Something is Different(Kabanata 32)

354 21 0
                                    

Suot ko ay isang puting V neck shirt lang at itim na maong shorts, nag tsenelas na rin ako, nike na itim.

Lumabas na ako ng Room ko para makapag fishing na kami ni Racylex, natutuwa tuloy ako habang naglalakad, first time ko naman kasi Eto at hindi ko mapigilang mapangiti.

But my smile slowly faded when the stalker enters my mind, why she's following us and who the hell she is? I'm not sure if she's the one who took a photo of Us.

Umiling na lang ako, baka naman hindi totoo iyon, hindi ko na lang pag tutuunan ng pansin, baka masyado lang akong nag iisip.

Naabutan ko si Racylex na nag aantay saking Room, nagtaka tuloy ako kung bakit hindi sya kumatok eh pwede naman dahil hindi sya nakakaisturbo.

Ngumiti sya nang makita ako pero agad din napawi ang ngiti nyang iyon nang pasadahan nya ang suot ko.

Wala namang masama sa suot ko.

Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga at pag kagat ng kanyang pang ibabang labi, halatang iritado sya.

Kumunot ang noo ko sa inasal nya "You okay?" I immediately asked.

Walang emosyon ang kanyang mata "Sinong may sabi sayong magsuot ka ng ganyan ka ikling shorts?" Malamig nyang asik.

Tinignan ko ang suot ko saka bumaling sakanya "Huh? Wala namang masama kung ganto ang suot ko ah?"

"Damn Glaiza! Alas Quatro pa lang ng Hapon at may araw pa"

"Oh? Tapos? Anong koneksyon ng araw sa suot ko?"

"Pano kung pagtitinginan ka nila jan sa shorts mo?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang pinuputok ng butchi ng lalaking ito at pati sa suot ko ay may problema?.

Ngumisi ako ng sarkastiko"So pag maikli ang shorts ay pagtitinginan pero yung mga naka two piece lang jan ay hinde?" I crossed my arms. Tinaasan ko sya ng kilay.

Ngumuso sya saka napakamot sa kanyang batok.

"Okay fine" bumuga sya ng hininga" papayagan kitang mags--"

"Papayagan mo man ako o hindi, still, susuotin ko parin to"

"Okay, basta huwag kang aalis sa tabi ko okay?"

Tumango ako "Yes po"

Nilahad nya ang kanyang kamay sakin at nakangiti kong inabot iyon.

At yun nga ni hindi man lang sya bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at talagang pag may nakasalubong kaming Lalaki ay hinihila nya ako tapos pinupuwesto sa gilid nyang walang tao.

Napaka OA OA naman ng lalaking to, akala mo naman mahal ako, gusto lang pala, kung naka acting parang mahal ah? Umaasa tuloy ako.

"Ano ba yan! Wala pakong nakukuha eh!" Inis talaga na sabi ko habang hawak hawak ang gagamitin sa pangingisda.

Nandito kami sa malaking yatch, makaubo ako malapit sa railings inaantay kung kailan gagawan itong nailon na nasa ere.

Napakamot ako sa ulo, alas sais na pero wala parin akong huli! Samantalang itong katabi ko ay marami rami na!

Ang galing nya kasing mangisda, samantalang ako walang experience. Kanina pa kami nag kukwentuhan pero na balance nya ang pag kukwentuhan habang nangingisda samantalang ako, panay salita lang.

Natatawa pa sya dahil wala pa raw akong huli.

"Huwag mo nga akong tawanan! Nandadaya ka eh!" Hinampas ko sya sa braso

CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now