"Lana!"


Paglingon ko, sila Sir Van at Sir Czam na may hawak na tig-isang paper bag. Lumapit ang mga ito sa pwesto namin.


"Sir! Buti nakita naming kayo," bungad ko sa mga ito. Nakatuon ang mga mata ko kay Sir Czam.


"Why?"


"Kukuhanin po sana namin 'yong pagkain naming sa office n'yo. Tingin niyo po ba pwede pa 'yon?"


"Oh, that. Yes, I think," mukhang hindi rin sigurado si Sir Czam sa sinabi. "Let's check, let's go?"


Tumango ako rito at nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa office nila.


"By the way, Lana, are you okay?" napatingin ko kay Sir Czam habang naglalakad kami.


"Opo, bakit po?"


"Then, why are you clinging at him?" tinuro nito ang nakakawit kong braso sa braso ni Ian.


"Ah," dahan dahan kong inalis ito. "Wala lang po," alanganing napatawa ako rito.


Hindi na 'to nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa may office. Pagpasok namin, agad na iniabot sa'min ni Sir 'yong mga box ng pagkain. Agad ko itong binuksan para amuyin, para malaman kung panis na ba o hindi pa.


"Pwede pa?" mahinang bulong ni Jade sa gilid ko.


Tumango ako sa tanong nito, "Oo."


"Where are you going to eat that?" lahat kami ay natigilan sa tanong ni Sir Van.


Ngayong nabanggit niya 'yan, hind inga namin naisip kung saan kami kakain. Siguro naman pwede kami sa may food court?


"Baka po sa may food court na lang," natingin ako kay Jade sa sinagot nito. Pareho kami nang naisip.


"Bakit doon pa? Dito na lang, we'll give you chairs," tinapik pa ni Sir Czam ang office table niya.


Tinignan namin ni Jade ang mga kasama naming kung okay ba sa kanila. Nagsitango naman sila. Siguro, dahil na rin sa pagod at gutom, ayaw na ring lumayo pa ng mga ito.


Binigyan kami nila Sir ng monoblock isa isa. Dahil hindi kami kakasya lahat sa table ni Sir Czam, pati table ni Sir Van ay ipinagamit na rin sa'min. Sila Jade, Anne, at Shei sa table ni Sir Czam. Kami naman ni Iam sa table ni Sir Van. Hinatak ko pa nga patabi sa'kin si Ian dahil maghahati kami sa pagkain.


"Wait," napatigil ako sa pag-aayos ng pagkain. "Your brother ordered a lot. No need to split that in half," inabot sa'kin ni Sir Czam ang isa pang box ng pagkain.


"Ah! Thank you, Sir!" nakangiting sabi ko rito.


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now