Totoong maganda ang laro kanina, sobrang higpit kasi nang bantayan nila sa isa't isa. Isang puntos lang ang naging lamang ni Sir Van kay Orlando.


"Ikaw ba, Lhia?"


"Ano'ng ako?" tanong ko kay Ian habang pinakisuyo ko sa nagdaang crew 'yong mga basyong tray namin.


"Na-enjoy mo ba 'yong laro kanina?" tinaas baba pa nito ang dalawang kilay niya sa'kin. Kung gano'n, narinig din pala niya ang usapan nang kalapit table namin.


"Ano ba ang gusto mong itanong talaga? Diretsahin mo na," sagot ko rito habang hinihimay ang pagkain ko. Halata naman kasing may ibang gustong tumbukin 'tong si Ian.


"Well," inilapit nito ang sarili niya sa'kin. "Sino ang mas hot sa kanila?"


Napahinto ako sa ginagawa ko, tinignan ko ito. "Ikaw."


"Ha?" napakunot ang noo nito sa sinabi ko.


Inakbayan ko ito at bahagya pang inilapit ang mukha ko rito. "Ikaw, babe, mas hot ka sa kanila."


Mabilis nitong inalis ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Kitang kita sa mukha niya na para bang nandidiri siya sa sinabi ko. Hindi ko napigilang matawa dahil dito. Rinig ko rin ang pagtawa ng mga kaibigan namin.


"Bakit, babe?" tinangka ko ulit ilapit ang sarili ko rito pero tinulak nito ang noo ko gamit ang palad niya.


"Lumayo layo ka lang sa'king babae ka. Kinikilabutan ako sa'yo," mabilis ipinasada pa nito ang magkabilang kamay niya sa magkabilang braso niya.


Mas lalo ko pa 'tong tinawanan sa sinabi niya. Umayos na ko sa pagkakaupo ko at tsaka sinimulan ang pagkain ko.


Matapos kaming kumain, agad din kaming umalis agad at sinimulan ang paglilibot sa mga booth. Halos lahat ng mga booth, naka-discount na ang mga benta. Lalo na 'yong barbeque stall. Dahil nga alas tres ang simula nang concert, dapat bago ang oras na ito ay nakapagligpit na sila. Ito ay para lahat ng estudyante ay makanuod nang walang problema.


"Ilang barbeque gusto niyo?" tinignan ko si Ian sa tanong nito.


"Seryoso ka ba? Kakakain lang natin."


"Hindi naman ako nabusog," sagot nito habang namimili nang stick na ipapaihaw.


Napailing na lang ako, inilibot ko ang paningin ko para hanapin sila Jade na bumukod saglit dahil kailangan daw nilang magbanyo. Hindi na ko sumama kasi hindi ko naman kailangang magbanyo.


"Ian," hinatak ko ang mangas nang suot nito para mapatingin 'to sa'kin. "Naisip ko lang bigla, manunuod ka ba ng concert?"


"Oo," simpleng sagot nito habang tinutulungan 'yong nag-iihaw sa pag-ayos ng mga order niya sa ihawan.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now