mabuting anak sa'yo..." Umpisa ko.

Pinutol naman niya agad ang sinabi ko.
"No,don't say that." Hinawakan niya ang aking mga kamay.

" Ma, I'm sorry. I'm sorry sa inasal ko sa'yo kagabi. I'm sorry sa ugali ko, sa naging trato ko sa'yo. I'm sorry kasi parang,ay hindi parang...I'm sorry kasi nawalan ako ng respeto sa'yo."

Ngumiti siya. " You don't need to be sorry. I'm sorry din kasi nasaktan kita kagabi. I'm sorry kasi masyado akong OA pagdating sa'yo. Alam mo naman ang rason ,anak. Minsan ka nang muntik mawala sa akin,sa amin. I don't want to lose you,anak. Natatakot ako...natatakot akong mawala ka sa akin." Humagulhol si mama.

Parang nadudurog ang puso ko na makita siyang ganiyan. Masakit sa akin na tignan siyang nasasaktan nang dahil sa akin. She's a perfect mom for me.

Tumayo ako at niyakap siya nang  mahigpit. Yumakap naman siya sa akin pabalik. Dinig na dinig ko ang kaniyang paghikbi.

Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata.Shit. Am I crying? The heck. I really am.

" I'm sorry ,anak. Hindi ako perpektong ina. Marami akong pagkukulang sa iyo,sa inyo ng mga kapatid mo." She said while crying.

"Shh... You're indeed a perfect mom for us. You're the perfect wife,the perfect mother,the perfect best friend,the percfect woman,ma. For us, you are enough. Shh... I hate to see you crying,ma. Shh...I'm so sorry." Pagpapatahan ko sa kaniya.

" I love you,anak..." Sabi niya at tiningala ako.

"I love you too,ma..." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas mula sa mga mata niya.Then I kissed her forehead.

------

Author's Note

Thank you for reading! Hope you like it and I'm hoping that you'll continue reading my story!Muah!

Starry,Starry Night [On-Going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt